1. Cards

35 5 1
                                    

Ano ka ba naman, Amaris?! Ang laki laki mo na, nahihilig ka pa rin sa cartoons!” yamot na sinabi ni Tita Esther habang nagwawalis.

Tita, hindi po ito cartoons..animé po.” Marahan kong sagot habang maingat na nililigpit ang card collection ko ng Sailormoon. Madalas ko kasi nilalabas sa box at isa isang nilalatag sa aking kama para basahin kahit ilang beses ko na nabasa iyon. Halos memorized ko na nga ang mga nakasulat doon.

Ah, basta! Para sa akin, cartoons pa rin yan kasi drawing lang.” ayaw paawat ni Tita Esther. “Tigilan mo na yan ha at pag ako nainis, baka ipamigay ko pa yang mga yan sa iba.

Napakamot na lang ako ng ulo at di na sumagot pa. Alam kong hahaba na naman ang usapan at nagagalit na sya sa akin kaya mas mabuti pang manahimik na lang ako. Kahit masungit sya kung minsan, mabait naman ito at alam kong mahal nya ako.

Pagtapos mo dyan ay samahan mo si ate Reeva mo, at mamalengke na kayo ng mga rekado ng lulutuin nating ulam.” Sabay abot sa akin ng listahan ng mga bibilhin at pera.

Opo, maganda kong tita!” malambing kong sagot sa kanya. Umismid lang si Tita Esther at nagpatuloy sa pagwawalis sa kwarto.

Maya-maya pa’y lumabas na mula sa banyo si ate Reeva. Suot nya ang pulang tshirt at white na shorts, habang nakalugay ang wavy nyang buhok.

Halika na, Amaris!” nagmamadaling pagyaya niya sa akin habang hatak ang kamay ko palabas ng bahay. “Alis na po kami, Nay!” nakangiti at pasigaw na paalam nito.

Sa palengke, pinuntahan namin kaagad ang mga gulay at karne at binili ang iba pang mga nakalistang rekado. Dahil magaling mamili si ate Reeva ay maaga kaming natapos at may natira pang sukli. Pagtapos naming kumain ng kwek-kwek at uminom ng palamig, nagpahinga kami saglit sa ilalim ng waiting shed.

Heto, Amaris!” sabi ni ate Reeva habang inaabot ang singkwenta pesos sa akin.

Para saan to, ate?

Pambili mo ng kahit anong gusto mo.” Sagot nya sa akin nang nakangiti.

Di ba magagalit si Tita Esther?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

Sus, hindi yun! Sya naman ang nagsabi sa akin kanina na kung may sukli ay tayo na ang bahala.” pagmamalaking sagot nya sa akin habang nakapameywang.

Ah ganun ba… sige ate, salamat!” excited kong sagot habang tinanggap ang pera.

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa tuwa dahil may pambili uli ako ng cards pandagdag sa collection ko.

“Oh, yang ganyang tinginan, alam ko na bibilhin mo! Cards na naman ano?” panunuya nya sa akin.

Hehehe, ate Reeva, automatic na yun. Tsaka balita ko sa kapwa ko otaku ay may bagong labas at rare edition na Sailormoon cards. Kaya sige na, ate, payagan mo na ko.. titignan ko lang!” paglalambing ko sa kanya habang nakakawit ang kanang kamay ko sa baywang nya.

O sya sige, pinapayagan na kita. Sampung minuto. Pagtapos nun ay magkita tayo sa tapat ng Mercury Drugstore. May pupuntahan lang akong kaibigan saglit. Sampung minuto lang ha!” mariing paalala nya sa akin.

Kaibigan ba talaga, te? Eh sa ayos mong yan, ang pula ng pisngi, nakaliptint pa at hmmm.. nagpabango oh! Sure akong di kaibigan yan!” pang-aasar ko sa kanya.

Oo, kaibigan lang kaya wag kang ano!” pinandilatan ako at inis na sinabi nya sa akin. “Teka, baka gusto mong wag na magpunta dun sa bibilhan mo ng cards?

Si Ate Reeva naman, di na mabiro. Joke lang yun.” pilit na ngiti ko sa kanya habang naka-peace sign.

Ngumuso lang si Ate Reeva sa akin at sumenyas na aalis na habang nakaturo sa kanyang relo. Nakuha ko ang ibig nyang sabihin na sampung minuto lang ang pwede kong itagal sa pupuntahan ko. Tumango lang din ako at masayang naglalakad patungo sa paborito kong animé shop.

Amaris (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon