kabanata 6

7 5 0
                                    

Maaga akong nagising hindi ko rin alam kung bakit!,
Basta nag bihis ako ng maayos,at nag lagay ng kaunting pampapula sa labi... pinusod ko rin ang buhok ko at pinuno ito ng pala muti,
"Saan ka pupunta? " tanong ni stella,nilingon ko naman sya at ngumiti. ..
"Secret"saad ko sabay ngiti. .
"Marahil mag kikita kayo ni emmanuel "saad ni stella gulat naman akong napalingon sakanya,paano nya nalaman!!
"Batid kona,sinabi saakin ni emmanuel noong huli nya akong bisitahin "saad nya sabay ngiti saakin..hindi ko mapigilang mapangiti...
"Nawa'y maging masaya kayo"saad nya niyakap ko naman sya ng kaunti.....
"Napaka buti mo talaga ella"saad ko bigla naman kaming natawa kasi naalala namin sina ella at yanna,...
"Mag iingat ka"saad nya at kumaway saakin..tinatahak namin ni mang berto ang daan masyadong tahimik ngayon ang kagubatan ah...hindi ko mapigilang ngumiti..
"Mang berto may problema po ba?"gulat kong tanong kasi biglang tumigil ang kalesang sinasakyan namin pag baba ko nakita ko si mang bertong duguan napahawak ako saaking bibig tatakbo na ako ng harangan ako ng kasamahan nila ...
"Pinahirapan mo kami stella"saad ng isang lalaki sabay tawa nanlaki naman ang mata ko ng tawagin nya akong stella,.
"H-hindi ako si stella"saad ko sabay iling iling tumawa naman sialng lahat ...
Tinalian nila ako at dinala sa isang sirang bahay...
"Itali sya "saad ng lalaki sabay turo saakin..tumatawa sila habang palabas ...hindi ko mapigilang mapaluha...
Bakit ba nila hinahunting si stella,sinaksak na nga nila!!..

Rinig na rinig ko ang mga tawanan nila sa labas habang nag iinuman..
Dinalhan naman nila ako ng pag kain na nakalagay sa bao,binasag ko ang bao at ginamit na patalim para putulin ang tali,pero bigo ako. .mahapdi na ang kamay ko pero pilit ko paring kinakalas ang tali sa kamay ko ...
Ng maramdaman kong kumuwag na ang tali pinilit kong alising ang kamay ko sa pag kakataoi at hindi naman ako nabigo..dahan dahan akong hunakbang palabas ng sirang bahay hindi ko alan kung mag sisisgaw ako pero habang tumatakbo ako nanginginig ako sa takot na baka ako ang isunod nila kay mang berto  ...
......................
Naalimpungatan ako ng marinig ang mga nag daraanang kalesa..nakatulog pala ako sa ilalim ng tulay..ang dungis dungis kona!,
Nag lalakad ako ngayon sa tulay hindi ko alam kung saan ang daan pabalik pero ito ang tulay kung saan ko nakita si emman...napadpad naman ako ngayo  sa palengke...
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko,
Niyakap ko ng mahigpit si Emmanuel, nakayakp rin sya ng mahigpit saakin
"Anong na---"hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng may malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong palengke, nag kakagulo ang lahat ng tao may mga umiiyak habang tumatakbo...
Hinawakan ako ni emmanuel sa pulso ko at hinatak papunta sa kalesa ngunit napatigil kami ng sampung kalalakihan ang humarang saami  at may hawak silang baril nakatutok iyon kay emman na nakaharang saakin ngayon...hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya tumingin saakin si Emmanuel bakas sa mukha nya ang matinding takot pero hindi nya ako binibitawan ...
Agad nilang sinugod si Emmanuel nahirapan silang patumbahin si Emmanuel pero di nagtagal nabugbog rin nila si Emmanuel nakatutok ngayon saakin ang isang rebolter
"Dahil sayo muntik ng mawala ang anak ko"sigaw nito saka sunod sunod na pinakawalan ang bala tatlong bala ang kanyang pinakawalan tumagos iyo saakin likod...mabilis akong napabagsak sa lupa narinig ko ang pag takbo nila ,narinig ko rin ang sigaw ni emmanuel, naramdaman ko ang pagdampi ng ulan saaking katawan tumingin ako sa kalangitan,umuulan isang malakas na kulog naman ang pinakawalan ng kalangitan napatingin ako kay emmanuel na patuloy na lumuluha kahit puro pasa ang kanyang mukha kitang kita ko parin ang kakisigan nya...
"Ngumiti kana"bulong ko sakanya umiling naman sya at paulit ulit akong niyayakap
"Huwag mo akong iiwan"narinig kong sigaw nya...
"Mahal kita"yon ang huling salitang binitiwan ko bago ako pumikit ..bago ako pumikit ngumiti ako ng bahagya kay emmanuel
Sa huling pag kakataon tumingin ako sa kalangitan na ngayon ay patuloy na bumabagsak ng ulan.....
.............................
Naalimpungatan ako ng marinig ang pag iyak ng isang babae dahan dahan kong iminulat ang mata ko,naaninag ko ang liwanag
"Ate !mama gising na si ate"narinig kong tugon ng isang babae dahan dahan naman akong tumingin sa kanya...si mefia 
"Alyana thanks god"saad ni mama sabay halik sa noo ko...
"Ate,nakita ka namin na nakahiga sa sahig tapos dumudugo ang ilong mo"saad ni mefia ...nakatitig lang ako sakanya ibig sabihin naka labas na ako ng libro?makakasama kona ulit sina mama?
Pinunasan ni mama ang gilid ng mata ko ng may pumatak na luha..
"Wag kanang umiiyak, hindi ka namin pababayaan"saad ni mama sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko....napahawak ako sa tapat ng puso ko,wala na si Emmanuel, nakalabas na ako ng libro...
"Ate ok kalang ba?"tanong ni mefia,napatingin naman ako sa kanya...hindi ko alam kung dapat akong ngumiti dahil nakauwi na ako ...........

