4. Bakunawa

21 3 1
                                    

Sigurado akong walang card na ganito kanina. Pero paano ako nagkaroon ng ganito?

Itinaas ko ang card na yun. May mga nakasulat na kulay ginto sa paligid ng larawan ng babaeng nakamaskara. Di ko mawari kung ano ang kahulugan ng mga nakasulat na iyon.

Dali-dali kong binuksan ang cellphone ko at nagsearch sa Internet. Baybayin pala ang nakasulat dito.

Ha-li-ya

Haliya.

Anong ibig sabihin nito?

O kaya naman ay maaaring pangalan ito ng babaeng nasa card. Pero sino sya at paano ito napunta sa akin?

Kinikilatis kong maigi ang card, may mga symbols sa kabilang mukha nito. Di ko rin alam ibig sabihin nun, pero may mga stars at moon. Parang nakita ko na ang mga iyon pero di ko matandaan kung saan at kailan.

Kibit-balikat na lang ako't itinago iyon sa box, kasama ng mga bagong biling cards at collection ko.

Maya-maya pa’y tinawag ako ni Ara para kumain na ng pananghalian.

Maghapon akong nakababad sa cellphone. My curiosity kicks in. Di mawala sa isip ko yung mga symbols na nakita ko. I have to know what do they mean.

Pagdako ng gabi, paikot ikot ako sa kama. Di ako dinadalaw ng antok. Bumangon ako't napansin kong wala si Ate Reeva sa kanyang higaan. Siguro nagpunta sya sa banyo.

Napagpasyahan kong bumaba para kumuha ng tubig na maiinom. Pero sa hagdan pa lang ay may naririnig akong bulungan.

"Sa makalawa ay kabilugan na ng buwan at ika-labing walong kaarawan na nya. Anong mangyayari, Nay?"

Boses yun ni Ate Reeva. Oo nga't malapit na ang 18th birthday ko. Kinilig ako't pinagpaplanuhan pala nila ang debut ko.

Kung kaya’t kinalma ko ang kasiyahang nadarama at tahimik kong sinandal ang mukha ko. Itinuon ko ang aking tenga sa pader para mas lalo ko pa silang marinig.

"Hindi ko rin alam." May pag-aalala sa kanyang tinig.

"Maaaring mangyayari na ang dapat mangyari. Dapat tayong maging handa, maaaring sumalakay ang mga alagad ni Bakunawa" ani Tita Esther.

"Pero Nay, di ba dapat malaman na ni Amaris ang totoo?"

Kumunot ang aking noo.

Totoo? Ano ang totoo? At anong mga alagad ni Bakunawa? Ang daming tanong sa isip ko.

Dali-dali akong umakyat pabalik sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng bedside table, at nagresearch ako uli sa Internet tungkol kay Bakunawa.

Hmmm.. interesting.

Nalaman ko na si Bakunawa ay isang halimaw na mala-dragon ang hitsura, at natutulog sa kailaliman ng dagat. Mayroon itong malaking bunganga na sinlaki ng isang lawa, pulang dila, mahabang bigote, malalapad na hasang at maliliit na matutulis na bahagi sa tagiliran. Mayroon din itong dalawang kulay abo na pakpak na di pantay ang laki.

Nalaman ko rin na ayon sa kwento, nangangain ito ng buwan.

Nakakatakot! At may mga alagad ito?

My gosh!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit sila sasalakay? Anong kinalaman nila sa akin? Sa amin?

At kung sasalakay sila rito, paniguradong wala kaming laban!

Di ko na nagawang makatulog hanggang sa narinig ko ang mga yabag ng paa patungo sa kwarto. Alam kong si Ate Reeva iyon. Agad kong ni-lock ang cellphone ko at  nagtalukbong ng kumot. Naramdaman kong humiga na sya sa kama.

Kinabukasan, medyo late na ako nakabangon. Wala na sina Ate Reeva at Ara sa kwarto. Muli kong binuksan ang box ng card collections ko.

Andun pa rin ang kakaibang card kahapon. Kinuha ko ito at muling itinaas para kilatisin. Muli kong pinagmasdan ang mga nakasulat na symbols.

Bigla ko naalala, ganitong-ganito ang disenyo na nasa hairclip ko!

Kinilabutan ako't agad na kinuha ang aking hairclip. Pinagkumpara ko ang design ng hairclip at symbols sa card. Tama ang hinuha ko. Magkaparehong-magkapareho!

Napahawak ako sa aking sentido. Naguguluhan ako. It's too much of a coincidence. Hairclip, card at ang mga narinig kong pinag-uusapan nila Tita Esther at Ate Reeva.. coincidence nga ba ang lahat or did I miss something important?

Kahit ano pa man, dapat kong malaman ang totoo.

Nagsuklay ako nang mabilis pagkatapos kong ayusin ang aking higaan. Napatigil ako nang mapaharap sa salamin.

Ano ito? Tinakpan ko ng kanang kamay ang aking bibig. Bakit nag-iba ang kulay ng mga mata ko?!

Amaris (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon