𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 13 - 𝑀𝐹𝐴𝐿

28 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 13 - ᴍғᴀʟ

ᴘᴀʀᴛ ɪ

ᴋɪɴᴀʙᴜᴋᴀsᴀɴ ay maaga akong nagising, hindi ko maipagkakailang excited ako sa magiging lakad naming magkakaibigan ngayon.

Sinipat ko muna ang oras sa wall clock na nasa kwarto ko, alas singko y'medya pa lang ng umaga. Bumangon ako't lumabas at nagtungo sa kusina, magluluto muna ako ng agahan nila mama bago ako maliligo. Magluluto ako ng sopas, iyon ang nakita kong madali daling lutuin sa mga stock ng food na nasa pantry.

Matapos kong magluto ay kumain lang ako ng kaunti bago ko napagpasyahang maligo para makapagbihis na. Alas syete y'medya daw kasi nila ako susunduin dito eh. Kaya't kailangan ko na rin talagang maghanda.

Skinny jeans na black, white blouse na may print at denim jacket ang suot ko tapos sinuot ko na lang din yung white sneakers na madalas kong ipares sa mga outfit ko. Sling bag lang ang dadalhin ko ngayon since phone at wallet lang naman ang magiging laman nun atsaka polbo. Medyo manipis din ang mahaba kong buhok kaya hindi ako madalas magtali, mas gusto ko pa rin kasi talagang nakalugay lang. Nang makontento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng silid ko.

Paglabas ko ng kwarto ay nabungaran ko sila mama na kumakain na ng agahan.

"Paalis kana ba anak? Ihahatid ba kita sa bayan?" pagtatanong ni papa.

"Hindi na po papa, susunduin na lang daw nila ako dito." sagot ko habang inaayos yung tumbler ng tubig na dadalhin ko. Di siya gaanong malaki kaya handy naman siyang dalhin.

Tumango lamang si papa bilang sagot sa sinabi ko atsaka ito nagpatuloy sa pagkain. Si naman mama ay busy sa pagpapakain kay Nicho.

Ala sais y'medya pa lang ng umaga kaya naisipan ko munang manood ng telebisyon sa sala habang hinihintay ang pagdating nila.

Mga ilang saglit lang din ang lumipas ay may narinig ako sa labas na tinatawag ang pangalan ko.

"Nichaaaaa, yuhoo! Andito na kami."

Agad akong lumabas sa may pintuan namin at ayon nga ay natanaw ko si Xenia na nasa may gate. Akala ko naman ay kung sino nang baliw ang tumatawag sa pangalan ko, si Xenia lang pala.

Pinagbuksan ko sila ng gate atsaka pinapasok sa bakuran namin. Nagulat ako ng makitang nakasuot yung tatlo ng .. dress at sandals? Gara, biglang na out of place yung suot ko ah. We'll see girls kung tumagal yang suot niyo sa pupuntahan natin hmp. Yung apat naman na lalaki ay okey lang naman ang suot nila, mapoporma naman kasi talaga sila eh kahit yata nasa bahay lang ganyan pa rin suot nila.

"Sigurado na ba kayo diyan sa suot niyo!?" natatawang tanong ko do'n sa tatlo. Sabay sabay naman silang tumango na lalong ikinatawa ko. "Hindi na ba magbabago ang isip niyo? Habang hindi pa tayo umaalis oh.!" muling pagtatanong ko.

"Hindi na nga magbabago ang isip namin Nicha. May problema ba sa suot namin?" takang tanong ni Xeii. Ang gaga parang di niya alam ang pupuntahan namin ah. Bahala kayo haha !!

"Oh' aalis na ba kayo.?" biglang tanong ni papa pagkalabas niya ng bahay. Isa isa naman silang nagsimano.

"Cyde, anak andito pala ang manugang ko ah." baling ni papa kay Cyde. Napayuko na lang ako sa hiya dahil na naman sa inaasta ni papa.

"A-Ah hello po tito." nahihiyang tugon nito.

Pumasok ako sa loob para kunin ang mga gamit ko.

"Sige po papa, aalis na po kami. Nasaan si mama?" palinga linga kong tanong kay papa, wala kasi sa loob ng bahay si mama.

"Ay naroon na yata sa kapitbahay natin, ako na lang magsasabi na gumayak na kayo." ani papa.

Marahan akong tumango bilang sagot kay papa at humalik sa kanyang pisngi bago kami umalis. Isa isa naman silang nagpaalam kay papa.

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now