"grabeee ang init, start na talaga ng summer', nagmamadali kong binabaybay ang pathway, ,ito ang shortcut papunta sa ComArts building.
Halos madapa na ako sa pagmamadali, past 1 na kasi, e 1 pm start ng first subject ko this summer which is Natsci 2, balita ko terror ang magiging professor dun.
"wheew, lapit na," isang liko na lang classrum ko na.
what the..... ano ba, ....at nalaglag ang cellphone ko. as in para siyang kalansay na nangalas, e paano ba naman, paglikong-pagliko ko, siya ring pagliko ng kumag na to, ayun sapol, nagkabungguan kami,
sa lakas ng impact, nabitiwan ko ang hawak kong celphone.
At ang masaklap, dire-diretso lang si kumag after the bungguan incident, hoy, pssst..... wala man lang sorry,...
The nerve of that guy, he just shrugged his shoulder.
"madapa ka sana", at dali- dali kong pinulot ang nangisay kong cp.
Sa likurang pintuan ako dumaan papasok sa classroom, buti nakatalikod si prof., at buti na lang me bakante pang upuan sa may hulihan.
Kilalang terror ang professor na ito, pero magaling itong magturo, at kahit late, I enjoy the class discussion. And gusto ko talaga ang Science subject .
Di ko na kailangang lumipat ng classroom, kasi the next subject which is Rizal ay dito magkaklase. So, nakaupo lang ako at isa-isa kong ibinalik ang sim card, memory card at battery sa cellphone kong inihulog ng kumag na yun, buti na lang gumana...kung hindi yari sa akin ang mokong na yun, hahuntingin ko siya.
E, paano ko ba naman gagawin yun, kung saka-sakali, e di ko naman naispatan ang fez ng kumag na yun, natatandaan ko lang, he is wearing blue shirt, mga 5'9 ang height, his wearing shades.
Makukutuban ko rin, pag nagkita kami,...
' hi, I'm Ana Soler, pwedeng maki sit beside you, wala kasi akong kakilala sa mga naririto e'.
" but of course " nagdatingan na pala ang mga estudyante, mukhang mix courses kami dito sa Rizal subject a. at ni isa wala akong makitang kakilala.
Nginitian ko ang katabi kong si Ana, Commerce pala siya, ako Liberal Arts, hindi ko pa alam kung ano i major ko,..Dumating na professor namin at iniabot ang classcard.
Upon submitting to her, nagrollcall na siya for attendance. Maxine Sanchez, and I raise my hand.
Nakakaantok, panay ang hikab ko, grabe, naluluha na mata ko, kayo ba naman mag-aral ng biography ng pambansang bayani sa ganitong oras, alas dos ng hapon , tapos boring pang magturo ang professor, matanda na kasi, idagdag pa diyan ang super init na panahon, kaya ang drama ko, paypay dito,.paypay duon.
At nalaglag ang pamaypay ko, shoot sa lap ng lalaki sa may likuran ko. Soooo---r,, aabutin ko ang pamaypay ko,.pero teka teka, namumukhaan ko ito,
Isa pang sipat, siya nga, di ako maaring mag-kamali, ang lalaking kumag, naka blue shirt, what the f.....
'akin na yang pamaypay ko'
Ngumiti lang si kumag at patuloy na ginamit ang pamaypay ko, dinideadma ako, ayaw isoli.
The nerve of this guy...
A/N
Please leave a comment and vote, thanks a lot:-) :-)
BINABASA MO ANG
A summer to remember
RomanceOnce a summer,Maxine meet a guy, isang taong hindi niya akalain magiging malaking part ng puso niya......