kabanata 2

12 7 0
                                    

Agad kong kinuha sakanya ang pera at tumakbo ng mabilis sa kalesa dito,ko nalamang aantayan si stella...
"Alyana kanina pa namin ikaw hinahanap"saad ni stella habang papalapit saakin...ngumiti naman ako ng bahagya..
"Sa tabi tabi lang ako galing nag pahangin "saad ko saby tingin sa  tabi tabi nag paalam naman si peter saamin bago umalis...
Pauwi na kami ni stella,ng may madaanan kaming mga sisiw at manok na tumutuka pinatigil muna namin ang kalesa ,binulungan ko agad si stella,tumango tango habang nakangiti saakin si stella
"Isa.....dalawa.....tatlo"sigaw ko sabay dampot sa isang sisiw ganun rin naman ang ginawa ni stella,agad kaming tumakbo pabalik sa kalesa hinahabol kasi kami ng inahing manok,..habang nag tatawanan kami sa kalesa hindi ko mapigilang mapalyuha,sobrang tawa kasi ako ng tawa...
"Anong ipapangalan natin sa kanila?"tanong nya,tumingin naman ako kay stella at sa sisiw,..ella
"Ella,hinango ko sya sa pangalan mo "saad ko na ikinangiti nya
"Yanna,hinango ko rin sya sa pangalan mo"saad ni stella sabay ngiti saakin...
Pinagawa ni stella si mang berto ng kulungan ng sisiw ..
"Simple pero maganda"saad ko sabay pasok kay ella sa loob ng kulungan,...
Pinatuka namna namin sya ni stella.
"Aalagaan namin kayo hanggang sa lumaki kayo at sa oras na maging malusong na kayo maari na namin kayong kainin"saad ko sabay tingin kay ella at yanna,agad namang inilayo ni stella saakin ang dalawa dahilan para matawa ako
"Nag bibiro lamang ako"habol ko pa para mabahinga sya ng malallim...
Pareho kaming natawa ng sabihin ko yon.....
.......................
"Kung gayon pareho pala kayo ni ate samira,mahilig rin sya sa ganyang bulaklak "saad ni stella sabay turo sa sampaguita, nag kaiba pala kani mahilig sya sa rosas...
"Pero may pag kakapareho tayo"saad nya para mapatingin ako saknaya
"Mahilig rin ako sa kape"saad nya sabay naman kaming natawa...

Agad na nag utos si stella na mag padala ng dalawang kape
"Talaga?pinaluluhod ka ng yong ina sa asin?"gulat kong tanong ,tumawa namn sya saka tumango...aba..di ko alam yun ah..
"Ikaw kapag may nagawa kang mali anong parusa ang natatanggap mo?"tanong nya napa isip naman ako ng malalim...madalas akong paluin
"Pinapalo ako"saad ko sabay ngiti napatawa naman sya sa ngiti ko,...
"You know what hindi halatang matapang ang mother mo,ang ami kasi ng face nya"saad ko tumawa naman sya ng malakas ,napatawa naman ako sa ginawa nyang pag tawa..ng makatapos syang tumawa
"Ano ang yong tinuran?"tanong nya napatitig naman ako sa kanya ng ilang segundo,makatawa wagas di pala na gets..
"Hahaha wala sabi ko ang ganda mo"saad ko sabay tawa ulit,halos tumawa lang kami ng tumawa sa loob ng kwarto nya..
Nag bihis na kami ng pantulog,..naka puting dress ako at ganon din sya...
"Mukha akong multo rito"saad ko sabay lugay ng buhok ko tumawa namn sya at ginaya ang ginawa ko...
"Alam mo may naisip akong magandang idea"saad ko sabay lapit sa kanya...nilagyan ko ng durog na bigas ang mga mukha namin,ito ang karaniwang ginagawa noon...
"Halika takutin natin ang mga  kasambahay nyo"saad ko tumango naman sya at ngumiti...
Dito sa likod ng pinto ng kusina kami nag aabang hihintayin namin si soleng at ema na pumasok silang dalawa ang unang biktima,inilugay namin ang buhok namin at inayos ang puting dress..
Nakita kong pumasok sina soleng sa loob ng kusina "awhooaaaahhhhhh".
Gulat naman silang nag tatakbo papalabas ng kusina habang sumisigaw ,habang napahawak naman ako saaking tiyan sumakit ang tiyan ko kakatawa...
"Soleng anong nangyari? "Nag aalalang tanong ni emma ,hindi naman makapag salita si soleng bagkos ay itinuro ang loob ng kusina mabilis kaming lumabas doon ni stella dahilan para mag sisigaw sila.
"Wahahhhhhhhhhhhh"sigaw nila at nag unahan sila tumakbo ,nakita naman namin sa di kalayuan si samira na papunta sa kusina agad kaming pumwesto ni stella
"Whoaaaahhhh"
Gulat na humarap saamin si samira napakusot sya saknyang mata bago kumurap ng dalawang beses ...sunigaw sya pero walang boses na lumabas...
"Hahah ate ako ito"saad ni stella sabay hawi sa kanyang buhok,napatingin naman ako kay samira na halos maihi na sa suot nyang dress na pantulog rin...
Kunot noong tumingin saamin si samira
"Aatakihin ako sa puso dahil sainyo!"saad nito sabay alis,nainis sya sa ginawa namin...pero tumawa lang kami ni stella...
"Tiyak na nagalit sya"saad ko tumango naman si stella,
"Halika na baka may makakita pa saatin at habulin tayo ng gulok"saad ko saby takbo papasok sa kwarto...
..........................

BAHAGHARI Where stories live. Discover now