0.5

160 5 1
                                    

Myka's P.O.V

Usual day na naman, eto na naman ako naghihintay sa bus stop. Naglaro muna ako sa cellphone ko ng mga random games to occupy myself, ang hirap kaya ng magisa lang sa bus stop, walang kausap, parang loner lang.

I heard the familiar sound ng gate nina Luke na nagbukas, pero I said to myself na wag titingin. Pinatili ko ang tingin ko sa cellphone ko, naglalaro ng Dumb Ways 2.

"Hi." I heard him speak. Baka may nakita siyang kakilala kaya hindi ako tumingin at nagpatuloy maglaro.

"Pst." Aniya niya, sino kayang kinakausap non?

"Oy babaeng nakauniform." Ulit niya. Tumingin ako sa paligid, wala namang ibang tao kundi ako lang. I felt my cheeks blush.

Is he actually talking to me?

Tumingin ako sakanya and I was met by his beautiful brown eyes.

"Ako ba kinakausap mo?" I asked to be sure, baka naman assumera lang ako.

"Oo, ikaw." Natatawa niyang sinabi.

"Bakit ba?"

"Wala lang, masama ka bang kausapin? Nagiging friendly na nga ko dito e." He chuckled and nudged me on the shoulder.

I let out a nervous laughed at tumingin na ulit sa baba, baka makita niya pa na namumula na ko dito. There was some seconds of silence before he started to speak again.

"So, what's your name?"

Tumingin ako sakanya, nakakagulat naman to. Ano ba talagang nangyayari?

Ni hindi niya nga ko pinapansin since nung lumipat ako dito sabay tatanungin ngayon tatanungin niya kung anong pangalan ko?

"Myka." I swiftly replied, turning my attention to my cellphone again.

"I'm Luke."

"I know."

"Paano mo nalaman-"

Sakto, dumating na yung bus. Nagspeed-walk ako papasok at nakarating na sa usual seat ko sa bus. Nilagay ko ang bag ko sa tabi ng upuan ko para kunyari taken na yung upuan. Kinuha ko ang earphone ko dahil may mga maingay na estudyante malapit sa kinauupuan ko.

Nang biglang tumabi sakin si Luke.

"Paano mo nalaman?" Bigla niyang tanong matapos ipatong ang bag ko sa mga binti niya para makaupo siya.

I looked at him wide-eyed and he looked at me hopefully to answer his question.

"Well, naririnig ko lang pag kasama mo mga kaibigan mo." I answered casually, trying not to sound like a stalker.

"Ah." He nodded and looked at our bags that is on his lap.

I pursed my lip and plugged earphones in my ear. Nagloloko na naman ang mga nilalang sa tyan ko, at nafefeel ko na naman ang electricity na dumadaloy dahil magkadikit ang braso namin.

Luke, ano bang ginagawa mo sakin?

-------

oohh ano bang shipper name nila? myluke? luyka? Lol

Mr. Torpe Meets Ms. Manhid (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon