9. Paalala

12 2 0
                                    

"Alam ko na marami kang katanungan, Amaris. Ngunit paumanhin, hanggang dito muna ang kaya kong sabihin."

Literal na napanganga ako. Paano nya nalaman ang nasa isip ko?

"Kaya ko ring bumasa ng isip," nakangiti nitong sinabi sa akin. "Magkikita pa naman tayong muli, Amaris. Sa ngayon ay kailangan mo munang makabalik sa inyo."

"Pero paano?" tanong ko sa kanya.

Kinuha nya ang mulukong na may puting kanin.

"Ito. Kainin mo ito, Amaris, upang makatakas ka sa ilusyong gawa ni Hukluban."

Nag-aalinlangan man ako pero sinunod ko ang sinabi ni Dalikamata. Kumuha ako ng kutsara at isinubo ang puting kanin.

"Mag-iingat ka, Amaris. Wag mong ilalayo iyang nakasabit sa iyong buhok. Tatandaan mo rin ang sinabi ko sa iyo kanina.. wag kang papasilaw sa panlabas na kaanyuan."

Unti-unti ay umaangat si Dalikamata pabalik sa direksyon kung saan ko sya unang nakita. Nakangiti ito sa akin at biglang naglaho na parang bula.

Maya-maya pa'y naririnig ko na ang tinig ni Ate Reeva.

**
(Reeva POV)

"Amaris!"

"Amaris!!"

"Amaris!!!"

Saan na ba ang babaeng yun?! Di kaya makuha na sya ng mga alagad ni Bakunawa?!

Frustrated na ako. Dapat ngayong gabi ay maglalakbay na kami pero ito pa ang nangyari. Paano kung di ko sya makita?
Nangingilid na ang mga luha ko sa aking mga mata.

Niyakap ko ang aking sarili. Nagulat ako nang kinalabit ako ni Raffy at tinuro ang isang malaking puno ng mangga.

"Reeva, doon tayo."

Nagtaka at namangha ako sa mga kinilos ni Raffy. Kumuha sya ng mga tuyong dahon sa paligid at sinilaban ito. Pinalaki nya ang apoy hanggang sa kumapal ang usok. May mga inusal din syang dasal na di ko malaman kung ano ang ibig sabihin.

Maya-maya ay may naririnig akong umuubo. Si Amaris!

"Amaris, Amaris!" tinitignan ko sya at niyuyugyog. "Ayos ka lang ba?"

Sinuri ko sya kung may sugat o ano man sa katawan. Mabuti na lang at wala. Agad ko syang niyakap.

"Amaris, saan ka nagpunta? Nag-alala kaming lahat sa iyo." Tumulo ang mga luha na naipon sa mga mata ko. "Salamat naman at nakita na kita."

Humawak si Amaris sa kanyang sintido at nagsabing, "Okay lang ako, ate. Don't  worry."

Bigla syang natigilan nang makita nya si Raffy. Biglang namula ang kanyang mga pisngi at tumango.

"Ate, bakit kasama mo si Raffy?" bulong nya sa akin.

"Ah.. eh.. nagpatulong ako sa kanya na hanapin ka."

Ngumiti lang si Raffy saka tumalikod at naglakad palayo.

"Reeva, Amaris.. kailangan na natin umuwi. Lumalalim na ang gabi," paaalala ni Raffy sa amin.

Agad kong tinayo si Amaris at tinulungan syang magpagpag ng damit.

**

(Amaris POV)

Di ko alam na malayo pala ang naitakbo ko kanina. Itong kagubatan ay may kalahating kilometro ang layo sa aming barangay.

Pinagmumuni-munihan ko ang mga nangyari kanina, lalo na ang paalala ni Dalikamata. "Wag kang pasisilaw sa panlabas na kaanyuan."

Ang tahimik ng paligid. Tanging mga tunog ng kulisap, palaka at ibon ang naririnig ko. Wala ring imik si Ate Reeva at Raffy na nauunang naglalakad  kaysa sa amin.

Napansin kong pailing iling si Ate Reeva, kung kaya hinawakan ko ang kanang kamay nito.

"Ate, bakit ka tahimik? Anong iniisip mo?"

Bumuntong-hininga lang siya at tumingin sa akin. Hindi ako sanay sa kinikilos nyang yun. Madalas ay maingay siya at masayahin ngunit ngayon ay kabaliktaran.

"Wala ito, Amaris. Pagod lang siguro ako. Kailangan na natin makauwi sa bahay. Nag-aalala na si Nanay."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amaris (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon