Jema
Quiz time namin sa Math at para sa akin parang mabibiyak na ang ulo ko sa dami ng numbers at solution. Naka stock sa utak ko pero wala akong maintindihan kahit isa.
Napaangat ako ng tingin nang makita ko si John na mukhang natatawa. I look at him flatly.
"Hindi kapa ba tapos?"
"Tsk. Por que matalino ka gaganyanin mo na ako?" Asik ko sa kanya.
"Hindi kaya ako matalino. Nasa pagtyatyaga lang talaga yan na mag study at intindihin ang bawat lesson.
"Edi ikaw na!"
Sa bagay, may point naman siya. Pero basta! Palagi nga akong nag stu-study pero bakit konti lang ang naiintindihan ko?
Matalino talaga si John. Walang halong biro.
"Anong question ba ang hindi mo pa nasagot?"
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Mukhang alam ko na kung saan ito patungo.
"Bakit? Tutulungan mo ba ako?"
"Hayyss. Wag kana ngang magtanong. Basta question number five lang ang ibibigay ko sayo ah?"
Napasinghap ako at mabilis na tumango. "Sige! Salamat John!"
Tinawanan lang niya ako pero kalaunan ay tinulungan din akong sagutin ang question number five.
_
Nakangising pinagmasdan ko lang si John habang may iniisip ako. Sa totoo lang, unang beses ko itong gagawin at hindi ko alam kung maging successful ba ito.
Pero hindi ako sigurado kung kaya ko ba ito. May gusto pa din naman ako kay John eh.
Si John na may crush kay Gemma, naisipan kung tuksuhin.
Hehehe. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?
"Uyy Gemma." Tukso ko kay John na sinamaan lang ako ng tingin.
"Timahimik ka nga!"
"Ui kinilig siya."
Kahit nakakaramdam na ako ng sakit, itinuloy ko padin.
Nakakatawang pakinggan noh? Ako mismo ang nanunukso sa kanya kahit nasasaktan na ako.
"Tumigil kana nga! Wala namang kami. Tsaka, hindi ko naman siya crush."
Natigilan ako ng ilang segundo sa kanyang sinabi. Pero siyempre hindi ko ipinakita sa kanya na nagulat ako.
"Luh? Bakit naman?"
"Tsk. Tumahimik kana lang kaya?"
Napangisi ako. "Ayiiee wag mo akong lokohin."
"Hayss totoo nga. Wala akong crush at mas lalong wala na akong gusto sa kanya." Parang naiinis na wika niya na lihim kong ikinatawa.
"Kung ganun, sino naman pala ang gusto mo?"
Huli na para bawiin ko ang aking tinanong. Nakagat ko nalang ang aking labi.
"Tsk. Tumigil kana."
"Sige na please? Sabihin mo nalang sa akin."
Parang sumusuko na ang kanyang mukha nang tumingin siya sa akin.
"Sa graduation ko na sasabihin sayo kaya tumahimik kana dahil may ginagawa pa tayo."
"Yehey! Sure ka?!"
"Oo nga."
Lihim akong nagdiwang sa kanyang sinabi. Aasahan ko yun at hindi ko siya titigilang kulitin hangga't hindi niya sinasabi sa akin kung sino ang gusto niya.
One timed naiwan kaming dalawa ni John sa eating shed. Kung bakit kaming dalawa lang? Nasa loob ng campus ang lahat ng estudyante para maglinis.
Nagtataka lang ako kung bakit ang tahimik niya ngayon kaya naisipan kong magtanong.
"Anong nangyari sayo?" Paunang tanong ko.
Sumulyap siya sa akin at tipid akong nginitian. "Wala naman."
"Bakit bigla-bigla kana lang tumatahimik diyan? Ano ba kasing nangyari sayo?"
"Wala." Binuntunan pa niya iyon ng tawa pero hindi ako nahawa.
May kakaiba sa kanyang tawa na parang naiilang. Kaya para hindi niya mahalata, sinabayan ko nalang siya sa peke niyang tawa. Halatang-halata.
Natigilan nalang ako sa pagtawa nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko.
Napasinghap at marahas na napalingon sa taong gumawa nun. At ang mas ikinagulat ko pa ay ang taong gumawa nun ay walang iba kundi si Ron.
Bigla ay narinig ko nalang ang sigawan ng ibang mga estudyante na hindi ko napansing napanood ang paghalik sa akin ni Ron.
A lone tear escape in my eyes as I look John directly in the eyes.
Bakit ganito?
Bakit ako nasasaktan at the same time kinakabahan?
Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na nasa likod ko si Ron? Bakit hindi man lang niya ako winarningan na nasa likod ko ang taong gusto ko ng kalimutan?
Napailing iling nalang ako at napahagulhol. Natatakot ako. Sobrang natatakot.
Nasa grade four na ang kapatid kong kambal at natatakot akong malaman nila ito at isumbong ako kay nanay.
Nung time na yun humingi ng tawad sa akin si Ron. Dahil isa akong mabait na bata, pinatawad ko si Ron.
Ngunit ang kaba na nasa puso ko nung araw na yun, ay hindi mawala wala kahit anong gawin ko.
I was grade six that time. When I can't control the pain I was feeling as I stared on his eyes.
RHNA24 | rhiena manunulat
Vote for more updates❤️
08-15-20
BINABASA MO ANG
Because of the kiss, I met him again [ Based on a true story ]
Fiksi RemajaJema Bonite is a curly cute girl. Mabait na bata at masunurin sa kanyang mga magulang. Lalo na sa kanyang Ina. But unexpected scene happened. Hinalikan siya sa pisngi ng kanyang kaklase na naging dahilan ng pag transfer niya sa ibang school. At sa...