SCHOOL 1
Nathe/Thali's POV
Nagising ako nang tumunog ang aking alarm clock. Tumingin ako sa wall clock ko. Six thirty na ng umaga.
Tumayo ako at dumiretso sa bathroom para gawin ang morning routine ko. Mag toothbrush, hilamos, at maligo.
Pagkatapos kong maligo ay sinuklay ko ang aking buhok. Maikli lang ang buhok ko, hanggang balikat pero tinatali ko at nagsusuot ng wig.
Bumaba ako at dumiretso ng sala. Pagdating ko doon ay nakita ko si mommy at daddy na nag be-breakfast.
"Good morning dad." Lumapit ako kay daddy at humalik sa pisngi niya.
"Good morning mom." Ganoon din kay mommy.
"Kumain ka na." Yaya ni yaya Nina.
"Opo." Sagot ko at naupo na.
Sinimulan ko nang kumain para mabilis akong makauwi ng condo ko para magbihis ng damit.
"How's school?" Dad.
"I'm doing fine dad." I took some bacon.
"Do you have any interest in any guy in your school Thalia?" It was almost a whisper.
Napatigil ako sa pag subo at nag angat ng tingin kay mommy.
"Nathalie." It was my dad. Reminding my mother about the topic.
"Mom." I am left speechless.
I shivered when Atlas entered my mind.
Why would he even cross my mind!?
This is annoying as hell!
I heard her sigh. Probably dropping the topic.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kay mommy at daddy bago dumiretso sa garahe.
Ginamit ko ang lambo kong sasakyan at dumiretso sa condo ko. Pagdating ko sa condo ay nagbihis na ako ng panlalaking damit, nagsuot bendahe sa dibdib at nag lagay ng wig.
Mabilis akong bumaba papunta ng parking lot dahil malapit na akong malate. Nang makasay sa sasakyan ay pinaharurot ko na papuntang school.
I arrived at school. My friends are already waiting.
"Dude." Salubong sa'kin ni Timothy at nakipagfist bump sa'kin pagbaba ko ng sasakyan.
Napailing na lang ako ng ulo nang makita ko ang barkada na napapalibutan ng mga babae.
Mga babaero talaga.
"Dude!" Sigaw ni Jay.
Lumapit ako sa kanila at nakipag fistbump isa-isa. Nagkwentuhan kami ng kaunti dahil maaga pa naman masyado para sa klase namin, eight-forty pa lang naman samantalang nine-thirty pa ang pasok namin.
Nagulat kami nang may sumigaw. Nilingon namin ang gawi ng mga sumisigaw, napailing ako. Puro mga kababaihan.
Nilingon namin ang kanilang tinitingnan.
"Oh my god!" Biglang tili rin ng mga babae na nakapalibot sa amin at tumakbo papunta sa direksyon ng entrance.
"Si Del Quero!" Sigawan ng ibang mga kababaihan at kanya kanyang labas ng make up at nag retouch ng mukha.
"What is he doing here with his friends?" Tanong ni Jay.
"I heard he transfered here." Saad ni Drake na ikinalingon namin sa gawi niya.

YOU ARE READING
THE BAD BOY & THE TOMBOY
Ficción GeneralOh, the irony of love. What is he doing to me? God! He's making me doubt everything about myself. I leaned back on the sofa, closing my eyes as I pressed my fingers against my temples. Are you still there, Nathe? Or... has Nathalia already taken ove...