Nakauwi na kami sa bahay nag handa si mama ng paborito kong ulam sinigang,
"Dadalhan nalang kita sa kwarto "saad ni mama ...dumiretso na akong pumasok sa loob ng kwarto nakita ko naman ang librong bahaghari na nakapatong sa mesa ,himinga ako ng malalim bago lapitan ang libro ...
Dahan dahan ko yong binuklat ...
Laking gulat ko ng makitang walang nakasulat sa libro kinusot ko ang aking mata pero wala paring nalabas na sulat...kinurot ko ang aking pisngi ,hindi naman to panaginip pero bakit walang nakasulat?
"Ate andyan si ate dalia"tugon ni mefia,ibinaba ko na ang libro at agad  na bumaba
....
"Girl,musta  nasabi sakin ni tita na dumugo daw dugo mo may sakit kaba?"tanong ni dalia,wala akong sakit,maayos naman ang pakiramdam ko ...umiling naman ako bilang tugon.
"By the way ,dumating na ang anak ng boss natin kaya bukas merong maliit na selebrasyon sa coffe shop"saad ni dalia,.
"Di muna ak----"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita sya..
"Kelangan andun tayo lahat,ayaw ni boss ng hindj sasama"saad ni dalia nochoice ako....wala ako sa mood para sa mga ganun..
"Oh sya mag pahinga kana ,uwi nako dinaanan ko rin si reyven,gorang gora sya e"saad ni dalia sabay tayo bumeso naman sya saakin bago umalis..
"Bye tita"saad nya sabay sara ng pinto...
"Maayos naba ang pakiramdam mo alyana?"tanong ni mama ,tumango tango naman ako....
"Ok,sige matulog kana gabi na baka mapuyat kapa"saad ni mama ,paakyat na sana ako sa hagdan ng maamoy ko ang matapang na amoy ,hindi ko alam pero bigla akong nahilo...
............
"Ginoo gising napo sya"sigaw ng isang lalaki sabay labas ng pinto dahan dahan ko namang iminulat ang mata ko amoy halamang gamot,papikit pikit pa ako ,dahan dahan kong kinusot ang mata ko,..
"Mabuti't gising kana ,dalawang linggo kanang walang malay"narinig kong tugon ng isang babae ...
Tumingin ako sa kanya napapikit ako ng dalawang beses...naaninag ko sya...nakikilala ko sya...
"Alyana huwag kang mag alala pinahahanap na ni ama ang gumawa nito saiyo"dugto g pa ng babae gulat akong napatitig sa kanya.
"Stella?"gulat kong tanong ngumiti sya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko
"Mahigit dalawang linggo kanang walang malay,sobrang nag alala sayo si Emmanuel hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya pero kahapon bago sya umalis sinabi nya na hinding hindi raw nya hahayaang mabuhay ang taong gumawa nito sayo"saad ni stella,napakingon lingon naman ako sa paligid puro halamang gamot at kandila ...
"Hija ,mabuti't gising kana "saad ni donya perla sabay lapit saakin...hinimas naman nya ang noo ko ,
"Aalis lang ako ,bantayan mo sya stella"saad ni donya perla saka tumayo ....
"Gabi gabi dumadaan rito si Emmanuel may dala  syang bulaklak,madalas karin nyang kwentuhan kahit tulog ka"saad nya napakunot naman ang noo ko,tulog?
"Tulog ako?"tanong ko tumango tango naman sya ...2 weeks akong tulog?pero gising ako nakauwi ako sa family ko...
"Mag pahinga kana malalim na ang gabi,bukas ay maaga kong pupuntahan si Emmanuel "saad nya sabay ayos sa kumot ko,..
.....
Buong gabi ako hindi nakatulog bumabagabag saakin ang nangyari saakin ramdam ko ang sugat na tinamo ko,ramdam ko ang hapdi...pero pano?pano ako nakabalik?pano ako nakauwi saamin?panong wala akong sugat nong makauwi ako?.....
Naoatingin ako sa labas ng bitana kumikislap ang mga bituin..walang makapag sabi kung bakit ako narito,walang makapag sabi kung paano ako makauuwi,......
Gulat akong napalingon ng bumukas ang pinto,...
"Sino ka?"tanong ko sa matandang lalaki na palapit saakin may hawak syang libro,
"Batid ko kung sino ka"tugon nya sabay upo saaking tabi..nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya,
"Alyana makakalabas ka sa libro sa oras na napapahamak ka sa oras na nalalagay ka sa kapahamakan"saad nya sabay tingin sa librong hawak nya gulat ko yong pinag masdan..
'Bahaghari 'yon ang pamagat ng libro. ..
"May isa kang kahilingan bago ako umalis"saad ng matanda sabay tingin saakin...
"Nais mobang umuwi na ?o humingi pa ng kaunting panahon?"tanong ng matanda hindi ko alam kung anong isasagot ko!kung uuwi na ako hindi kona makakausap si Emmanuel, ....
"Maari bang humingi ng kaunting panahon,"saad ko tumango tango naman sya bilang tugon...pero paano ako makauuwi?
"Paano ako maka uuwi? "Tanong ko tumingin naman sya sa libro...
"Ikaw mismo ang nakaalam "saad nya ,gulat ako ng bigla syang mag laho...

....

BAHAGHARI Where stories live. Discover now