kabanata 9

4 4 0
                                    

Maaga akong nagising maaga kong ipinag luto si stella ng lugaw,
"Maestra, "panimula ko sabay tabi sakanya nakatingin sya kay stella,...nakukungkot rin sya sa nangyari sa pamilya ni stella, si maestra at Emmanuel na ang nag palibing sa pamilya ni stella...
Pinahahanap naman ng ama ni peter kung sino ang gumawa noon sa kanyang anak,ipinatutugis nya ang ama ni sanya...maraming binayarang tauhan ang ama ni peter para ipapatay ang ama ni sanya,buhay o patay gusto nyang makita ang bangkay,...
Napalingon naman sakain si maestra lubog na rin ang kanyang mata at halatang umiyak sya magdamag...
"Sa oras na mawala po ako ,wag nyo pong pababayaan si stella"saad ko niyakap naman ako ni maestra hindi ko na mabigilan ang umiyak..
"Maging ikaw iiwan mo rin sya"saad ni maestra na nag pa durong sa puso ko,kahit masakit...pero kailangan,sandaling panahon nalang ang nalalabi ko rito....
"Maestra,maari nyo po bang alagaan sila"saad ko sabay turo sa mga sisiw medyo malalaki na sila...tumango naman si maestra.....
"Batid ko kung sino ka ,batid kong pansamamtala kalang rito"saad nya gulat naman akong napatingin kay maestra nakatitig sya saakin...
"Alyana malapit kanang makauwi"saad ni maestra sabay baling ang tingin kay stella...
"K-kayo poba yung matanda?"tanong ko hindi ko mapigilang manginig ang boses ko .tumango si maestra
Nilabas nya ang libro na nasa ilalim ng kama
"Malalaman mo kung bakit walang nakasulat sa libro"saad nya sabay buklat sa libro na walang sulat...
.............................
"Kumain kana"tugon ni emmanuel nakatitig lang pala ako sa pag kaing nasa harapan ko,..
"Mag kakasakit ka kung hindi ka kakain,kagabi kapa hindi kunakain"saad nya sabay subo saakin ng kanin,ngumiti naman ako saka kinuha ang kutsara...
"Alyana,narinig kong nag papaalam ka kay maestra saan ka pupunta?"tanong ni emmanuel dahilan para mapatingin ako sakanya,...
Sasabihin ko ba ?pero masasaktan sya!..
Yumuko ako at pilit na pinipigilan ang luha,
"Ah,wala pupunta lang kasi sana ako sa bahaghari kaso makulimlim kung kaya't hindi na ako tutuloy "saad ko saby inom ng tubig...
Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko...
"Akala ko'y iiwan mo ako"saad nya may luhang bumagsak sakaing mukha at agad ko naman yong pinunasan ...
Pagkatapos naming kumain hinugasan ko kaagad ang mga pinggan, dito kami tumuloy kay maestra araw araw naman nabisita so emmanuel
"Salamat po maestra "tugon ni emmanuel sabay tingin saakin,tumango naman si maestra. Saka pumasok sa silid ni stella....
"Tayo na"tugon ni emman saby hawak sa kamay ko napatigil naman sya ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko,
"Huwag kang mag alala nag paalam ako kay maestra"saad nya saby ngiti,...
"Saan moba ako dadalhin?"tanong ko kanina pa sya nakangiti...
Napatigil naman ang kalesang sinasakyan namin ng marinig ang mga sigawan at malalakas na palitan ng baril agad kaming bumaba ni emmanuel, ..nag kakagulo sa plaza maraming tao ang duguan sa sahig ...guardia laban sa guardia, ...
Ang ama ni peter ang nangunguna sa kabilang panig habang pianuulanan ng bala ang kabilang panig,nakita kong duguan ang ama ni sanya ...sasakay na sana kami sa kalesa ng biglang may malakas na pag sabog ang nag pa bingi sa buong plaza..tinutupok ngayon ng apoy ang mga palaruang gawa sa kahoy,makapal narin ang usok maraming mga tao ang umiiyak,hunihingi ng tulong, ang iba ay duguan napahawak ako ng mahigpit kay emmanuel. ..
Sugatang lumalapit saamin ang ama ni sanya may hawak syang rebolter,
"Ikaw"sigaw ni don domingo ang ama ni sanya,sabay turo saakin humarang naman si Emmanuel, nagulat ako ng biglang may humawak sa leeg ko mula sa likuran
"Emman"sigaw ko habang hinihila ng lalaki ,humarap naman si Emmanuel at agad na sinuntok ang lalaki nasaksak nya sa leeg ang lalaki,nasaksak sya sa kanyang braso ,...napahawak ng mahigpit si Emmanuel  sakanyang braso na patuloy na dumudugo,niyakap ko sya habang naka upo sa lupa,"Emmanuel "bulong ko,hinawakan naman nya ang kamay ko at ngumiti ..
"Huwag kang mag alala malayo ito sa bituka"saad nya sabay ngiti ,...
"Emmanuel, isa sa malapit na kaibigan ni stella"saad ni don domingo sabay turo kay emman ng baril ..hindi na maawat ang pag daloy ng dugo ni emman napapapikit naman sya sa sakit pinilit nyang tumayo at hinila ako sa kanyang  likuran ,
"Isa sa naging dahilan kung bakita namatay ang anak ko"sigaw ni don domingo, isang malakas na putok ng baril naman ang nag pabingi sa lahat....
Napatingin ako kay emman wala syang tama ng bala natumba naman sa lupa si don domingo, niyakap ko ng mahigpit si Emmanuel, salamat at wala syang tama ng bala ,...habang nakayakap ako kay emmanuel nakita kong dinampot ni don domingo ang rebolter at tinutok sa likod ni emmanuel mabilis kong inikot si Emmanuel, tatlong mag kakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni don domingo,
Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod,napatigil si emman sa pag yakap ng makitang dumudugo ang aking likuran,napahawak ako saaking tagiliran may tama rin ng baril ,bago ko masangga ang katawan ko tinamaan na kaagad ako ng bala ,....
Napatingin naman saakin si Emmanuel,  sa pag kakataong yon nakita kong lumuha sya ..naramdaman ko ang pagdampi ng ulan saaking katawan, npatingij ako sa buong paligid patuloy parin sila sa pag lalalabn ,pag papatayan...bata,matanda babae o lalaki pinapatay nila....
Hinawakan ni emmanuel ng mahigpit ang kamay ko
"Huwag mokong iwan "
"Alyana pakiusap huwag kang susuko"sigaw ni emmanuel sabay halik sa noo ko napatingin ako sa kalangitan isang malakas na kulog at kidlat ang pinakawalan ng galit na langit..sa huling pag kakataon napatingin ako kay emmanuel na umiiyak habang hawak ang kamay ko....bago ko ipikit ang mata ko sinubukan kong mag salita...
"M-mahal kita"iyon ang huling nasabi ko bago ko ipikit ang mata ko,
"Mahal kita "bago ko ipikit ang mata ko iyon ang huli kong narinig na sinabi nya
'Gusto kong makasal sa isang lalaking kagaya mo Emmanuel, gusto kong ikasal sa'yo'......
..........................

~ohhhh ohhwwoooahh
Bawat sandali ng aking buhay
Pag mamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging hindi mag babago aking pag tingin pangako natin sa may kapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Mag hintay....

~ipag lalalaban ko ang ating pag ibig. ..
Maghintay kalamang akoy darating pagka't sa isang taong mahal mo ng buong puso,lahat ay gagawin
Makita kang muli...

~makita kang muli by :sugarfree~

............................................................
"Binabagungot ka ate"nagising ako ng maramdaman ko ang pag alog saakin...bigla akong napabangon sa kama ,napatingin ako kay mefia,nakapamtulog sya..nakabalik na ako!naka uwi nako!..hindi ko na napigilan bigla ng bumuhos ang mga luha ko ,niyakap ko rin si mefia  namiss ko ulit sya...
"Ate nanaginip ka kanina ng masama"saad ni mefia napatingin naman ako kay mefia ..wala syang kaalam alam na nakapasok ako sa loob ng libro,wala syang kaalam alam na namatay ako sa loob ng libro....
"Ate mag bihis kana parating na si ate dalia"saad nya ,umiling ako wala akong gana..ayoko ayokong umalis hindi ko alam kung bakit sobrang bigay ng pakiramdam ko sobrang sikip ng dibdib ko...
.............................
'Alyana di kaba sasama?'
Nabasa ko sa text ni dalia nireplyan ko naman sya '
'Sorry dalia masama talaga kasi yung pakiramdam ko'
'It's ok,sasabihin ko nalang..pagaling ka'relpy ni dalia....

Binaba ko na ang cp ko at muling tumingin sa libro ..inabot ko yon at muling binuklat wala paring nakasulat...
Nagulat ako ng biglang kumatok si mama sa kwarto,.binuksan ko naman yon at pinapasok si amam
"Alyana bukas na ang piyesta mamimili lamang ako ng ihahanda natin,ikaw na muna ang bahala rito "saad ni mama lalabas na sana sya s a kwarto ng mapatigil sya ng bigla ko syang yakapin..
"Na miss kita ma"saad ko tinapik naman ni mama ang kamy ko...
"Sige na mag pahinga kana"saad ni mama sabay sara sa pinto. ......
...bumaba ako sa hagdan nakita kong busy sa panonood ng tv si mefia...bumalik nalang ako sa loob ng kwarto ng maalalang wala nga pala akong gagawin sa baba,
Nakaupo ako ngayon sa tabi ng bintana at pilit tinatanggap na isa lang yong panaginip. ..hindi ko mapigilan ang pag patak ng mga luha ko gustuhin ko mang isipin na isang panaginip lang ang lahat pero hindi ko parin matanggap na ganoon ang sinapit namin ni emmanuel! Hindi man lang ako binigyan ng pag kakataong makasal sakanya ...

BAHAGHARI Where stories live. Discover now