wakas

14 4 0
                                    

"Lola ayaw pong ibigay saakin ni ella ang headband "saad ng bata sabay takbo sa matanda,hawak ng matanda ang libro habang nakangiting pinagmamasdan ang dalawang bata
"Lola si yanna po ang kumuha ng hikaw kaya akin naman po tong headband "saad isa pang bata....
"Ella,yanna halikayo"saad ng matanda nag unahan naman ang dalawa sa pag lapit sa matanda...
"Lola mag kkwento po ba ulit kayo?tungkol sa love story nina alyana at Emmanuel? "Exited na tanong ni yanna...
Ngumiti naman si lola alyana sa dalawang bata .
"Lola,sabi ni mommy hindi daw po totoo yung mga tao na nakapapasok sa loob ng libro"sabat ni ella sinagi naman sya ng bahagya ni yanna
"Sa tingin nyo mga apo totoo ba yon ?"tanong ni lola alyana nag katinginan naman ang dalawang bata saka tumango..
"Opo,pero lola kawawa namn po sila hindi po sila nag katuluyan "saad ni ella sabay yuko hinawakan naman ni lola alyana ang baba ni ella saka itinunghay...
"Hindi man sila nag katuluyan ngunit pareho naman nilang naranasan mag mahalan"saad ni lola alyana sabay ngiti sa mga bata...
"Lola nakapag asawa po ba si alyana?"tanong ni yanna ..napangiti naman si lola alyana saka umiling...
"Isang lalaki lang ang minahal nya,at isang lalaki lang rin ang pakakasalan nya"saad ni lola alyana sabay halik sa ulo ng dalawang bata...tumingin naman sina ella at yanna sa librong hawak ng matanda..
"Lola wala naman pong nakasulat dyan bakit hindi nyo pa po itapon?"tanong ni ella napatingin naman si lola alyana sa libro tsaka ngumiti..
"Dahil ito ang saksi sa pag iibigan ng dalawang ng tao"saad ni lola alyana napakunot naman ang mga noo ng dalawang bata....
Sabay naman silang napatingin sa mommy nila ng bigla silang tawagin.
"Yanna,ella come here aalis na tayo"sigaw ng mommy sabay kuha sa bag nya
"Mommy ayoko pong sumama"saad ni yanna ,hinawakan naman ng matanda ang kamay ng kanyang apo...
"Sige na,hindi mo ba ibig bisitahin si lola mefia ,ngayon ang death anniversary nya"saad ni lola alyana tumayo naman si ella at hinila si yanna papalapit sa kanilang mommy,...
"Tita,mauuna napo kami nariyan po si Camille kung may kailangan po kayo"saad ng magandang babae sabay halik sa noo ni lola alyana...
Kumaway naman sila sina yanna at ella sa kanilang lola bago lumabas sa pinto. ...
Hindi na nakatatayo si lola alyana doon sya naliligo ,kumakain at tumutulog......
Mag tatatlong taon narin mula ng mamatay si mefia nasa edad 63 si mefia ng mamatay ito...
"Lola may gusto po ba kayo?"tanong ni camille ang nag iisang kasambahay nila ...
Sinenyasan ni lola alyana si camille na lumapit
"Sa oras na mawala ako,ibig kong ibigay mo ito kay yanna at ella "saad ni lola alyana sabay hubad sa singsing at bracelet, ..
Hindi naman makapag salita si camille...
Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan agad na tumayo si camille at sinara ang mga bintana pinag mamasdan sya ni lola alyana sa kanyang ginagawa....isang malakas na kulog at kidlat ang pinakawalan ng galit na langit, sa huling pag kakataon nagawang ngumiti ni lola alyana sabay tingin sa singsing at bracelet na nakapatong sa mesa....
'Kung may maipagpasalamat ako yon ay ang nakapasok ako sa loob ng libro ng bahaghari '
Kasabay ng malalakas na buhos ng ulan,malakas na kulog at kidlat  naroroon ang isang matandang babae na nakangiting pumikit  ..........

~sa pag sapit ng dilim ako'y naghihintay parin,
Sa iyong maagang pagdating,
Pagkat ako'y nababalisa,kung dika kapiling...
Bawat sandali mahalaga saatin...
~tulad ng ibong malaya,ang pag ibig natin tulad ng langit na kay sarap marating....
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin ....
Tulad ng himig na kay sarap awitin......

~himig ng pag ibig~

"Lola alam nyo po ba may nanliligaw na kay ella"saad ng magandang dalaga sa puntod ng kanilang lola. ..
"Weh,ikaw nga may boyfriend na "saad namn ni ella sabay sagi saknyang kapatid at pareho silang natawa......
"Lola tinago namin ni yanna ang libro na madalas nyong dalhin noon,alam mo la ang weird nga yung kinuwento nyo saamin noon ganon na ganon din po yung nakasulat sa loob ng libro"saad ni ella...
Napatango naman si yanna
"Lola ang astig po non,parang dati wala pong nakasulat don pero ngayon la araw araw po namin yon binabasa ni ella "saad ni yanna pareho naman silang napatingin sa bahaghari. ..
"Lola tingnan mo po oh,lumabas na naman po yung rainbow "saad ni ella sabay akbay sa kanyang kapatid...pareho silang napangiti habang nakatanaw sa rainbow...
Pareho silang masayang umalis sa sementeryo, nasa edad 20 nasila pareho pero para parin silang mga bata kung mag away ...
Madalas silang mag away sa pag kain,damit etc...
Pero kahit ganon may mga bagay silang napapagkasunduan,kagaya ng pag basa sa libro ng 'BAHAGHARI '.....
Si wendy lang ang nag iisang pamangkin ni alyana,...
Si wendy ang ina ng kambal na sina ella at yanna...
Si alyana mismo ang nag pangalan sa kanyang mga apo....
Hindi na nag asawa pa si alyana ....
At masaya sya sa tinahak nyang landas
Masaya syang magpahinga na makita ang kambal masya sya na minahal nya si Emmanuel masaya sya na natupad ang hiling nya bago sya mamatay...at yon ay ang umuulan,kumikidlat at kumukulog. ....hindi man nya nakita si Emmanuel ngunit ang pinaka mahalaga sakanya ay ang mahal nya si Emmanuel una't huli at yon ang dadalhin nya pang habang buhay.......
..............................

Habang masayang nag aasaran sina yanna at ella napatigil sila ng biglang umulan,pero hindi nila iyon pinansin bagkos ay naglaro sila na parang mga bata sa ulan nag habulan habang masayang nag tatawanan.....

May mga bagay na kailangan pakawalan para wala ng masaktan...
Kahit hindi mo kapiling ang taong mahal mo,maari mo parin naman syang mahalin kahit hindi mo sya kapiling.....

"Alyana "sigaw ni emmanuel habang hinahabol sa gitna ng mga bulaklakan tumatakbo si alyana papalayo sa kanya...habang umuulan..
"Napaka bagal mo"sigaw ni alyana sabay tawa habang umuulan naghahabulan sila na animo'y mga batang paslit...
Binilisan naman ni emmanuel ang pag takbo ....hanggang sa maabutan nya si alyana niyakap nya ito sa likuran at binuhat....masayang tumatawa si alyana habang buhat sya ni emmanuel at inikot ikot,..
Humarap sya kay emmanuel at hinalikan ito sa labi...
"Mahal kita emmanuel "sigaw ni alyana sabay tingin sa mga mata ni emmanuel napangiti naman si Emmanuel sa ginawa ni alyana...
"Mahal kita alyana"sigaw ni emmanuel sabay buhat kay alyana akmang hahalikan na ni emmanuel si alyana ng biglang kumalas ito at mabilis na tumakbo papalayo...
"Alyana "sigaw ni emmanuel habang hinahabol si alyana na tumatawa habang tumatakbo papalayo sa kanya...masaya nyang hinahabol ang babaeng nag patibok sa kanyang puso,ang babaeng minahal nya ng wagas,.....
Masaya silang nag hahabulan sa gitna ng mga rosas
Habang umuulan,


"Ella look hindi nakapasok sa loob nang  libro si alyana "wika ni yana napa kunot ang noo nang dalaga..
"Kung hindi saan?"nag tatakang tanong ni ella
"Totooo si Emmanuel? So totoong tao sya?"ulit na tanong ni ella nag katinginan silang dalawa
"Ibig sabihin totoo sila totoo si Emmanuel, " nakangiting saad ni yanna
"Baka sa nakaraan si alyana naka punta!, " wika ni ella
"So totoo si Emmanuel hindi sya character  lang,totoo sya" ulit na saad ni yanna..

            Wakas
~Heto na naman nag iisip minsa'y nag tataka nasakin na lahat bakit nangungulila
At ng makita ka ibang  sigla aking nadarama pag ibig nga ba ito ako'y  nangangamba

~nais kong ipagtapat sayo sana'y dinggin mo ang hiling ng pusong ito,kahit na tayo'y
Mag kaibang mundo,
ikaw nga
Ang syang hanaphanap kay tagal na ko'y na ngarap lumuluhod nakikiusap ako ay mahalin mo sinta

~Ikaw nga ang syang mag babago saaking saakin buhay handang iwanan ang lahat upang makapiling ka sinta ohhhhhh....

~ikaw nga ~princess velasco

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BAHAGHARI Where stories live. Discover now