5. Haliya

19 3 1
                                    

Bakit kulay ginto at kumikinang ang mga mata ko?!

Natakot ako, at muntikan na matumba sa pagkakatayo. Napasandal ako sa dulo ng aking kama. Pumikit ako ng matagal at kinusot ang talukap ng mga mata ko. Pag dilat ko ay bumalik sa dating kulay brown ang mga mata ko.

Namalik-mata lang ba ako?

Hinawakan ko ang aking ulo at umiling iling.

Argh!

Anong nangyayari sa akin? May kinalaman ba ito sa narinig kong usapan nina Tita Esther at Ate Reeva kagabi?

Dali-dali akong tumayo at tumakbo pababa upang hanapin sila.

Ngunit, wala sila.

Saan kaya sila nagpunta? Isa-isa kong pinuntahan ang banyo, kusina, kwarto, bakuran at sala..lumabas na nga ako ng gate pero wala talaga sila.

Seriously? Nasaan na kaya sila?

Bumalik ako sa loob ng bahay, nakapagtatakang nadatnan ko na nakaupo silang lahat sa kusina!

"Tita Esther, saan po kayo nagpunta?"  hinihingal kong tanong sa kanya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo, Amaris? Kanina pa kami rito. Tignan mo't di pa nga kami tapos maghimay ng malunggay,"  paliwanag ni Tita Esther.

"Okay ka lang, Amaris?" pag-aalalang tanong ni Ate Reeva sa akin.

Di ko nagawang sumagot dahil pinagpawisan ako ng malamig. Napaupo na lang ako sa tabi nya.

Pinatong ko ang kaliwang kamay sa kanan nyang braso. "Ate, may mga kakaibang nangyayari sa akin."

"Tulad ng?" pag-usisa ni Ate Reeva sa akin.

"Marami, ate!" bakas sa aking mukha ang pagkabalisa at pag-aalala.

Nagkatinginan silang dalawa ni Tita Esther, habang napahinto sa paghuhugas ng pinggan si Ara.

Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon sa animé shop at tungkol sa card na napunta sa akin. Pati na ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko, at biglaan nilang pagkawala at pagbalik.

Napansin kong nashock si Tita Esther sa inilahad ko, kung kaya’t tumayo ako't hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Tita, pasensya na po kayo. Narinig ko ang pag-uusap nyo ni Ate Reeva kagabi. Gusto ko pong malaman ang totoo." pagmamakaawa ko sa kanya.

Pumikit lamang sya at huminga ng malalim. Tinalikuran nya ako't nagtungo sa mga bintana't pinto para isara ang mga iyon.

"Reeva, wala na tayong choice. Dumating na ang tamang panahon."

Tumango si Ate Reeva at marahang isinuot ang kamay sa bulsa ng kanyang shorts. Mula roon ay may kinuha syang isang card... katulad ng card na nakuha ko.

Di ako makapaniwalang mayroong ganun si Ate Reeva. Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata.

Tahimik lang na nagmamasid si Ara, habang inilapag ni Ate Reeva ang card sa mesa.

"Haliya. Yan ang basa sa nakasulat sa card na iyan. Siya ay isang diyosa na tagapagtanggol ni Bulan na tinatawag namin Mayari. Siya rin ang matinding kaaway ni Bakunawa."

"Mayroong samahan ang mga taga-sunod ni Haliya, at puro mga babae lang ang kasapi rito."

"At kung sino man ang nagbigay sa yo ng card na tulad nito, malaki ang posibilidad na isa rin syang taga-sunod ni Haliya."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay itinaas nya ang sleeve ng suot nyang tshirt.

"Ito ang palatandaan." sabay turo sa
kanyang kanang balikat. Mayroon itong maliit na puting balat na may korteng crescent moon. Di ito pansinin dahil lagi naman syang nakasuot ng t-shirt.

Maya-maya pa’y ipinakita rin sa akin ni Ara ang kanyang puting balat na katulad ng kay Ate Reeva.

"Tuwing bago sumapit ang kabilugan ng buwan, may ihinahanda kaming ritwal na sayaw pangontra kay Bakunawa," dagdag ni Ara.

"Bakit kailangan ng ritwal? Ano bang gagawin ni Bakunawa?" tanong ko sa kanila.

"Amaris, si Bakunawa ay isang malupit at tusong halimaw. Noong unang panahon, sinasabing mayroon tayong pitong buwan sa kalangitan. Dahil sa kanyang kasakiman, kinain nya ang anim sa mga ito. Kaya, isa na lang ang natitira para sa ating mundo. Ang ritwal ay kailangang isagawa upang itaboy si Bakunawa," matiim na paliwanag ni Tita Esther sa akin.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Ang hirap paniwalaan na may mga ganito sa mundo!

"Ano naman po ang kinalaman ko sa lahat ng ito?" muli kong pagtatanong kay Tita Esther.

"Malaki. Malaki ang kinalaman mo, Amaris." Umupo si Tita Esther sa harapan ko't tinitigan akong mabuti.

"Ikaw ang pakay ng mga alagad ni Bakunawa."

"H-ha?!" Ninerbyos ako sa narinig ko at agad na napatayo sa kinauupuan ko. "Bakit po ako?"

"Dahil ikaw... ikaw ang anak ni Mayari!"

Amaris (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon