CHAPTER 4

61 5 0
                                    

Jema

Another day. Another activity. May assignment kami sa science at isa itong activity.

Sa kasamaang palad—kung matatawag ko nga ba iyong ganun—kasama ko sa iisang grupo si John.

Wala namang nagbago. Kasama ko pa din si Merry at John sa iisang activity na kailangan naming gawin sa bahay nila John.

Napag-usapan nila na Saturday, pero dahil bawal akong lumabas kapag sabado, naging linggo ang usapan namin.

Nakarating ako ala una sa bahay nila John. Hindi ko naman inaasahang ang mama niya ang makakasalubong ko.

"Oh, Jem? Bakit ka nandito?" Salubong na tanong ng mama ni John.

"May gagawin po kasi kaming activity sa science. Dito po namin napag-usapan na gawin yun." Sagot ko.

"Ganun ba? Sige pumasok ka muna sa loob."

Nag pasalamat ako sa mama ni John bago pumasok sa kanilang bahay. Napa 'woah' nalang ako sa ganda ng loob ng kanilang bahay. May flat screen tv din sila na kay laki.

"Hi ate."

Napatingin ako sa kung saan narinig ko ang boses na yun. Agad akong napangiti nang makitang si Klarisse yun. Ang nakababatang kapatid ni John.

"Hello." Kiming pagbati ko.

"Hintayin mo nalang si John, hija. Naliligo pa kasi yun."

Napabungisngis ako sa sinabi ng mama ni John. Bigla ay lumabas si John na nakasando lang at shorts.

"Sana hindi kana lang pumunta."

Muntik na akong mapairap sa kanyang sinabi. Kalaunan ay sinimulan na din naming gumawa ng activity pero wala parin akong naiisip na pamagat sa aming gagawin.

"Tapos kana ba?" Biglang tanong ni John habang nagsusulat ako.

"Hindi pa. Wala pa kasi akong maisip na pamagat sa activity natin." Nakangusong sagot ko habang tinatap ang ballpen sa aking noo.

"Pero may nasulat kana?"

"Oo."

Napaigtad ako sa gulat nang bigla nalang niyang hablutin sa akin ang activity na ginagawa ko.

Kahit kailan talaga. Tsk. Tsk.

"Ako nalang ang gagawa."

Hinayaan ko nalang siya kaysa mag-away pa kami. Kung bakit kaming dalawa lang ang nandito ngayon at gumagawa ng activity, hindi kasi nakapunta si Merry.

Tahimik lang kami habang siya ay gumagawa ng activity. Bored na bored na ako at iniisip ko nang basagin ang katahimikan nang bigla siyang magsalita.

"Alam mo ba yung Maze Runner na movie?"

Napabaling ako sa kanya. "Hindi eh."

"Gusto mong manood?"

"Talaga?"

"Oo naman."

Umayos ako ng upo sa kanilang upuan habang sinasalang niya ang DVD ng Maze Runner na movie.

At last!

Hindi na din ako mabo-bored dahil may mag mo-movie marathon kami.

The Maze Runner movie is awesome. Minsan napapapikit ako everytime na may lumabas sa tv na nakakatakot.

Habang ang katabi ko naman ay panay ang tawa na ipinagtaka ko. Wala naman kasing nakakatawa sa pinapanood namin.

Kaya naman pala siya tumatawa ay dahil sa akin. Natutuwa kasi siya sa nagiging reaksyon ko.

*Beep! Beep!*

"Ui, nandito na yun sundo mo."

Bigla akong nanlumo sa sinabi ni John. Narinig ko nga eh. Nandito na ang sundo ko and that means hindi ko matatapos ang movie.

"Tsk. Sayang naman." Bulong ko.

"Mas mainam pa nga iyon eh. Matatapos ko na itong activity natin."

"Tsk. Sayang pa din eh."

"Wag kang mag-alala. Kapag bumalik ka dito, tatapusin natin yang movie."

"Ehhh? Talaga ba? Ui salamat John!"

"Tsk! Tumahimik kana lang kulot!"

_

Days have passed, may activity na naman kami sa science. Pansin ko lang, bakit ba palaging may activity sa science?

Tatlong row lang kami. And each row ay ka grupo namin. Kaya I'm short, ka grupo ko pa din si John. Isang acting ang activity namin na kailangan naming gawin.

Kaya nag suggest ako na gayahin namin ang napanood ko sa MMK. Si Mitch at si Hiro.

"Sino naman bida?" Tanong ng isa kong ka grupo.

"Si Antoinette nalang." Suhestiyon ko na hindi naman sinag-ayunan ni Antoinette.

"Eh?! Hindi bagay! Mataas ako tapos si John maliit."

Sa bagay, may punto naman siya. Maliit naman talaga si John. Bale pareho lang naman kami ng height.

"Ayoko nga! Si Raenan nalang." Suhestiyon ni John na hindi din sinag-ayunan ni Raenan.

"Ayoko nga! Hindi din ako papayag noh!"

"Si John nalang at si Jema. Mas bagay sila." Suhestiyon ng isa naming ka grupo.

Sabay pa kaming napa, "Huh?!" ni John.

"Tapos si Merry ang kontrabida." Ani ng isa naming ka grupo na sinang-ayunan ni Merry.

"Hindi ako makikipag partner sa kanya noh." Ani ko habang umiling-iling.

"Mas lalo na ako. Hindi ako makikipag partner sa kulot na katulad mo."

"Ah basta! Kayong dalawa ang bida. Wala ng pero pero!"

Napanguso nalang ako at sinamaan ng tingin si John. Wala naman akong magagawa at kahit ayaw ko, gagawin ko nalang para sa grades ko.

"Will you be my girlfriend?" Tanong ni John nang kami na ang nasa harapan.

Nagsigawan ang mga kaklase ko. Hindi ko naman maiwasang matawa sa reaksyon ni John na umaarte pang parang nasusuka.

The activity went well. At aaminin ko. Sa edad kong ito, naramdaman ko ang kanilang tinatawag na kilig.

I was grade six that time when I felt that mysterious feeling as he asked me to be his girlfriend as our role.





RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

08-14-20

Because of the kiss, I met him again [ Based on a true story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon