𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 1 - WILAY

142 16 23
                                    

"Ma , alis na po ako," sabi ko kay Mama pagkalabas ko sa aking kwarto.

"Kumain ka muna bago ka pumasok, mamaya nyan ay biglang sumakit yang ulo mo sa gutom," sagot nya habang inaayos ang mesa.

"Wag na po Ma, babaunin ko na lang po itong sandwich na ginawa mo at doon ko na po kakainin. Kailangan ko po kasing pumasok ng maaga't hahanapin ko pa po ang mga room na papasukan ko sa kada subject," mahabang pahayag ko kay Mama.

"Oh sya, mag iingat ka anak," sagot nya sa akin bago ko balingan ang nakababata kong kapatid na naglalaro sa sala.

"Bye baby Nicho, pasok na si ate ah. Be a good boy para may pasalubong later," sabi ko sa kapatid ko sabay halik sa kanyang noo.

"Bye Ma!" sigaw ko ng tuluyan na kong makalabas ng bahay.

Hey guys! ako nga pala si Callie Nichole Hernandez but you can call me Nicha for short, 19 years of age .

Today is Monday and today is our first day of school bilang college. Yes po first year college na po ako, taking BSA - Bachelor of Science in Accountancy.

Sumakay na ako sa tricycle na naabutan kong nag aabang ng pasahero sa kalsada. Actually sobrang lapit lang ng school na papasukan ko dito samin, I mean hindi naman sobrang lapit. Isang sakay lang sya mula dito sa amin, 8 pesos ang pamasahe kaya di kana lugi.

UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES

Yan ang pangalan ng school na papasukan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yan ang pangalan ng school na papasukan ko.Isa sa mga sikat na paaralan dito sa lugar namin. May mangilan ngilan pang magagandang paaralan dito ngunit sa ᴜɴᴇᴘ ako sinwerte. Isa ako sa mga pumasa at nabigyan ng full scholarship ng paaralang ito. Projects at kung ano pang extra expenses na lang ang iisipin ko dahil wala na akong babayaran na tuition basta ma-maintain ko lang ang grades ko kada semester.

Kaya naman ay laking pasasalamat iyon ni Mama dahil nakabawas iyon sa aming pang araw araw na gastusin.

"Manong bayad po," Abot ko kay kay manong driver pagkahinto nya sa may paradahan. Nasa bayan lang kasi ang school na papasukan ko. Maliit lang naman kasi tong lugar namin dahil nasa probinsya tayo.

"Nicha!" Rinig kong tawag ng kung sino man mula sa aking likuran nang papatawid na sana ako sa kabilang kalsada. Lumingon ako rito at nakita ko si Xenia isa sa mga kaibigan ko simula Junior High School hanggang ngayon. Bestfriend siguro kung maituturing ang isang to.

"Uy Xenia, hi!" masayang bati ko sa kanya dahil matagal tagal din kaming hindi nagkita.

"Uy bes, alam mo na ba?" tanong nyang parang naiihi na ewan.

"Na ano ba?" nababagot kong sagot.

"Bali-balita kasi sa forum ng school na may transferee daw ngayon, and guess what ?" tuwang tuwa nyang sabi.

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now