0.2

242 7 0
                                    

Myka's P.O.V

Ordinaryong lunch break na naman, kami lang ni Meg sa isang table nagdadaldalan or nagtatawanan habang nagkukwento sa isa't isa ng mga nakakatawang bagay na nagawa namin nung bata pa kami o kaya magkukwento tungkol sa isang palabas or movie na napanuod kinagabihan.

"Napanuod mo na ba yung movie na 'The Gifted' nina Anne Curtis?" Tanong niya sakin, tinutusok ang binili niyang mashed potato.

"Hindi pa e," mahina kong sagot at sumubo sa kinakain kong burger. "Meron ka ba? Maganda ba yun?"

"Oo, ang ganda ni Anne tyaka ni Cristine!" Sinabi niya na para bang nagfafangirl at dahil dun natawa ako. "Gusto mo panuorin natin mamaya, punta ka ng bahay?"

"Di ko alam e." Bulong ko dahil baka naman talaga di ako payagan ni mama dahil village ang layo ng bahay ni Meg samin. Lumipat sila dun sa kabilang village for some reasons.

"Try to call your mom kaya?"

Oo, may pagka-conyo rin si Meg minsan pero kahit na naasar ako sa mga ganon, nagkakasundo parin kami.

"Mamaya na siguro, baka busy pa siya." Sabi ko sakanya at nagbuntong hininga.

Minsan nagtatampo na ko kay mama kasi umaga na lang kami nagkakausap. Sobrang aga siya aalis, sobrang late siya uuwi. Sobrang busy niya. Si papa naman nasa ibang bansa, nagtatrabaho rin para samin, actually nung isang buwan lang siya nagsimula pero namimiss ko na si papa.

"Meg, punta lang ako ng CR ha," pinilit kong ngumiti sakanya bago tumayo sa aking kinauupuan.

Nakatingin lang ako sa sahig habang napapaisip, dapat ba akong matuwa dahil kahit papaano ay nakakaraos na kami dahil sa pagsisikap nina mama? O papairalin ko ang matampuhin kong side-

"Aray." Bulong ko sa sarili ko pero nabubwisit ako sa kung sino man ang-

"Okay ka lang?" Tanong niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko. Napatitig ako sa maganda niyang mata ng ilang segundo bago tumango. "Sorry, di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi ni Luke na may hint ng kahihiyan.

Nag-sorry pa siya, e ako naman tong may kasalanan.

"Sorry din." I said and pulled out a smile. I walked away before the situation gets awkward.

Pagkapunta ko ng banyo ay nagtatalon ako sa kilig. It's the first time we had some contact to each other, alam mo yung electricity na parang dumaloy? Alam mo yung ganong feeling? I may sound cliché but that's exactly what I felt when he touched me.

"Kalma, Myk. Kalma." Bulong ko sa sarili ko. "Inhale, exhale."

Matapos kong magpakalma sa banyo ay lumabas na ako ng nakalagay sa mukha ko ang usual kong reaksyon na nakapoker face lang at umupo sa table namin ni Meg.

"Gosh, Myk, bakit ang tagal mo naman yata? Tumae ka ba?"

"Baliw!" Sabi ko at naglabas ng malakas na tawa. "Hindi ah! Di ko kasi alam paano ko sasabihin sayo..."

“What’s it ba kasi? I’m getting curious and intrigued na!” Sabi niya at natawa ako.

“Wag kang nagrereact or sisigaw or magugulat or-“

“Oo na! Ano ba kasi yon?”

“Nagkabanggaan kami ni Luke and we actually talked.” I said like I can’t believe that that actually happened and I’m telling her this now.

“OH MY-”

“SHH!”

---------

 

short again lol ily

okay medyo tumataglish na siya and i really can't help it but magtaglish kasi i don't know how will i write it in tagalog, ang hirap kasi iexplain lol

Mr. Torpe Meets Ms. Manhid (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon