Pumasok kami sa Bente Silog para kumain ng tanghalian. Nag-aya sila dahil pasado alas dose na pero wala pa kaming kain. Pumayag naman kami dahil gutom na din.
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon si Kyle. Hindi ko kasi inaasahan na bigla na lang siyang hindi makikipag-usap. Hindi ko siya ganun nakilala kaya naninibago pa rin ako.
Ngayon ko lang din nakita ang babaeng kasama niya na maaring si Gaile dahil sa narinig ko sa tawag kanina.
Siya siguro ang mahinhin na babae.
It was so sudden for me. I didn't expect it. Lalo na at masaya naman kami nung bakasyon kasama sila Mikael na tropa niya.
Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko.
How can they easily leave me?
Nakakasawa ba ako?
Am I not worth the wait?
"No." sabi ni Rebecca habang napalumbaba sa tapat ko.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Nasabi mo ng malakas ang iniisip mo. Stop thinking about that asshole." sabi nito bago tumayo at umorder. Bumuntong hininga ako.
Naiwan naman ako para bantayan ang gamit namin. Kulay pastel ang loob ng kainan. Nagbebenta din sila ng milktea at iba't ibang drinks.
"Umorder ka na. Ako na magbabantay." sabi ni Carol. Bitbit niya ang tapsilog sa isang kamay habang milktea naman sa kabila.
Kinuha ko ang wallet sa backpack ko na brown. Nakauniform pa kaming magkakaibigan. Dark blue na slacks at light blue na top.
Pumila ako sa likod ng isang lalaki na nakaitim na damit at maong short. Hanggang balikat lang niya ako. Nagulat ako ng bigla itong humarap sa akin at ngumiti. Singkit ang mata nito at matangos ang ilong.
"Mauna ka na, Miss. May hinihintay pa ako eh." Sabi niya sa akin.
"Salamat." Bulong ko.
Bago ako dumiretso sa counter ay sumulyap pa ako dito habang nagcecellphone. Tumingin naman ito ngumiti kaya agad akong tumalikod. Nakakahiya.
Umorder ako ng Hotsilog at Mango Shake. Agad ko naman nakuha ito dahil iniinit na lang nila ang naluto nila kanina. Nasa paper box ito ng kinuha ko. Hinihintay ko na lang ang mango shake kaya gumilid ako.
Sumulyap ako sa susunod. Akala ko 'yung lalaki kanina pero babae ang sumunod sa akin.
"Bangsilog at Milktea po." sabi niya.
Mahaba ang buhok nito at matangos ang ilong. Maputi din ito at medyo singkit ang mata.
Umakbay sa kanya ang lalaki kanina. Hanggang ilong siya nito. Umiwas agad ako ng tingin ng tawagin ako ng kuya na nagtitinda.
"Mango shake mo, Miss." sabi nito.
"Salamat po." sabi ko bago pumunta sa pwesto nila Carol.
Palapit pa lang ako, nakasimangot na si Jake. Habang nagkukwentuhan naman ang mga kaibigan ko.
"Mukha siyang anime. Ang tangkad niya pa at ang puti. Ano kayang course niya?" dinig kong sabi ng babae sa may gilid ko.
"Nakita mo 'yung nasa counter, Erika?" tanong ni Carol.
"Oo, kasama nga ang girlfriend niya eh." sabi ko.
Naglalandian ba naman sa harap ko kanina. Naalala ko na naman si Kyle. Nakakagalit tuloy.
"Tanga, kapatid 'yon ni Cyrus." sabi ni Anne.
Nagulat naman kami na kilala niya 'yon.
Ito pala ang pinag-uusapan nila. Kung sino ang kahawig ng Cyrus na anime. Minsan hindi ko sila naiiintindihan lalo na't wala akong hilig dito. Pero nanononood naman ako kapag magkakasama kami.
