Kagaya ng love team na para lang sa telebisyon, ngunit hindi totoo. Tayo.
Mga Bagyong mapaminsala, Tulad mo.
Candy na sa una lang sweet, Ikaw.
Ampalaya na punong puno ng sustansya ngunit bitter ang taste. Mo.
Imbestegador na magaling magpangap. ka.
Seaman, na manloloko. Ka pala.
Makikinig nalang ako sa lyrics ng mga kantang mapanakit.
At Mapapatanong kung bakit?
"Di ka Lumaban kahit konti,
Kung bakit?
"Iba na ang yung tingin nagbago ng lahat sayo," Mahal.
"Sawa na ba saking lambing?"
Siguro nga,
Mabuti narin,
"Mas mabuti pang hayaan ang bawat puso't minsan ay magisa"
At Tangapin yung realidad na
"Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana", Tayo.

BINABASA MO ANG
QUARANPILINGS
ПоэзияPILINGS /e: FEELINGS May mga bagay sa mundo na sa pagsulat Lang naipaparamdam at sa mga pangungusap Lang makikita. Hayaan niyo akong ipahayag ang mga damdaming sa isip koy naglalakbay at pilit kumakawala. Akin ng sisimulan ang bawat talata, Nawa...