𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 2 - WILAY

83 16 12
                                    

KINABUKASAN

ALAS singko palang ng umaga pero gising na gising na ako, maaga din kasi akong nakatulog kagabi kaya siguro maaga din akong nagising ngayon. Sabagay, okay lang naman para masanay na ako lalo na ngayong may pasok na.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang mapagpasyahan ko na bumangon na. Inayos ko muna saglit ang higaan bago ako lumabas ng kwarto. Bitbit ang tuwalyang dumeritso sa CR upang makaligo na at makapaghanda para sa pagpasok.

Matapos kong maligo ay bumalik ako sa kwarto ko upang makapagbihis na ng pangpasok. White plain blouse, maong skinny jeans paired with a white rubber shoes ang suot ko since dipa gawa ang uniform namin kaya isang buong linggo muna kaming naka civilian.

Nagsuklay at naglagay lang ako ng kunting pulbos sa mukha ko at manipis na pagkakalagay ng liptint sa lips para di naman ako magmukhang bangkay. Medyo maputi din naman kasi ako, medyo lang naman. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang backpack ko na kulay itim na Jansport - yung mumurahing jansport na mabibili lang diyan sa bayan.

"Oh anak ang aga mo naman yata, mag aalas syete pa lang pero bihis na bihis kana," bungad ni Mama sakin nang maabutan ko siyang naghahanda ng agahan sa lamesa.

"Eh Ma, maaga po akong nagising eh. At saka para di na rin ako malate," nakangiti kong sagot kay mama.

"Oh sya, kumain ka muna diyan bago ka pumasok ah. Gigisingin ko lang ang Papa mo nang maihatid ka sa bayan, papasok din iyon sa trabaho ngayon," Tango lang ang isinagot ko.

I sighed. Kahapon lang ay excited na excited pa akong pumasok, masayang masaya pa akong naghanda dahil college na ako. Pero nang maalala ko ang nangyari kahapon sa canteen parang natunaw lahat ng excitement sa katawan ko. Pakiramdam ko magiging magulo ang araw araw na pagpasok ko.

Kasalanan ko naman, kung bakit ba kasi ay pinatulan ko pa ang impaktong yun. Hindi bale, siguro iiwasan ko na lang na makasalubong or kahit na makita siya sa school pero imposible yun, hindi naman ganun kalaki ang school para di kami magkita. Ugh! Bahala na nga!

"Hoy Nicha, natulala kana diyan,"

"Ano ba naman yan Ma, nanggugulat ka eh!" Nagulat ako sa biglaang pagtapik ni Mama sa balikat ko. "Buti wala akong sakit sa puso kung hindi baka inatake na ako,"

"Aba! Ang OA mo naman yata anak, sakit sa puso agad? May problema ka ba't kung makapag-buntong hininga ka diyan ay para kang pagod na kalabaw,"

"Ang ganda ko naman Ma para maging kalabaw, at saka wala po akong problema Ma," tugon ko kay Mama. "Asan na po si Papa?" pahabol ko pang tanong.

"Nagbibihis na, ihahatid ka raw muna niya at pagbalik saka nalang siya mag aagahan."

"Ah sige po."

"Nicha tara na," tawag sakin ni Papa pagkalabas niya sakanilang kwarto.

Si Nicho ay marahil tulog pa, di ko pa kasi naririnig ang boses niya. Mahahalata mo kasing gising na siya dahil may maingay na.

"Sige po Ma, alis na po kami ni Papa!"

"Oh sige kumain ka mamaya sa skwelahan niyo ah,"

"Opo," maikling sagot ko.

Nasa loob na ako ng tricycle namin nang maisipan kong i-message yung dalawa sa messenger. May groupchat kami pero kaming tatlo lang din ang naroon, nakakatawa lang. Okay na din para isang send lang pag sila lang din naman ang ime-message ko.

CaNicha_04:
Uy girls! san na kayo ? Otw na ko sa school. Kitakits.

XeiiXeii:
Otw na din ako. See you!

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now