kabanata 4

8 7 0
                                    

"Sa aking tahanan na lamang natin ituloy ang pag aaral"saad ni maestra,pasakay na ulit kami sa malaking bangka....
Inalalayan naman kami ng tagasagwan na sumakay.....
"Kumapit kayo,"saad ng taga sagwan saka unti unting sumagwan...napatingin ako kay emmanuel na tahimik na nakatingin sa lawa....
Nasa akin pa ang kumot nya...
Hindi ko alam kung papaano ibabalik,mag papasalamat bako?
"May gusto  kabang sabihin kay ginoong emmanuel "saad ni anton,napatingin naman saakin si Emmanuel at sina maestra ako ang unang umiwas ng tingin...
"May problema ba hija?"tanong ni maestra umiling iling naman ako,...siniko ko naman ng kaunti si anton,daldal!!
.........................
"Paalam ,"saad ni stella sabay sakay sa kalesa ,nag paalam narin ako sa kanila,nakaalis na sina sarah at meane..
"Bukas,maaga kayong mag punta"ulit uli ni maestra kanina panya yun paulit ulit na sinasabi...
Ngumiti ako saka kumaway sa kanila...sa huling pag kakataon tumingin ako kay emmanuel na ngayon ay nakatingin rin pala saakin...mabilis akong umiwas ng tingin....
Bakit!!!bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko,...
"Ayos kalang?"tanong ni stella,nakahawak na pala ako sa tapat ng puso ko..
"Ok lang"saad ko sabay ngiti sa kanya....
Ng makarating na kami sa hacienda...
Agad naman kaming sinalubong ni donya perla at samira...always wala si don feblio busy sa work!!..
"Kamusta?"masayang tanong ni samira sa kanyang kapatid...
Habang masaya silang nag kkwentuhan pinag mamasdan kolang sila mula sa kanilang likuran...
............................
"Sino si sanya?"tanong ko kay stella,naalala ko nung una kaming mag kita...napayuko naman sya sa tinanong ko,
"Sya ang dati kong kaibigan,"saad nya may bakas ng lungkot ang pag kakasabi nya...
"Bakit kayo nag away?"tanong ko,tumingin sya saakin saka lumapit
"Dahil sa hindi pag kakaunawaan"saad nya sabay tingin sa labas ng bintana...
Pag kakaunawaan?
"Edi pag usapan nyo"saad ko sabay tingin saknya...huminga naman sya ng malalim ...
"Masyadong malalim na ang mga sugat namin,hindi ganoon kadaling tahiin"saad nya,hinanap ko naman ang sugat na tinutukoy nya,wala naman syang sugat?
"May mga bagay na kailangang bitiwan para wala ng masaktan"saad pa nya sabay tingin saakin...tumabgo tango naman ako....
Tama ,.
"Tama!gaya ng pag hawak mo sa baga ng apoy,kailangan mo itong bitiwan para hindi kana mapaso"saad ko at napatango tango naman sya.....
"Anong bang pinag awayan nyo,"saad ko ...napapikit naman sya at inaalala ang mga nakaraan,
"Simula bata mag kasama na kami,nag karoon ng lihim na relasyon sina peter at sanya..ng mapalapit ako kay peter hindi ko mapigilang mahulog sa kanya,sinubukan kong pigilan  hanggang sa inamin ko kay peter na may pag tingin ako sa kanya noong una ay iniiwasan nya ako ngunit nagulat ako ng mabalitaan hiwalay na sila..pumunta ako sa bahay nila sanya at palagi ko syang nadadatnang umiiyak,sinisisi nya ako ..
Batid kong kasalanan ko ang lahat at inaamin ko iyon"saad nya sabay hawi sa luhang bumabagsak sa mukha nya...
"Kinausap ni ama si don simon ang ama ni peter,ibig ni ama na ikasal ako kay peter noong una ay tumututol si peter ayaw nyang maikasal saakin ayaw nyang isipin ni sanya na kaya sya nakipag hiwalay ay dahil ikakasal sya pero kagaya ko ay wala rin syang nagawa hanggang sa hindi namin namamalayan na nahuhulog na rin pala sya saakin ,hindi nag tagal ay nag karoon kami ng relasyon...dalawang taon pa bago kami ikasal,ngunit ibinalita na iyon ni ama sa bayan kung kaya't galit na nag eskandalo rito si sanya...naawa ako sa kanya pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit sya nag kaganon! "Saad ni stella at sa pag kakataong yon tuluyan ng bumagsak ang mga luha nya....
"Bakit hindi mo iyan sabihin sa kanya?"
"Hindi ganon kadali alyana,marahil ay masasabi ko ngunit kagaya ng pag kakaibigan namin sira na rin ang tiwala nya saakin"saad ni stella,namumula ang kanyang mga mata...
Hinimas ko naman ang kanyang likuran..
"Huwag kang mag aalala mag kakaayos din kayo hindi man ngayon sa tamang panahon"saad ko ,niyakap naman nya ako ....

