Alam ko
Oo
Alam ko,
Hindi mo kailangang sabihin,
Wala kang kailangang ipaliwanag
Hindi mo kailangang isipin
Malinaw naman
Malinaw lahat
Oo lahat,
Hindi mo kailangang magtanong
Wala kang dapat sabihin
Walang dapat sisihin
Dahil alam ko nga
Alam ko na
Alam ko
Mas mabuti ng Alam ko
Malaman kung una
Hindi pangalawa
Hindi pangatlo
Oo, wala sa anumang bilang ng mga numerong Alam mo.
Wala doon.
Wala doon ang sasagot sa tanong ko kung bakit ako?
Kung bakit Ako yung biktima sa mga tanong mong sinagot ko ng Mataram is na OO?
Sa mga tanong mong sinagot ko ng pangmatagalang Salita.
Mga salitang pinangako mo.
Pinangako nateng dalawa sa isat isa
Pinangako mo hangang sa mapako ka.
Oo
Alam ko
Alam ko na
Alam ko na kung anong sagot sa bakit ko?
Hindi mo na kailangang tanungin dahil Alam Kong alam mo na rin.Litrato mula kay: Meriel Perno Espenilla
BINABASA MO ANG
QUARANPILINGS
PoetryPILINGS /e: FEELINGS May mga bagay sa mundo na sa pagsulat Lang naipaparamdam at sa mga pangungusap Lang makikita. Hayaan niyo akong ipahayag ang mga damdaming sa isip koy naglalakbay at pilit kumakawala. Akin ng sisimulan ang bawat talata, Nawa...