CHAPTER 1

117 8 0
                                    

Jema

Hindi nga nagtagal ay pina transfer ako ni mama sa ibang paaralan. Nung time na kukunin na namin ang card sa dati kong eskwelahan, hindi ko maiwasang maging emosyonal lalo na ng magkita ulit kami ni Tresha. Ang bestfriend ko.

"Bakit biglaan naman? Hindi ba pwedeng tapusin mo nalang ang pag-aaral mo dito ng grade 5?" Mangiyak-ngiyak pa siya habang tinatanong ako.

Hindi ko tuloy maiwasang balikan sa isip ko ang dahilan kung bakit ako aalis dito.

Kung sana nirespeto lang nila ako at hindi yun ginawa, hindi naman ako aalis dito.

I'm just a grade 5 student. Kahit naman sinong estudyante ay magagalit sa taong gumawa nung bagay na yun.

I want my family to be proud of me. Kaya kahit patapos na ang semister ay lilipat pa din ako ng school.

Kahit nandito ang bestfriend ko.

"Kailangan ko lang talagang lumipat ng ibang school. Tsaka, magkikita pa naman tayo. Wag ka ng umiyak diyan." Pagpapatahan ko sa aking kaibigan na hindi maawat sa pag-iyak.

Ilang minuto din kaming nasa ganuong senaryo hanggang sa mapagdesisyonan kong umalis na.

And when the day that I'm transfer again, the nervousness on my body is eating me.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng magiging classroom ko.

"Class, this is your new classmate."

Nang sabihin yun ni maam ay nagpakilala ako. I suddenly froze in my place when I saw him.

Si John Bongato. My neighbor and my long timed.. crush.

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo bago umupo sa upuan na sinabi sa akin ni maam.

Sa hindi inaasahan, katabi ko sa right side si Raenan. Kasama ko siya sa church. Sa left side ko naman ay si Hanz.

Face to face ang sitting arrangement dito. Kaya hindi ko man gustuhin ay kitang-kita ko si John dahil nasa harapan ko lang siya.

Not really nasa harap pero nakikita ko pa din siya.

Dahil kilala ko na sila, isa ako sa mga batang madaldal. Hindi ko tinatantanan ang mga classmate ko. In short, makulit ako na bata.

Sa sobrang kulit ko, hindi na napigilan ni Hanz na kurutin ako.

"Aray!"

Hindi ko napigilang maiyak dahil kinurot niya ako. Hindi ako naniniwalang parang kagat lang ng langgam ang kurutin. Napakasakit kaya!

To the rescue naman si Raenan sa akin. Habang umiiyak ako ay pinapanood ko lang siyang bungangaan si Hanz dahil sa ginawa niya sa akin.

Wala sa sariling napatingin ako sa harapan ko. Saktong nagtama ang mga mata namin ni John at bakas dito ang pagkagulat.

"A-Anong tinitingin-tingin mo?" Sumisinghot-singhot na tanong ko habang nakahawak sa parte na kinurot ni Hanz.

"First time ko kasing makita na umiyak ka."

Tila umatras ang mga luha kong may balak sanang lumandas sa aking pisngi. Napayuko nalang ako at mas piniling manahimik.

It was the last sem of grade 5 that time. That because of the kiss, I met him again.





RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

08-11-20

Because of the kiss, I met him again [ Based on a true story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon