The day was just starting when I received a message from Kyle. The guy who is courting me for a month now. He is from HRM department, 2nd year college. We are from the same university and met during acquaintance party held in Hotel Reale.
We met at the party and started to talk to each other. We exchange phone numbers and he eventually court me. He is so nice that's why I gave him a chance.
.
Napangisi ako nang maalala ang sinabi niya sa'kin habang nanonood kami ng game noong UAAP."Would you mind if I court you?" he lean a little for me to hear him.
Ngumiti ako sa kanya at umiling. Ngumiti din siya pabalik 'tsaka namumulang binalik ang mata sa laro.
He is so sweet and nice to me. He is so supportive to whatever contest that I'm joining.
I almost say "yes" to him when he randomly asked me to be his girlfriend, while we are at the coffee shop. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
"It is not the right time to say yes." I mouthed.
He just smile at me. Although, I can see the pain in his eyes, he just brush it off.
He stays. But I can also sense that he's slowly drifting away.
Naglakad ako patungo sa puno na nasa likod ng Engineering Building. Mayroon na itong malalaki at matatabang sanga, nagpapatunay ng katandaan ng puno. Sa gilid nito ang maliit na upuan na gawa sa semento na kasya ang apat na tao.
Umupo ako doon. Malilim ang parteng ito sa dami ng puno. Kaya puno rin ng dahon ang lupa dito. Puro tuyong dahon. Isang senyales ng pagbabago ng panahon.
Hinintay ko si Kyle kahit na malapit na ang second class ko. Ayoko rin na mahuli lalo na't unang klase ngayong sem. Sana lang at walang professor ang pumasok.
Umabot na ako roon ng alas otso pero walang Kyle na dumating. Kinuha ko ang gamit ko at umakyat sa building namin. Inis ako kay Kyle. Ilang beses ko siya na tinawagan pero hindi niya sinasagot.
"Huli na talaga..." sabi ko bago pinindot ang numero ng phone niya.
Tatlong beses itong nagring bago sinagot.
"Sino ito?" nag-aalangan na boses ng babae, mahinhin ito.
"Gaile, hayaan mo na 'yan." Boses ni Kyle sa kabilang linya bago namatay ang tawag.
Nakatulala ako habang prinoproseso ang nangyari. Tuluyan kong inakyat ang hagdan papuntang classroom. Wala sa sarili.
Anong nangyari?
Tanong ko sa sarili, kahit na hindi ko naman masasagot.
Tumulo ang luha ko, hindi alam kung para saan. Sa pagkapahiya o pag-asa sa wala.
Hindi pa kami nagkausap ni Kyle pero alam ko na ang patutunguhan nito. Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Naramdaman ko ang presensya sa likod ko pero hindi ko ito binalingan.
"Lerin, hindi ka pa ba papasok?" tanong niya. Kaya madali kong pinihit ang pinto bago pumasok sa klase.
Mabilis akong umupo sa tabi ni Francine at Anne. Sa gilid ni Anne nakaupo si Carol tapos sa tabi nito si Jake. Engineering student kami. Civil.
Buti na lang at wala pa ang Professor namin kaya naglalaro pa sila Carol at Jake ng Mobile Legends.
"Magskill ka naman kasi Carol." inis na sabi ni Jake ng mamatay na naman siya sa clash.
"Oh, kumusta pag-uusap niyo ni Kyle?" tanong ni Anne habang nagbabasa ng notes.
Bumaling naman kaagad sakin si Rebecca na naglalaro kanina ng Obey Me.
"Ah, hindi sumipot eh." malungkot na sabi ko habang pinipilit ngumiti sa kanila.
"Huwag mo na lang isipin muna, Erika." sabi ni Rebecca bago bumalik sa nilalaro ang atensyon.
Tumahimik lang ako habang nakatingin pa din si Anne. Nakasuksok sa tenga niya ang headphones. Tiniklop na niya ang binabasa.
"Nakita ko siyang kasama 'yung kaklase niyang babae kanina." bumaling ako kay Anne habang nakapoker face siya.
"Hoy, Anne. Alam kong ayaw natin kay Kyle pero paninira 'yang sinasabi mo." pakikisawsaw ni Jake, tapos na silang maglaro. Vocal sila sa akin kapag ayaw nila sa manliligaw ko.
Ngumisi lang ako kahit malungkot. Habang nag-aalala namang nakatingin sa akin ang apat. Tinago na din ni Rebecca ang phone niya dahil sa narinig.
"Ah, baka napagod na sa akin maghintay." kunwari walang pakialam ko na sabi.
Kinuha ko din ang notebook ko para sa Surveying. Aalma na sana si Carol ng pumasok ang Professor namin.
"Good morning." striktong pumasok ang Professor namin.
Mabilis lumipas ang klase namin. Dahil unang araw pa lang, may ilan kaming professor na hindi nagpakita.
"Uuwi ba kayo agad?" tanong ng nag-iisang lalaki sa amin.
Naglalakad kami ngayon sa hagdan na nakakonekta sa daan ng school. Ngumisi ako sa kakilala bago bumaling sa mga kaibigan.
"Tara, kanta tayo sa sentro." sabi ni Anne.
Mahaba ang buhok nito at maliit ang mukha. Maputi din ito at hindi gaanong katangkaran.
Agad namang tumawa si Carol. Matangkad ito sa aming tatlong babae. Mapisngi ito at hanggang balikat ang buhok. Matangos din ang ilong nito.
"Sama ka ba, Rebecca?" tanong nito.
Tumigil naman sa paglalakad si Rebecca. May bangs ito at hanggang balikat at buhok. Matangos din ang ilong nito at mapula ang labi.
"Dapat si Erika ang tinatanong niyo. Baka may lakad sila ni Kyle." napawi ang ngiti ko ng marinig ang pangalan nito.
"Speaking of the devil." bulong nito at umirap ng mamataan si Kyle sa may lamesa na nakasilong sa malaking puno ng mangga. Malapit ito sa canteen.
"Siraulo ka talaga. Bakit mo sinabi ang pangalan." sabi ni Jake bago bumaling sa tinitigan ni Rebecca.
Agad nila akong hinatak palayo ng mapansin ang babaeng nakakapit sa braso nito.
"Tangina naman ng manliligaw mo." sabi ni Jake.
Siya ang pinakaoverprotective sa amin. Medyo may kahabaan na ang buhok niya ngayon, pero mukha pa din na malinis. Mapanga ito at matangos ang ilong. Laging nakangiti ang mga mata. Maliban lang ngayon.
"Ayos lang. Tara, punta na lang tayong sentro." sabi ko at naunang sumakay sa tricycle na nakapila sa gilid ng waiting shed.
Dalawa kami ni Carol na umupo sa likod ng driver habang sa maliit na upuan naman si Jake kasama sila Rebecca at Anne. Umandar na ang tricycle habang tanaw ko ang paglabas nilang dalawa, nagtatawanan.
Nagtama ang mata namin ni Kyle. Ngumiti ako at agad siyang umiwas ng tingin. Tapos na talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/237925659-288-k86210.jpg)