A/N: I just want to dedicate this story to CurlyCute143 thank you for this opportunity ate😊❤️
🍒
Jema
Nakatanaw lang ako sa pilahan ng horror maze nang mapatingin ako sa may bintana ng classroom nila John. Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko si Gemma na dinadakip ng mga SSG officer para sa love knot nang bigla nalang may tumabi sa akin.
Si Rendel. Kaklase din ni John na naging ka close ko din.
"Hi del." Bati ko sa kanya nang tumabi siya sa akin.
"Hello din Jem."
"Tingnan mo si Gemma oh. May ka love knot."
"Oo nga noh?"
Pareho kaming nakatingin ni Rendel kay Gemma na nagpupumiglas sa hawak ng mga SSG officer.
Dahil malapit lang kami sa kanilang classroom ay naririnig namin ang kanilang pinag-uusapan.
"Hindi nga ako yan! Iba yan! Ibang Jema yan!" Sigaw pa ni Gemma bago tumingin sa bintana. Kung saan ako ang kanyang nakikita saka ako itinuro. "Siya! Siya ang Jema na tinutukoy niyo!"
Napakurap-kurap ako sa kanyang sinabi. Naiwang nakatanga ang aking mukha habang nakatingin sa kanya.
"Rendel hawakan mo si Jema!"
Sabay kaming napatingin sa isa't isa ni Rendel. Parehong pinoproseso ang mga sinabi ni Gemma.
"Sige na please! Hawakan mo na siya!"
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang ma process na ng aking utak ang ibig sabihin ni Gemma.
Akmang tatakbo ako upang tatakas ngunit huli na ang lahat. Nahawakan na ako ni Rendel.
"Bitawan mo ako del! Sige na please!" Pagmamakaawa ko sa kanya ngunit nginitian lang niya ako at mas hinigpitan ang paghawak sa akin hanggang sa maabutan na ako ng mga SSG.
"Sino ba kasi ang partner ko?" Naghihisterikal na tanong ko habang nagpupumiglas pero wala namang epek.
"Si John Bongato."
"Huh?!"
"Ah, siya yung classmate ko na nakapila sa horror maze." Singit ni Rendel na binigyan ko ng masamang tingin.
"Wag ka ngang maingay."
Pero kagaya kanina. Huli na ang lahat dahil nakalapit na kami kay John na mukhang nagulat dahil may biglang dumakip sa kanya.
"Ano toh?" Reklamo niya bago siya mapatingin sa akin. "Jema?!"
"Sorry John. Pero promise, hindi ako ang nagpa love knot nito." Iling iling na ani ko sa kanya.
Marami ng estudyante ang napapapatingin sa amin. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kung ang isang John Bongato na isang SSG officer, gwapo, matangkad at matalino na lalaki ay may ka love knot?
"Tsk. Sayang naman. Makakapasok na sana ako sa horror maze. Pwede bang pumasok muna ako bago itong love knot?" Pakiusap niya sa isang SSG pero hindi ito sumang-ayon.
"Hindi pwede. Mas tatagal lang tayo."
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanila na tinatalian si John.
Nang mapatingin siya sa akin ay bigla na lamang itong nagtanong.
"Jusko kulot! Sino ba talaga ang nagpa love knot sa atin? Ikaw siguro noh?"
BINABASA MO ANG
Because of the kiss, I met him again [ Based on a true story ]
Fiksi RemajaJema Bonite is a curly cute girl. Mabait na bata at masunurin sa kanyang mga magulang. Lalo na sa kanyang Ina. But unexpected scene happened. Hinalikan siya sa pisngi ng kanyang kaklase na naging dahilan ng pag transfer niya sa ibang school. At sa...