CHAPTER 3

66 6 0
                                    

Jema

Days and weeks have passed. Naging maganda naman ang araw ko. Unless na palagi kong nakikita si John na wala yatang ibang ginawa kundi asarin at awayin ako.

Sa hindi inaasahan, may dumating na dalawang babae sa classroom namin. May gusto lang daw silang malaman pero hindi ko alam kung ano yun.

Until I knew something. Si Jerushia, ang isa sa babaeng dumating dito ay ka MU si Ron. Habang ang isa naman niyang kasama na babae na si Gemma ay may something sa kanila ni John.

I don't know what it is, pero mas pinili ko nalang na dimistansya sa kanila.

Hanggang sa nalaman ko nalang na pinaglaruan lang pala ako ni Ron.

Funny right?

Ang isang grade six na katulad ko, marunong masaktan ng ganuon.

Kaya ang nangyari, pinili ko nalang na mag move on sa kanilang dalawa.

Bata pa naman ako. Hindi ko dapat yan inaatupag.

May activity kami sa science. Isang chart. Kasama ko sa iisang grupo si John at Merry.

Kung kailan gusto ko ng layuan si John, saka naman kami pinaglapit ulit. Pero ano nga ba ang aasahan ko? Classmate kami.

"Yan na yung sayo? Ang pangit."

Napatigil ako sa paglalakad nang akmang ipapasa ko na ang ginawa kong chart.

Lumingon ako sa kanya na nakakunot ng noo.

"Okay lang naman ito ah."

Umiling siya. "Para sa akin ang pangit talaga."

Nagkibit balikat nalang ako dahil baka isa iyon sa pang-aasar niya sa akin.

Nagsimula na akong maglakad papunta kay teacher nang marinig ko na naman ang kanyang boses.

"Sure ka ng ipapasa mo yan? Para sa akin ang pangit talaga eh."

Parang biglang umusok ang ilong at tainga ko sa narinig. Humarap ako sa kanya at hindi nalang itinuloy ang akmang pagpasa ko sa chart.

Hindi ko alam kung bakit nagkagusto ako sa kumag na ito na walang namang ibang ginawa kundi asarin at awayin ako.

Napansin yata ni Merry na may problema kami ni John kaya sumingit siya.

"Jem? Okay ka lang?"

Hindi ko pinakinggan si Merry. Pinigilan ko ang aking luha na tumulo at tumitig kay John. Ngumiti ako sa kanya at sa mismong harapan niya, pinunit ko ang chart na ginawa ko. Pero mas lalo yata siyang nagulat sa sinabi ko.

"Oh ayan, pinunit ko na. Wag niyo na akong isali sa grupo."

Mukhang nagulat si Merry sa sinabi ko kaya siya sumingit.

"Ano ba kasing ginawa mo sa kanya John? Bakit naging ganito siya?"

"Sinabi ko lang naman na pangit ang ginawa niyang chart."

Sumingit ako sa kanilang usapan.

"Oo nga eh. Pangit ang gawa kong chart kaya wag niyo na akong isali. Ako lang naman ang balakid sa points na gusto mong makuha."

"John hindi mo ba nakikita ang effort niya? Gumawa na nga siya ng chart para sa points niya tapos iinsultuhin mo lang?"

Hindi nakinig si John sa sinabi ni Merry. Sa halip ay humarap nalang siya sa akin.

"Gumawa kana lang ulit Jema."

Umiling ako. "Wag na. Kayong dalawa nalang ang mag pasa."

"Sige na please?"

Napabuntong hininga ako sa kakulitan ni Merry. Pinili ko nalang na gumawa ng ibang chart sa tulong na din niya.

"Ikaw nalang kaya ang mag color?" Suhestiyon ko na tinawanan lang niya.

"Hindi pwede. Busy ako. Tsaka kung magkukulay ka, dapat iisa lang ang kanilang patutunguhan. Kung pataas, pataas lang siya."

Napa 'ah' nalang ako sa kanyang sinabi.

Pinagpatuloy na namin ang ginawa naming chart at ipinasa ito sa aming teacher.

I was grade six when for the first time, someone used and insulted me.





RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

08-13-20

Because of the kiss, I met him again [ Based on a true story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon