0.0

606 10 0
                                    

Myka's P.O.V

"Ilan ba?" Tanong ko kay mama nang iniabot niya sakin ang pambili.

"Mga tatlo lang." Sagot niya at itinango ko na lang ang ulo ko at naglakad na palabas.

Malamig parin ang hangin kahit umaga na, tumingin ako sa likod ko, tinitingnan kung nandon ba siya.

Pero wala.

Nagpatuloy na lang ako maglakad papunta sa tindahan.

"Pabili po," magalang kong sabi at napalingon ang tindera. "tatlo nga pong itlog." Dagdag ko at nginitian niya lang ako, kumuha ng sinasabi kong itlog at dahan dahang nilagay sa plastic.

"Salamat po." Binalik ko ang matamis niyang ngiti at nagsimula nang maglakad pabalik ng bahay ng nagulat ako sa nakita.

Siya, mukha pang bagong gising at kinakamot pa ang likodan ng leeg niya, umaakta na parang napilitan lang utusan. How can he look so perfect even if he just woke up?

Narealize ko ang katangahan ginagawa ko na nakatayo lang sa gitna ng daan at nagpatuloy na lumakad, nakatingin lang sa kalsada, iniiwasan ang tingin niya.

Baka naman titingin siya sakin, pilosopo kong naisip.

Nagkadaanan lang kami na parang di magkakilala. Ay, di nga pala kami talaga magkakilala. Oo, ako kilala ko siya pero hindi niya ko kilala. Saya no?

"Oh eto na." Sabi ko mama pagkapasok ko ng bahay at nilapag ng maayos ang plastic sa mesa, pumunta na ako sa kwarto at nagsimulang maligo.

---

 

sorry i don't make tagalog stories anymore and it's not so nice sorry and im trying not to make this a taglish story lol and i think i’ll fail bc i just can’t lol

Mr. Torpe Meets Ms. Manhid (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon