2. Antipatiko

29 4 0
                                    

Andito na sya. Make your move.”

Tumango ang lalaking nakasuot ng shades, itim na hoodie, itim na ripped jeans at itim na Chuck Taylor rubber shoes bilang tugon sa kausap nya. Dali-dali rin itong nagtago sa isang sulok.

Pagpasok ko sa animé shop, nanibago ako. Goosebumps. Kakaiba ang ayos ngayon ah. Everything seems to shine!

Ohayo gozaimasu, Koro Sensei!” nakasanayan ko na kasing batiin si Mr. Koro, ang matandang half-Japanese na may-ari ng animé shop, tuwing papasok ako rito. Itinuturing ko syang sensei o guro dahil tinuturuan nya ako ng magsalita ng kaunting Nihongo. Natututo rin ako kahit paano, at sa dami ba namang napanuod kong mga animé!

Nakapagtataka, wala akong nakuhang response mula kay Mr. Koro. Siguro ay nasa loob sya ng kanyang mini office, kung kaya’t ang assistant lang nyang si Sidra ang nasa counter. Ngumiti lang ito sa akin at kumaway.

Kilalang-kilala na ako sa shop na ito, halos araw-araw ba naman akong nadaan upang masilip ang mga cards dito. Alam na ni Sidra ang hanap ko kung kaya, itinuro nya ang kanang bahagi ng shop na may kakaibang designs.

Wow! Eto na yun!

Nagniningning ang mga mata ko nang makita ang latest collection ng Sailormoon cards. Hay! Kahit nasa loob ng glass counter ay kitang kita ko ang kagandahan ng mga ito!

Hinahawakan ko ang glass counter at sinisipat ang presyo ng latest collection. Aba eh pagkamahal naman! Expected kong mahal kasi bagong labas pero sobra naman ata sa 1000 pesos each. Di aabot singkwenta pesos ko. Hay, buntung hininga na lang.

“Ayos lang, pag-iipunan kita.” Suntok sa buwan kong sinabi habang nakatingin sa mga cards. Dito na lang muna ako sa mas mura.

Pumunta ako sa kaliwang bahagi ng shop kung saan nakalagay ang mga murang blind packs. Pagtapos kong mamili, agad kong binayaran sa counter at binuksan ang mga iyon. Dahil busy ako sa pagpunit ng mga plastic ng blind packs, di ko namalayang may nabangga na pala akong lalaki. Tumilapon ang mga cards ko!

Laging gulat ko at dali-daling sumalampak sa sahig para pulutin ang mga nabili kong cards. Ni hindi ko pa nga nakikita yun lahat, tumilapon na?

Ang nakakainis pa roon ay di man lang ako tinulungan ng lalaking nakabanggaan ko. Sumimangot ako at matalim na tumingin sa kanya.

Di man lang talaga gumalaw. Napaka-ungentleman!

Napailing na lang ako at patuloy na nagpupulot ng mga cards. Binibilang ko ang mga ito habang nakaluhod. Maya-maya pa'y tumikhim ang lalaki at inangat nya ang kanyang shades. Nagsabi lang sya ng "sorry," at agad na umalis palabas ng shop.

Tsk! Antipatikong lalaki! Tumayo ako at binato ko ang plastic ng blind pack sa direksyon kung saan sya nagpunta. Hmp!!!

"O ano ang nangyari, Amaris?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Paglingon ko ay napansin kong si Mr. Koro iyon.

"Ah wala po ito, Koro sensei. Nabitawan ko lang po ang mga cards ko." paliwanag ko sa kanya.

"Ok. Nakita mo na ang bago naming collection?" tanong nya sa akin. Tumango lang ako.

"Eh ang rare edition, gusto mong makita?" pag-usisa nito.

"Hmmm..wala pong nakita rito, Koro sensei."

"Ah yun ay dahil di namin basta basta idinidisplay. Sa mga espesyal na tao lamang, tulad mo. Halika't ipakikita ko sa iyo." nakangiti nyang sinabi sa akin habang tinuturo ang kanyang mini office.

"Sa susunod na lang po, Koro sensei. Lagpas na po ng sampung minuto, naghihintay na sa akin si Ate Reeva."  Malungkot kong pagtanggi sa kanya.

"Ah ayos lang iyon, Amaris. May next time pa." sabi ni Mr. Koro sa akin.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at agad lumabas ng shop. Patakbo kong tinungo ang Mercury Drugstore. Di ako nagkamali, andun na nga si Ate Reeva at naghihintay.

At teka, sino yung kasama nyang lalaki? Hmmm, sya yun! Di ako pwedeng magkamali, sya yun!

....

Sa kabilang banda

"Nagawa mo ba nang maayos ang iniuutos ko?"

"Opo."

"Mabuti. I expect sa pagbilog ng buwan, mangyayari ang dapat mangyari." mahinang tugon nito sa lalaki.

Amaris (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon