Everything seems right after waking up from a long sleep. Even my sister didn't bother to wake me up. Wala daw kasing klase ngayon dahil may inaasahan na bagyo.
I wasn't paying attention to the news. Kaya outdated ako sa mga nangyayari.
"Kyle deactivate his account." she open up a topic while we are eating our brunch.
Medyo mahangin na din sa labas dala na din siguro ng inaasahan na bagyo.
"Hindi naman siya nakadeactivate kahapon, which account ba?" I asked.
Hindi siya nakasagot agad dahil kakasubo niya lang ng kanin sa bibig. Ngumuya muna siya bago nagsalita.
"His facebook." she replied.
"Oh, baka nagdetoxicify. "walang pakialam na sabi ko.
"He should eliminate himself then." bulong nito.
Natawa naman ako sa sinabi niya kaya muntik na akong mabulunan. Buti na lang at may tubig sa harap ko.
"By the way, wala kang lakad ngayon?" tanong ko kay Maggie.
"Of course, saan ako pupunta kung babagyo. Hindi ko alam kung tulog ka pa habang kumakain eh." umirap siya sa akin.
She's really like that. She really hates dumb questions.
"Kalma, tinatanong lang eh." sagot ko.
Nang matapos kaming kumain ay hinanda ko na ang kakainin ng aso namin.
I forgot to mention that we have two dogs. Bigay nung kapitbahay namin na si France. Tulog na sila kagabi nang dumating ako kaya hindi na ako nasalubong. May sarili silng kwarto puro para sa aso.
"Those two already eat. Natutulog lang parehas kasi hinabol nila yung daga sa sala." she pursed her lips just to stop herself from laughing.
I laugh with her. Two months palang sila kaya sobrang harot. Bukas ang pinto ng kwarto nila dahil ayaw namin silang ikulong.
Ren rushed towards me when he heard my laugh. Umamba pa ito sa akin kaya muntik na akong matumba sa may sofa namin.
Lalong natawa si Macy sa ginawa ni Ren. Nakasunod dito ang kalmadong si Torn. Tumatahol si Ren sa akin na parang nagsusumbong.
Malaking aso sila kahit two months palang.
"Namiss ka niya, hindi ka kasi nakita kagabi." nagliligpit na siya ngayon ng hugasin habang yakap ko si Ren at nasa tabi ko si Torn.
Niyakap ko ito ng mahigpit at nagsimula na siyang magharot kaya tawa ng tawa si Maicy. Nabaliw na ata siya.
"Hoy, wallet ko ba 'yang nginangatngat niya!?" sigaw nito na ikinatawa ko.
Kinuha agad niya ito sa bibig ni Torn at hinugasan. Kinakalma ko ang aso nang tumayo sa harap ko si Maicy.
"Bili ka ng ice cream. Tutal, ikaw lang marunong gumamit ng bike." utos niya sakin.
Inirapan ko naman siya. Lagi niya kasing excuse yung pagiging marunong ko magbike para utusan ako.
"Tig-isa tayo ha. Ayoko ng rockyroad mo!" sigaw niya ng makalabas ako.
Agad kong kinuha ang bike at nagsimula ng magpedal palabas ng bahay namin.
"Putek, uulan na ata." Iritado na ako at nagmamadali para makaabot sa ice cream shop na malapit sa bahay.
Mabilis kong natunton ang bilihan ng sorbetes. Nilock ko ang bike sa labas bago pumasok dito.
Buti na lang at dalawa lang ang bumibili. Nakahoodie sila na itim at parehas na lalaki. Namukhaan ko pa ang isa.
"David!?" gulantang na sabi ko nang mapalingon ito sa akin.
"Hoy, anong ginagawa mo dito?" sabay namin na tanong sa isa't isa.
Natawa kaming parehas pero sinagot ko naman ang tanong niya.
"May utos si madam. " simangot ko.
"Baliw talaga 'yon. Dapat sa akin niya na sinabi tutal papunta kami sa inyo." sagot nito.
"Talaga? Pinalayas ka ulit ni Tita Lucy?" Mommy ni David na topakin.
"Hindi, sinabi niya lang na bumisita ako kay Maicy dahil nagsasawa na siya sa mukha ko. By the way, this is Tobias, my brother." pakilala niya sa lalaking nakasimangot sa tabi niya.
"Uhh, hi." awkward na sabi ko.
Bumaling ito sa akin at umirap. Inaano ka ba!?
Hindi niya ako pinansin kaya si David lang ang kinausap ko habang namimili ng ice cream para sa akin. Nabili na kasi niya ang gusto ni Maicy.
Binayaran ko na ito agad dahil parang uulan na talaga. Ang dilim ng paligid.
"Sasama ba 'yan sa bahay?" tanong ko kay david habang nginunguso ang kapatid niya na inaayos ang bike ko sa may itaas ng sasakyan nila.
"Oo, bored sa bahay eh." sabi nito.
Inaayos nila ang bike ko dahil sa kotse na nila ako sasabay. Paulan na din kasi at ayoko naman mabasa.
"Pumayag ba si Maicy?" paninigurado ko.
Ngumiti naman si David at sinabi na pumayag ang kapatid ko. Basta uuwi din sila dahil ayaw nito na doon matulog ang magkapatid. Well, ayaw ko din! Lalo na 'yang kapatid niya.
"Bakit nga pala ngayon ko lang nakilala ang kapatid mo, akala ko kayo lang ni Drake ang magkapatid." nakikiusyoso ko na tanong.
Ilang years na din kasi sila ni Maicy kaya naman nagtataka talaga ako.
"Wala din naman kasi siya sa Pilipinas kaya nakalimutan ko na banggitin."
"Kuya, hindi pa ba tayo aalis!?" iritado nitong tanong.
Tapos na pala siyang mag-ayos ng bike ko. Ang attitude naman niya. Buti pa mga kapatid niya, mababait.