Baka Bukas

9 0 0
                                    

Pinagmasdan ko ang araw 🌞
Ang pagsibol ng bukang liway way sa dakong silangan
Kinausap,
Tinanong,
Kung bakit nagiba na sya?
Kung bakit wala na ang sigla at
Pawang sakit na ang dulot nya?
Naghintay ako ng sagot hangang sa
Lumipas ang oras at unti unting ikinubli ng dilim ang liwanag
Ang pagtingin,
Walang makita
Tanging ang haplos ng hangin ang -
Naririnig
Nanginginig
Nanlalamig
Nanlamig,
Umaasang sa pag mulat muli ng mga matay
Panibagong sikat ng araw ang masisilayan
Sinabi ko sa sarili kong,
Kung hindi na kita muling masilayan,
Hindi nakita hahanapin kung saan ka banda naroroon
Bagkos,
Mananatili akong mumulat sa umaga,
Mumulat kung saan kita unang nakita.
Kung saan mo unang pinaramdam ang mainit mong taglay na pagmamahal.
Minamahal kong araw. 🌝🌚

QUARANPILINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon