3. Ultimate crush

24 3 2
                                    

"Amaris!" sigaw ni Ate Reeva habang nakangiti na kumakaway sa akin.

Bumagal ang pagtakbo ko habang papalapit sa kanila at kakaiba ang kabog ng aking dibdib. Sino ba namang di kakabahan? Bakit katabi nya si Ate Reeva?!

Di ko maintindihan!

Kababata namin sya, at kahit ilang taon na ang nakalipas, sya pa rin ang ultimate crush ko. Naaalala ko noon, ilang beses ko isinusulat ang mga pangalan namin habang naglalaro ng FLAMES. Kinikilig ako dahil "married" ang resulta roon. Napakababaw, ano? Hay, ang sarap mangarap!

Eh sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya?

Lahat na ata ng mabuting katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Gwapo, matipuno, street-smart, masipag mag-aral at madiskarte... kaya nga napili sya bilang scholar at nabigyan ng pagkakataong mag-aral sa ibang bansa. Dahil doon, wala syang time para sa love, puro aral lang.

Pero dahil sa nagawa ko noon, nahihiya akong harapin sya. Ni hindi nga ako nakapagpaalam sa kanya noong umalis sya kahit magkapit-bahay lang kami.

"Huy, Amaris!" kalabit sa akin ni Ate Reeva. "Naaalala mo si Rafael Villaflor?"
makahulugang tanong nya sa akin, sabay turo sa katabi nya.

Anak ng tinapa! Ano ba, ate?! Di naman sya nawala sa isipan ko.

"Ah eh..opo, ate." mahinang sagot ko sa kanya. Iniiwas ko ang tingin ko kay Rafael, pero ngumiti lang ito.

"Kauuwi lang daw nya kagabi." bulong ni Ate Reeva sa akin.

"It's nice to see you again, Amaris." nakangiti nyang sinabi sa akin.

Hala, ang lambing ng baritono nyang boses! Wag kang ganyan, Rafael, bumabalik lahat ng feels.

Para akong nasemento sa kinatatayuan ko't di ako makagalaw at di ko alam anong isasagot ko.

"Huy, ano ba nangyayari sa iyo? Lika na't maglakad pag-uwi. Hinihintay na tayo ni Nanay."  pag-aya sa akin ni ate Reeva habang hila-hila ang laylayan ng t-shirt ko.

"Sabay na ko sa inyo," sabi ni Rafael at inagaw ang mga dala naming mga napamili. "Hayaan nyo na, ngayon lang naman," sabay kindat sa amin.

Natuwa si ate Reeva sa ginawa nyang yun dahil malaking ginhawa para sa amin at medyo mabigat din ang mga iyon.

Habang naglalakad, inipon ko ang lakas ng loob para kausapin si Rafael.

"Uy, Raffy, pasensya ka na last time ah? Di ko naman alam na andun ka. Naisaboy ko tuloy sa iyo ang pinagbanlawan ng mga labada ko." Nahihiya kong paliwanag sa kanya.

"Hahahaha!"

Ikinagulat namin pareho ni Ate Reeva ang malakas na pagtawa nyang iyon.

"Ah oo, naalala ko. That's the day na aalis na ko. Magpapaalam sana ako sa inyo kaso yun nga.. umuwi na lang ako sa bahay para magpalit ng damit. Pagbalik ko, wala ka na. Umakyat ka na raw sa kwarto nyo."

"Ah.. hehe, kasi nga, nahihiya ako sa nagawa ko."

"Don't be. Di mo naman sadya yun, di ba?"

Tumango lang ako at ngumiti. Nawala na ang awkward feeling sa pagitan namin. Gaya ng dati, pakiramdam ko bumalik ang closeness namin nung malilit pa kami.

Pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko habang nagkukwento sya ng mga nangyari sa kanya sa ibang bansa. Minsan nga di ko na maintindihan sinasabi nya, nakatitig lang ako sa kanya.

Pagdating sa harap ng gate ng bahay namin, nagpaalam na't umalis si Raffy. Di na naman ako makagalaw. Kinailangan pa akong itulak ni Ate Reeva papasok ng bahay.

"Anong nangyari kay Amaris, ha? Bakit nagkakaganyan yan?" pag-usisa ni Tita Esther habang kinukuha ang mga napamili namin kay Ate Reeva.

"Nay, di pa ba obvious? Bumalik na kasi ang ultimate crush nya."

"Si Raffy?"

Tumango lang si Ate Reeva habang ako ay nakasandal pa rin sa pintuan, pinanunuod ang paglayo ni Raffy hanggang sa ito'y pumasok sa kanilang bahay.

"Amaris!" napukaw ang atensyon ko sa sigaw ni Tita Esther.

"Hala, magmadali ka't balatan mo ang mga carrots at patatas." utos nya sa akin.

Walang imik ngunit nakangiti akong sumunod. Nang matapos ako, nagmadali akong umakyat ng kwarto at isa-isang tinignan ang mga bagong biling cards ko.

Teka! Ang isang ito ay kakaiba.

Wala akong naaalalang ganito kanina!

Amaris (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon