0.7

131 5 0
                                    

Luke's P.O.V

"So, friends na ba kayo?" Tanong ni Kyle sakin, wiggling his eyebrows. Hilig niya kase ako iasar kay Myka, hindi ko alam kung bakit pero otp daw kami. Nung una nga di ko pa alam ang ibig sabihin ng otp. Daming alam ni Kyle e.

"Alam ko lang pangalan niya, she seems a good person." I shrugged, at kinuha ang libro namin sa english, dahil yun ang sunod na subject.

"Pustahan tayo, bago magend ang school year magiging kayo nan."

"Ano ka ba naman pare, pati yan pinupusta mo? Ang immature mo talaga."

"Di ka umaatras sa mga pustahan ah," sabi niya at tumawa. "Uy, defensive."

"Tumigil ka nga." Naiiritang sagot ko at binuksan na ang libro namin sa filipino.

"Ikaw ah," pangaasar niya pa at nabatukan ko siya, buti naman tumino.

Sakto, dumating si mam at tumahimik na kaming lahat. Umupo na siya sa upuan niya at binuksan ang libro, lahat kami nakatingin lang sakanya, hinihintay ang susunod na sasabihin.

"Sino ang walang assignment?" Bigla niyang tanong. Tanging isa lang ang nagtaas ng kamay.

Si Myka.

"Ms. Perez, halos lagi ka nang walang assignment at bumabagsak ka na sa filipino."

Myka just sighed and she stayed silent.

"Pati ang mga quizes at test mo bagsak din." Mrs. Paala continued. "I think kakailanganin mo ng tutor.”

Bakat sa mukha ni Myka ang gulat at napatingin siya kay Ma'am at nagsalita.

"Ma'am, hindi na po-"

"Hindi ka pwedeng tumanggi, sayang naman ang kagalingan mo sa lahat ng subjects kung sa filipino ka rin naman pala babagsak." Sabi ni Ma'am at natahimik na lang siya.

"Mr. Santos, ikaw ang magtutor kay Ms. Perez."

Kyle and I exchanged looks before I stood up.

"Ma'am bakit ako?" Tanong ko, naguguluhan.

"Syempre, ikaw ang valedictorian ng klase." Ma'am said the obvious while observing her new pink-polished nails.

"Sige po." Yun na lang ang sinagot ko at auyoko pang makipagargumento. Strikto kase si Ma'am Paala at walang nnangangahas na sumaway sakanya dahil deretso detention ka.

Nagpasa na kami ng mga assignments at nanatiling tahimik sa buong klase.

Di ko alam kung paano ko kakausapin si Myka at di naman kami close. Ni hindi niya nga ko masyadong kinakausap, at parang ayaw niya sakin.

Ano kayang gagawin ko? Bakit parang kinakabahan ako? Tutor lang naman ang gagawin namin, tatanungin ko lang naman siya kung kailan at saan pero bakit ako ninenerbyos?

Bakit?

------

finally luke's point of view

i don't even know ano nang ginagawa ko sa storya na to lol bye

Mr. Torpe Meets Ms. Manhid (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon