Three

46 3 0
                                    

Muntik ko nang matalisod habang naglalakad, buti na lang at hindi natuloy dahil nakahawak ako sa poste na malapit. Lumiko kami sa one way papunta sa kabilang branch.

"Ah, hayaan niyo na." sabi ko na lang sa kanila.

Ayoko kasi na maging malungkot sila para sa akin dahil lang sa nangyari. Nag-effort na nga sila para sumaya kami.

Umupo kami sa labas ng shop dahil medyo mahangin naman dahil hapon na din. Puno din kasi sa loob ng mga Senior High na galing sa malapit na school.

Nasa sentro kasi ang mga iba't ibang schools pati na din ang simbahan at mall. Nahiwalay lang ang school namin na nasa bandang burol.

"Chocolate sayo di ba?" tanong ni Carol sa akin.

Nilapag namin ang mga gamit sa gilid at nagtanong si Carol at Jake ng oorderin. Naglabas din kami ng kanya-kanya na pera dahil wala naman may balak manlibre sa aming lima.

"Ang gago talaga ni Kyle, hindi ka niya sinipot di ba?" tanong ni Anne sa akin habang nakalagay ang dalawang kamay sa lamesa.

"Uh, sinipot niya ak-" alma ko.

"Sinungaling! Sabi mo kanina hindi ka sinipot. " agad na pagtutol niya.

Nakatingin lang sa aming dalawa si Rebecca kaya tinitigan ko siya para humingi ng tulong pero iniwas niya lang ang tingin niya.

"Don't defend that asshole." sabi ni Rebecca.

"Alam namin na hindi ka niya sinipot kahit hindi mi sabihin.Nakita ka namin habang paakyat ng building at nakita din namin si Kyle na kaharutan ang babae bago ka namin makita. Magkasunuran lang tayo, kaya sure kami na hindi siya pumunta." mahabang paliwanag nito sabay kuha ng milktea niya na dala ni Jake.

"Inuhaw ka doon no!" tawang tawa pa si Jake.

"Wala naman kaming pakialam kung may manligaw sayo. Pero sana hindi ka iniiwan ng ganito. Ano ba naman ang magpaalam sila?" sabi ni Carol at saka inabot sa akin ang milktea.

My eyes are blurry because of the tears that  forming. Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil sa hiya. Nostalgic. Nandito na naman kami.

"May memories din naman kayo, hindi niya ba naisip 'yon." sabi ni Anne.

"Tigil na guys. Kalma na." ngumisi si Jake bago uminom ng milktea.

They know me so well.

They know that my insecurities are eating me right now. It consumes me day by day and kills me every night.

Alam nila na sa kada uwi ko. Nilalamon na naman ako ng mga tanong na hindi man lang nasagot dahil nagsawa.

Alam nilang lahat ng iyon.

So, they are trying to distract me, everytime that someone left me again. I am thankful for that.

Hindi naman lahat ng tao, nabiyayaan ng lahat. Thankful pa din ako na kahit papaano, nabiyayaan ako ng kaibigan na kagaya nila.

"Don't entertain suitors anymore." Rebecca said and purse her lips.

"Acads na muna tayo. Hahabulin ka nila kapag may lisensya ka na. Pusta ko manok ni Papa." sabi ni Jake.

"Gaga ka, mas mahal nga ng tatay mo 'yon." pambabara ko sa kanya.

Kinurot niya naman ang pisngi ko kaya hinampas ko ang kamay niya.

"Huwag ka na umiyak, Eka. Ang panget mo pa naman." sabi nito.

It's funny that his joke doesn't trigger my insecurities. Mas gumaan pa ang loob ko.

One More GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon