Jema
It was a wonderful time when I was a grade 5. Nag-aaral ako sa Pulanglupa elementary school and so far, marami akong naging kaibigan. Kabilang na duon si Tresha Caceres.
We're like siblings. Palaging kaming magkasama kaya palagi din kaming masaya.
But oh well, sa isang elementary days, hindi talaga mawawala ang bully times.
Minsan nanggigigil na ako pero wala naman akong lakas ng loob para labanan sila pabalik.
I'm a good girl. Yes I am. Isa akong mabuting anak at gusto kong maging halimbawa ako sa mga kapatid ko.
I'm just a simple girl. I have a very curly hair that everyone adores. Pero siyempre dahil minsan lang akong manuklay at palaging sabog ang mukha, dinaig ko pa ang sinabunutan.
Kampante na ako sa mukha ko. Kampante na akong walang magkakagusto sa akin dahil sa mukha ko.
Nakakatwang pakinggan na dinodown ko ang aking sarili which is hindi naman talaga.
Nagsasabi lang ako ng totoo at wala namang masamang umasa. Diba?
Magkasama kami ni Tresha nang bumili kami ng pagkain sa canteen. Pabalik kami sa classroom nang maisipan niyang magtanong.
"May crush kaba sa classroom?"
Muntik na akong mabilaukan sa kanyang sinabi. Well, hindi naman talaga mawawala ang paghanga kapag nasa elementarya ka.
Minsan nga umaabot pa ng sampu ang crush mo.
"Crush? Wala pa sa isip ko yan."
Iyon lang ang nasabi ko sa kanya nang maalala ko na naman ang kapit bahay namin sa Pulanglupa.
Si John Bongato.
Aaminin ko, may crush ako sa kanya. Matalino kasi siya pero minsan maloko din.
Pero ngayon, hindi ko na siya nakita dahil lumipat na sila ng bahay.
"Sus, hindi mo lang kasi inaamin dahil mabait kang bata."
Nginitian ko nalang si Tresha nang makapasok kami sa room. Umupo ako sa aking upuan na pinapagitnaan ng dalawang lalaki.
Tahimik lang silang dalawa kaya hinayaan ko nalang. Nagkibit balikat ako at pinagpatuloy nalang ang ginagawa nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko.
Ang lalaking nakaupo sa right side ko. Masama ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Napatingin din ako sa left side ko kung saan gusto ding humalik ng katabi ko.
Puno ng galit na binalingan ko ang katabi ko na siyang humalik sa akin. How dare him!
"Ano bang problema mo? Bakit mo yun ginawa?!"
Imbes na siya ang sumagot sa akin ay iba ang narinig kong boses. Ang classmate kong palaging bumubully sa akin.
"Yuck! Si Jema lumalandi na! Isusumbong kita sa nanay mo!"
Nahihitakutan na yumuko nalang ako at tahimik na umiyak. Nandito yung takot sa puso ko na baka sabihin nga niya iyon kay nanay.
Ayokong ma disappoint ang mga magulang ko. That's the last thing I could wish for. Kaya bago pa niya totohanin ang kanyang sinabi, inunahan ko na siyang sabihin kay nanay ang totoo.
"Ma! Hindi ko talaga yun magagawa! Kilala mo ako. Isa akong mabuting anak at kahit kailan hindi ko yun gagawin. Please, ma, maniwala ka naman sa akin." Mangiyak-ngiyak kong pahayag nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari.
Hinaplos niya ang aking pisngi. "Naniniwala ako sayo anak. Ngayon, anong gusto mong gawin?"
Suminghot-singhot ako at pinunasan ang luha sa aking mga mata.
"Gusto kong lumipat ng ibang school."
Hindi nagdalawang isip si nanay. Pinayagan niya akong lumipat sa ibang eskwelahan na ipinagpapasalamat ko.
I was grade 5 that time. When my first kiss on the cheek stolen from me.
RHNA24 | rhiena manunulat
Vote for more updates❤️
08-10-20
BINABASA MO ANG
Because of the kiss, I met him again [ Based on a true story ]
Ficção AdolescenteJema Bonite is a curly cute girl. Mabait na bata at masunurin sa kanyang mga magulang. Lalo na sa kanyang Ina. But unexpected scene happened. Hinalikan siya sa pisngi ng kanyang kaklase na naging dahilan ng pag transfer niya sa ibang school. At sa...