7. Mahiwagang usok

16 1 3
                                    

Pagtapos mananghalian, umakyat ako sa kwarto para mag-impake ng gamit. Sinuksok ko ang box ng card collection ko sa bag. Isinuot ko na rin ang hairclip na bigay sa akin ng aking inang si Mayari.

Naisipan kong lumabas ng bahay para hanapin si Raffy. Kahit man lang sana ay masulyapan ko sya sa huling pagkakataon.

Sayang naman, ngayon ko lang sya uli nakita tapos aalis naman ako. Di ko alam kailan ko sya uli makikita.

Pinayagan naman ako ni Tita Esther pero mahigpit ang bilin nya na dapat saglit lamang at wag na wag kong sasabihin kanino man, kahit kay Raffy, ang tunay kong katauhan.

Alas tres ng hapon, nagpunta ako sa bahay nila Raffy. Bago pa man makalapit ay nakita ko na bukas ang pintuan ng bahay nila.

Anong meron? Bakit may kakaibang amoy ang nanggagaling mula roon?

Nakakahilo!

Umiikot ang paningin ko at bahagyang napasandal sa pader.

Maya-maya pa'y may nakita akong umagos na likido na kulay pula mula sa pinto nila palabas ng bahay.

Dugo ba ito?!

Bumaliktad ang sikmura ko. Pilit kong pinipigilan masuka. Nang mahimasmasan, mabilis akong tumakbo palayo.

Ano yun? Bakit may ganun?!

Bigla akong natakot. Baka kung ano na ang nangyari kina Raffy!

Tumakbo lang ako ng tumakbo nang nakapikit.

**
(Reeva POV)

"Nay! Saan na po si Amaris?"

"Nagpaalam sya na pupuntahan daw nya saglit si Raffy."

"Ha? Anong oras pa ba sya umalis? Kasama ko si Raffy kanina. Di namin nakausap o nakita man lang si Amaris!"

Biglang nag-iba ang mood ni Nanay. "Kanina pa syang alas-tres umalis!"

"Nay, mag-aalas singko na. Naku po, saan naman kaya sya nagpunta?"

"Hanapin mo," nag-aalalang sinabi ni Nanay habang tinutulak ako palabas ng bahay. "Hanapin mo, madali ka!"

Naku, Amaris, sana okay ka lang! Saan ka na ba? Sana walang nangyaring masama sa iyo.

**
(Amaris POV)

Nanlaki ang mata ko sa pagmulat ko.

Puro usok ang paligid, napakamahiwagang usok!

Wala akong maaninag na kahit na ano. Tumingala ako, wala rin akong makitang mga puno o kalangitan.

"A..ma..ris...."

May tumatawag sa akin. Mabagal at matagal.. nakakahalina ang tinig na iyon. Palinga linga ako pero wala akong makitang iba.

"A..ma..ris...."

Grabe na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tila ba papalapit ang tumatawag sa akin. Sino kaya ito at bakit kilala ako?!

"A..ma..ris...."

Dagli akong pumikit, nagtakip ng tenga at naupo.

"Hindi totoo ang lahat ng ito. Hindi totoo.. hindi totoo.." paulit ulit kong sinasabi sa isip ko.

Nawala na ang tinig. Pagbukas ko ng mga mata ko ay wala na rin ang usok sa paligid. Pero mayroong mahabang hapag sa aking harapan na puno ng samu't saring mga prutas.

Nakakatakam! Naririnig kong tumunog ang tyan ko. Gutom na ako.

Kukuha ako ng saging.

"Amaris.."

Natigilan ako at napukaw ang aking atensyon sa nagsalita. Iyon ang tinig na tumatawag sa akin kanina pa. Isang babaeng nakangiti at may itim na buhok hanggang beywang na nagtatakip sa kanyang mga dibdib. Pansin kong wala itong saplot pang itaas.

Napaatras ako palayo sa hapag.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala?" may takot na pag-uusisa ko sa kanya. "Wag kang lalapit!" pagbabanta ko.

"Wag kang mag-alala, Amaris. Hindi ako masamang nilalang. Isa akong kaibigan."

Amaris (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon