Darating yung panahon at makakalimutan mo rin siya.
Makakalimot ka rin sa mga ala-ala niyong dalawa.
Makakaya mo ring humarap sa salamin —ng may saya sa iyong' mga mata
Kakayanin mong tiisin ang lungkot at kirot na maaari mong maramdaman sa tuwing maiisip mo siya.
Hindi kana muling iiyak ng magisa,
Hindi man sa ngayon, maaring bukas —
sa paglipas ng mga linggo o ilang mga buwan, walang kasiguraduhan ngunit maghihintay ako.
hihintayin ko ang muling panunumbalik ng mga ngiti mo,
Hihintayin ko yung panahon na wala na siya at May puwang na ako sa puso mo.
Pangako, hinding hindi ko hahayaang muli kang maglakbay muli sa magulong mundo.Nagmamahal,
Matalik na - /Ka-IBIGAN/
BINABASA MO ANG
QUARANPILINGS
PoetryPILINGS /e: FEELINGS May mga bagay sa mundo na sa pagsulat Lang naipaparamdam at sa mga pangungusap Lang makikita. Hayaan niyo akong ipahayag ang mga damdaming sa isip koy naglalakbay at pilit kumakawala. Akin ng sisimulan ang bawat talata, Nawa...