"Halika sumama ka ,"saad ni stella ,pinunasan naman nya ang mukha nya at huminga ng malalim ..
"Saan tayo pupunta?"tanong ko tumatakbo kami ngayon sa likuran ng kanilang mansion. ..
Wowww....gulat akong napatingin sa kanilang bulaklakan ang daming bulaklak....puro rosas may iilang sampaguita,
"Mahilig ako sa rosas ,si ate samira naman mahilig sya sa ganyan"saad ni stella sabay turo sa hawak kong sampaguita. ....
Sa di kalayuan may nakita kami ni stella na mahabang upuan...
Dito kami ngayon sa mahabang upuan nag papahinga ...gabi na ngunit maliwanag parin ang buwan...
"Alyana nag karoon kana ba ng kasintahan?"tanong ni stella saakin,napatingin naman ako sa mga bituin wala,NBSB ako...at hindi ko alam ang pakiramdam ng mag ka boyfriend, para saakin ang pag ibig ay isang balakid! ...umiling ako bilang sagot sakanya...
"Minsan kana bang humanga sa lalaki?"tanong nya ,hindi ko alam kung bakit si Emmanuel ang unang pumasok sa isipan ko!!...wala akong crush kay emmanuel. ..masungit kaya yon..
"Hindi,"saad ko narinig konaman na huminga sya ng malalim...
"Si Emmanuel kababata ko sya,ngunit kahit kailan hindi ako nag karoon ng pagtingin sa kanya...kaya laking gulat ko ng aminin nyang may pag hanga sya saakin,hindi ko alam kung anong gagawin kung kaya't iniiwasan ko nalamang sya"saad ni stella sabay tingin rosas...
"Kahit kailan walang babaeng niligawan si Emmanuel, "dugtong pa nya...talaga?NGSB din sya?...
"Bata palang kami madalas kaming magpunta sa tabing ilog,doon kami madalas dalhin ng nanay nya...kaya sa tuwing hinahanap ko sya doon ko sya madalas puntahan sa tabing ilog ,doon din nya saakin inamin ang nararamdaman nya masakit man pero ayokong mag sinungaling sakanya"saad ni stella sabay yuko...binasted nya si Emmanuel, !?whoaah dapat lang yun sakanya ubod ng sungit yun e,...
"Saan ang tabing ilog na sinasabi mo?"tanong ko kay stella sinabi nyang nasa likod lamang iyon ng hacienda Esperanto. ..
"Umuwi kana may pupuntahan lang ako"saad ko sabay takbo sa loob ng tahanan ...mabilis kong kinuha ang kumot ni emman at nilagay sa isang supot...
"Mang berto dalhin mo ako sa hacienda Esperanto "saad ko sabay sampa sa loob ng kalesa...mabilis naman yung pinaandar ni mang berto napatitig ako sa suot ko naka pantulog pala ako white dress.....
"Hinatayin mo ako"saad ko sabay senyas kay mang berto sa kalesa.....
Pumunta ako sa likod ng hacienda Esperanto, lumingon lingon ako sa paligid...tahimik at tanging galaw ng hangin at mga halaman at mga hayop lang ang naririnig ko...
Sa di kalayuan ay may narinig akong tumatangis,mahina lamang ito kung umiiyak. ..
Dahan dahan akong lumapit sa isang lalaking naka upo at naka ubob ang mukha sa pagitan ng kanyang tuhod,si Emmanuel ito.....
Dahan dahan akong tumabi sa kanya at hinawakan ang kanyang likuran...gulat syang humarap saakin..
Si Emmanuel nga
Pinunasan nya ang kanyang mga luha amat umiwas ng tingin
"Nandito ako para ibalik ang pinahiram mo saakin kumot "saad ko sabay pakita ng lalagyanan...tahimik sya habang nakatingin sa ilog..
"Bakit ka umiiyak?"tanong ko hindi naman sya umimik bagkos ay huminga lang sya ng malalim
"Sinabi sakin ni stella na madalas karaw andito,kaya dito ko unang pumunta"saad ko sabay tingin sa ilog
"Para kang bata kung umiyak"saad ko para kahit papano ay mapagaan man lang ang loob nya,..
"Kababata mo pala si stella,si stella pala ang unang babaeng minahal mo"saad ko sabay bato ng maliit na bato sa ilog ...narinig ko namang napabuntong hininga sya
"Si ina ang unang babaeng minahal ko"saad nya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa mga bituin.....
Close siguro talaga sila ng nanay nya..
"Hindi an----"hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla syang mag salita,
" hindi ko minahal si stella,humahanga lamang ako sa kanya"saad nya napakunot noo ko naman syang tiningnan...hindi daw bakit gustong makausap,
"Hayy,wag ako!!alam kong gustong gusto mo nga syang makausap"saad ko sabay sagi sa kanya ng bahagya...
"Ibig ko lang humingi ng tawad,yon lamang ang nais kong sabihin sa kanya"saad nya ng hindi tumitingin saakin...bakit pede naman kahit kaharap kami ah!
"Eh bakit hindi mo sabihin kahit kaharap si peter"saad ko ,
"Nag iinit ang dugo ko sa tuwing nakikita ko si peter"saad nya,malamang bida sya at kontrabida ka...
"Alam mo buti kapa nga e naranasan mo mag ka roon ng ina kahit sa sandaling panahon,samantalang ako hindi pa ako nailalabas sa mundo ng iwan na ako ni ama"saad ko sabay tingin sa mga bituin nakita ko naman na tumingin saakin si emman...pinunasan ko ang luhang bumagsak ...
"Naaksidente sya sa construction nila ng araw na yon,hindi ko man nakilala si ama ngunit alam kong isa syang mabuting ama"saad ko sabay punas ulit sa mga luhang bumagsak saaking mukha...
"Meron naman akong stepfather at sya ang totoong papa ni mefia,mabait sya saakin pero mas gusto ko parin ang totoo kong ama,sana kagaya mo nakita at nasilayan ko rin si ama sana kagaya mo nakausap ko rin sya,sana kagay mo nayakap ko rin sya"saad ko at sa pag kakataong yon hindi ko na mapigilan ang luhang bumabagsak na ngayon,napatingin naman ako sa kamay ni emmanuel ng punasan nya ang mukha ko gamit ang kamay nya...
"Huwag kang tumangis ,tiyak na tatangis ang yong ama "saad nya bigla naman akong natawa kasi parang ganon din yung sinabi ko saknya noon,sa unang pag kakataon nakita kong tumawa si Emmanuel. ...
..............................
"Alyana,tara na "saad ni stella sabay ayos ng kanyang kasuotan ...
"Lets go!"saad ko sabay bukas ng pinto....
"Mang berto dalhin mo kami kay maestra seng "saad ni stella tumango naman si mang berto...nasa kalagitnaan kami ng daan ng biglang tumigil ang kalesang sinasakyan namin...
"Mang----"hindi na natapos ni stella ang sasabihin nya ng biglang may tumutok ng gulok sa kanyang leeg sapilitan kaming pinababa sa kalesa ..."teka wait!"saad ko habang nakatingin sa lalaking naka suot ng itim na panakip sa mukha...
"Stella stella stella"saad ng lalaki habang tumatawa....
"Ng dahil sayo,muntik ng mamatay ang anak ko!"galit na sigaw nito na nag pabingi sa lahat,wala masyadong tao rito masyadong masukal ang daan,
"Dapat kang bigyan ng leksyon"sigaw nito at agad na sinaksak si stella napasigaw naman si stella sa sakit...agad na sumakay ng kalesa ang matandang lalaki at mabilis na umalis...
Agad akong tumakbo kay stella ,mabilis na pinatakbo ni mang berto ang kalesa....
Dinala namin sya kay doctor samuel,isa sa pinaka magaling na doktor ...
"Maayos na ang kanyang kalagayan,kailangan nya lamang mag pahinga"saad ni doktor samuel,.......
"Asan si stella?"tanong ni donya perla na kararating lang ngayon...tinuro ni doktor samuel ang silid kung saan nya ginamot si stella...
.....................
"Nakilala moba kung sino ang gumawa nito sa kapatid ko?"tanong saakin ni samira umiling naman ako ,hindi ko alam kung sino...
"Walang dahilan para saksakin si stella"saad nya sabay tingin kay stella na ngayon ay natutulog...napatingin ako sa pinto ng bunukas ito,.
"Kamusta po si stella?"nag aalalang tanong ni emmanuel, napatingin naman sya kay stella na mahimbing na natutulog...
Nakita ko sa mga mata nya ang matinding pag aalala...kung ako ba ang nasaksak ganan din kaya sya mag alala?..daig pa nya si peter!!oo nga pala hindi pa dumadating si peter!!!!huli pa pala sya sa balita nauna pa si Emmanuel! ,..
"Nasaktan kaba?"gulat akong napatingin kay emmanuel, tinanong nya ako?..
"Ha?"
"Nasaktan karin ba?"ulit pa nya ,kinurot ko naman ng palihim ang kamay ko baka nag iimagine lang ako !!..
"Hindi"tipid kong sagot sabay tingin kay stella,...umupo ako sa kanyang tabi...habang himas himas ang kamay nya...
Naparamdamam ko naman na tumabi sya saakin...
"Nag alala ako"saad nya ,hindi ko magawang tumingin sa kanya nag alala sya saakin o kay stella,?
"Nag alala ako na baka mawala ka!"saad nya sa pag kakataong yun napapikit nalang ako sa kilig....
"Kaibigan na kita kung kaya't ayokong mawala ka"saad nya ,napatingin naman ako saknya parang bigla akong nanghina sa sinabi nya kaibigan!kaibigan lang pala!..
"Oo friendzone"saad ko sabay himas sa noo ni stella,napansin ko naman na tumingin sya saakin ....

BAHAGHARI Where stories live. Discover now