1.7

114 7 0
                                    

Luke's P.O.V

Hindi ngayon sumakay ng bus si Myka, ihahatid daw siya nina Meg. Ayos naman kami, hindi siya galit sakin, well, akala ko nung una dahil nung pagwalk out niya nung lunch pero hindi daw siya galit. Wala lang daw yun pero sa tingin ko may problema siya.

"Pre, nakausap ko kanina si Myka, ang bait pala niya." Sabi sakin ni Kyle nang sumakay na kami ng bus.

"Mabait naman talaga si Myka." I said, agreeing.

"Maganda pa." Dagdag ni Kyle at napatingin ako sakanya.

"May gusto ka ba kay Myka?" Tanong ko at nakapoker face lang si Kyle. "Kyle, may gusto ka ba kay Myka?" Tanong ko ulit.

"Ganto kasi yon-"

"Meron nga?" Tanong ko ulit, may namumuong ngiti sa mukha ko. Nagkakacrush na naman si Kyle. Minsan lang kasi yan magkagusto sa isang babae, susuportahan ko naman siya kay Myka, dahil boto ako kay Myka.

"Konti lang naman." He mumbled.

"Sabi na e." Sabi ko, natatawa. "Napansin ko sayo kanina e, makatitig kay kay Myka e, kulang na lang matunaw yung tao e."

"Ayos lang ba sayo?"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Akala ko ba gusto mo si Myka?" Tanong niya at napakunot ang noo ko at umiling iling.

"Uy, hindi ah. Bestfriend ko lang siya." Sabi ko sakanya, totoo naman. Wala akong gusto kay Myka.

Wala nga ba? Sabi ng utak ko and I mentally slapped myself.

Wala naman akong gusto kay Myka, ano ba.

"Wow, isang araw lang bestfriend agad?" Gulat na sabi ni Kyle. Ay di ko pa pala nakukwento.

"Bakit, ayaw mo? Diba nirereto mo pa nga sakin?" I laughed, remembering what happened yesterday. He furrowed his eyebrows, I laughed harder.

"Hindi kasi ganto yon, kilala mo si Jules? Yung kinukwento ko sayo?" Tumango naman siya. "Si Jules at Myka ay iisa."

"What? That's so cool!" Kyle exclaimed. "Astig, yung halos 7 months mo nang kausap sa twitter?

"Oo, siya nga." I smiled. Kilalang kilala ko na nga si Myka e, ang dami ko nang alam sakanya.

"Oh siya pre, ilakad mo ko sakanya!" Kyle said happily.

"Bro, seriously? Akala ko ba konti lang?"

"Joke lang yon. Oo gusto ko siya, gustong gusto." He grinned. "E bestfriend mo pala ilakad mo ko sakanya."

I laughed.

"Dali na pre."

"Oo na, oo na."

"So, what's the plan?" Tanong niya, excited na excited. Pero grabe ha, ngayon niya lang nakausap gustong gusto niya na agad?

"Di ko pa alam, iisipin ko pa."

Sakto, nandito na pala kami, bumaba na ako at nagwave goodbye kay Kyle at pumasok na ako ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit pero naeexcite ako na pumunta kina Myk. Siguro dahil magchichikahan na naman kami.

Ay, tututuran ko nga pala siya sa Filipino.

Hmm, paano ko kaya magagawang maging sila?

Wait, bakit napi-feel ko na parang hindi tama tong gagawin ko?

Ugh, anong nangyayari sakin?

-----

guys if you still haven't read my other stories please read it thanks lol

Mr. Torpe Meets Ms. Manhid (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon