Minabuti kong sundin ang physical distancing,
espasyo mula sa akin na ginusto mo din namang gawin.Pinili nating umiwas sa isat isa,
Sa takot na magkasakitan tayong dalawa,
Hangang sa kasunduan na magkaroon tayo nang tatlong buwan na distansya,
Kasabay ng paniniwalang pagod lang tayo sa lahat,
kaya kailangan lang natin ng pahinga.Hangang sa lumipas ang napakabilis na mga araw at nasanay kanang wala ako na parang walang nang tayo,
Usapan lang natin ay magpahinga,
Hindi tuluyang ipahinga yung mga bagay na binuo at pinagsamahan natin ng kaysaya.Akala ko araw lang ang lumilipas ng mabilis, yun pala ikaw din.
Larawan mula kay: Agnes Cecile
BINABASA MO ANG
QUARANPILINGS
Thơ caPILINGS /e: FEELINGS May mga bagay sa mundo na sa pagsulat Lang naipaparamdam at sa mga pangungusap Lang makikita. Hayaan niyo akong ipahayag ang mga damdaming sa isip koy naglalakbay at pilit kumakawala. Akin ng sisimulan ang bawat talata, Nawa...