CHAPTER 6

53 5 0
                                    

Jema

Para sa akin. Sobrang bilis ng panahon. Graduation day na namin at  alam kong lahat kami ay ito na ang pinakahihintay.

Tahimik lang kaming nakaupo habang inaa-announce kung sino ang may pinakamataas na grado.

Hindi na ako nagulat nang tawagin si John sa with high honor.

"Woooo! Congrats John!" Cheer ko sa kanya na tinawanan lang niya.

Hindi na ako nag e-expect na magiging honor ako sa taong ito dahil nag transfer ako dito ay halos last semester na ng klase.

Panay ang pisil ko sa aking kamay nang tatawagin na ni maam kung sino ang mga estudyanteng nakakuha ng pinakamababang score pataas.

"Lagot ka Jema. Ikaw ang unang tatawagin ni maam sa pinakamababang score."

Hindi ko nalang pinakinggan ang kaklase ko. Pero aaminin ko, dumagdag iyon sa kaba ko at pagkapahiya.

Katabi ko pa naman si John at kahit papaano, gusto kong maging proud siya sa akin.

Gayun nalang ang paghinga ko ng maluwag nang marinig ko ang aking pangalan sa ika-30.

Ang mas ikinagulat ko lang ay ang ginawa ni John.

"Ui, congrats kulot!" Binuntunan pa niya iyon ng masayang tawa at palakpak.

Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya sa kawalan ng magawa.

I mean, hindi ko naman ini-expect yun kay John. As I know him, he's a bully. Pero hindi ko maitatanggi na napangiti ako lalo na nang makita kong masaya talaga siya. Walang halong biro.

"Hehehe. Babawi ako sa susunod para mas maging proud ka pa sa akin—Err.. hindi na pala. Nakalimutan kong graduation na pala natin ngayon."

Napabungisngis ako sa aking naisip.

Natapos na ang graduation at lahat' lahat. Sa dinami-dami ba naman kasi ng nasa isip ko, bakit pa ang tanungin si John tungkol sa kanyang crush ang nakalimutan ko?

Hayy. May grade seven pa naman.

_

Time went fast kesa sa inaakala ko. Siguro ganun nga ang panahon kapag hindi mo namamalayan noh?

First day of school at ang napili ko ay SPJ. Which means Special Program in Journalism. Classmate ko duon si Ron habang si John naman ay nasa ESEP.

Halos lahat ng nanduon ay mga matatalino. Mukhang nanduon nga ang mga kaklase ko nuong grade six ako. Kami lang ni Ron ang magkasama sa iisang section.

"Kulot!"

Napatigil ako sa paglalakad patungo sa classroom nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Napalingon ako sa aking likuran at habang palapit sila ng palapit sa gawi ko, mas lalo kong naaninag ang kanilang mga mukha.

Si John at Rhenzel! Ang dalawang bully na nakasalamuha ko.

"Hoy kulot, anong masasabi mo?" Tanong ni John.

Napanganga ako nang tuluyan na silang nakalapit sa akin. "Grabe! Ang taas niyo na ah!"

Tinawanan lang nila akong dalawa bago nagsalita si Rhenzel.

"Mas mataas pa kami ngayon sayo! Kulot ka parin ang pandak!"

Tinawanan ko lang sila sa kanilang sinabi. Ngayon ko lang ito sasabihin, na mi-miss ko ang kanilang panunukso sa akin.

"Ang daya naman eh! Nakasuot naman kayo ng sapatos na mataas!"

"Kahit na! Mas mataas pa din kami sayo kahit hubarin pa namin ito!" Tugon ni Rhenzel na sinang-ayunan naman ni John.

"Edi kayo na!"

Sabay pa kaming natawang tatlo dahil sa sinabi ko. Balak ko sanang tanungin si John nung time na yun kung sino ang crush niya pero hindi ko nalang itinuloy dahil nanduon si Rhenzel.

I was grade seven that time. When finally, I met him once again.





RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

08-16-20

Because of the kiss, I met him again [ Based on a true story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon