"Happy Anniversary,Baby!" Bati ni Halex sa akin pagkarating na pagkarating ko sa park ng subdivision namin.
Anniversary namin ni Halex ngayon. Kasama nito ang mga kaibigan ko.
Napangiti na lang ako.
Mapait na ngiti.
Halex and I were together for two years already. Naging mag-on kami noong Grade 10 kami. Nagsimula sa magtropa, hanggang sa naging magjowa. Ewan ko ba. Ang daming nagtatanong sa akin, bakit daw hindi ko maiwan-iwan si Halex, e sobra sobra na ang panlolokong ginagawa niya. At ang tanging sagot ko lang ay, "Mahal ko kasi siya at nangako ako."
Noong una masaya kami. Hanggang sa lumandi siya, nakikipaghalikan sa ibang babae, nanliligaw ng ibang babae. Hays.
Pero heto ako ngayon, nagi-stay. Nagbabakasakaling magbago siya.Lumapit ako sa kanila at binati rin pabalik si Halex.
"Happy Anniversary. Sorry late ako."
Nagabot siya sa akin ng bulaklak.
Napangiti ulit ako.
Hindi ako mahilig sa bulaklak. At alam iyon ni Halex.
Dahil ayokong pag-awayan namin ito, ngumiti nalang ako at tsaka siya hinalikan sa pisngi.
"Kain na tayo? Gutom na ako hoy!" Maktol ng kaibigan kong si Ivy.
Kaloka talaga ito kahit kailan. Lagi nalang gutom hay nako.
"Tara na nga. Gutom nanaman ang mayora" aya ni Joshua kaya naman nagtungo na kami sa pinakamalapit na Cafe dito sa labas nh subdivision.
Nagkwentuhan lamang kaming apat doon sa loob.
Naramdaman ko ang kamay ni Halex na pumatong sa kamay ko kaya't napatingin ako sa kanya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Marahil hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin noong nakaraan.
Nakipag-inuman ito sa isang haliparot na babae at nag-story sa Instagram na magkayakap sila. Putangina.
That situation isn't new to me anymore. But the pain, damn. Still, I stayed calm. I didn't let my anger consume me kasi alam kong walang magandang kahihinatnan ito. Nagexplain siya na kesyo lasing lang sila.
Fuck you.
You know why I still love this man beside me? Kasi masyado na akong committed sa kanya. Na kahit anong kasalanan ang gawin niya, mapapatawad at mapapatawad ko pa rin siya. At isa akong marupok na nilalang. Isang tanga.
Hindi ko namalayang tapos na pala silang kumain.
Hindi ko pa nakakalahati ang pasta kaya naman nagtaka si Halex.
"Love, are you okay?"
"Yeah, I'm sorry. Wala lang akong appetite kasi marami rin akong kinain kanina"
Sabi ko nalang sa mga ito.
Kita ko na pinanlakihan ako ng mata ni Ivy.
Yes, Ivy, my bestfriend, knows everything. Sa kanya ako umiiyak. Alam niya lahat ng struggles ko. She kept on telling me that I should break Halex na, pero dahil tanga ang gaga, hindi ako nakikinig.
"Girl, hindi ba may requirements pang pinapagawa si Ma'am Joan? Halika na." Tumayo si Ivy at hinila ako patayo. "Halex, hiramin ko lang itong kaibigan ko ha? Anjan naman si Joshua hihi"
Nagpahila lang ako kay Ivy at dinala niya ako sa isang fastfood.
Tangina. Hindi na 'to nabusog.
Umorder siya at ako naman ay naghintay na lamang sa taas.
Maya-maya pa'y dumating na ito na may dalang burger,fries at float.
"O ano nanamang katangahan ito Aleya?"
Tanong nito na parang hindi na nasanay sa akin."Hays, Ivy. Mahal na mahal ko siya." Sabi ko rito at sumubo ng fries. Bigla kasi akong ginutom.
"Girl alam mo, hindi na pagmamahal iyan. Pagiging tanga na iyan girl. Paano magbabago iyan e pinapakita mong hindi mo siya kayang iwan?"
At doon ako napaisip.
Tanga ako. Kasi mahal ko.
"Bakla,committed ako, okay? And nag promise ako." Saad ko dito at inirapan lang ako ng gaga.
"Baklita ewan ko sayo! Matalino ka naman. Bakit mo tinotolerate yung ganyan? Bahala ka sa buhay mo. Huwag ka lang iiyak-iyak sa akin ulit at nang makita mo."
Napabuntong hininga na lamang ako at inubos ko lahat ng fries.
----------
Nakarating na ako sa bahay na madilim na. Ito kasing kaibigan ko, pumunta pang Trinoma at kung ano-anong pinagbibili. At dahil mabait akong kaibigan, sinamahan ko nalang din.Tinapos ko na lahat ng requirements ko. Nakakainis! Isang linggo palang ang klase grabe na sila magbigay ng requirements! Nag skincare na rin ako at nahiga na sa kama ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya naman nagscroll muna ako sa social media accounts ko.
Nag-add ako ng story sa IG ko. Boomerang ng mukha ko. Aba yung ganitong mukha fine-flex sa social media. Kaso aanhin nga naman ang ganda kung tanga naman pagdating sa pag-ibig,diba?char.
Ipipikit ko na sana mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko.
From Halex:
Goodnight. IloveyouIto rin ang dahilan bakit hindi ko maiwan-iwan ito. Sa simpleng "Iloveyou" niya lang, umiikot na ulit mundo ko.
Putangina ang rupok.
BINABASA MO ANG
Dilemma
Genç Kurgu"It is difficult to manage the thoughts in your head with the feeling of heart. Because only one of them is right" Dilemma is a real thing. Hindi mo alam kung sino sa kanila ang pipiliin mo. Sino nga ba sa kanila ang pipiliin mo?