𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 3 - WILAY

55 13 7
                                    

HALOS tatlong linggo na rin ang lumipas magmula nang magsimula ang pasukan. At sa tatlong linggong lumipas na yun ay wala namang espesyal na naganap. Chill lang kumbaga. Typical na gawain ng isang estudyante.

Tapos na rin ang Preliminary Exam namin para sa semester na to kaya medyo pahinga din muna dahil mahaba haba pa ang lalakbayin natin. Relax muna self.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway dahil pupunta ako sa room ng MPO - Media & Publication Organization. Balak ko kasing sumali dahil interesado ako. Di naman kasi ako sporty girl at pagsusulat talaga ang hilig ko.

Kung nagtataka kayo kung ba't diko kasama 'yong maingay kong kaibigan. Well, sa Music & Dance Club siya sumali. Kahit naman kasi ganun yun ay may ibubuga din talaga yun pagdating sa sayaw. Si Tiff naman ay sa Recreation and Sports Org. sumali since mahilig 'yon sa sports thing. Siya talaga ang sporty saming tatlo.

Pagdating ko sa harap nang pinto ng MP Org. room ay kumatok ako ng tatlong beses.

"Tuloy! Bukas yan," sagot ng isang babae sa loob.

Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob.May tatlong babae ang naroon.Lumingon sakin yung isa na sa palagay ko ay siya yung sumagot kanina.

Medyo maliit lang yung Org. room. May mahabang mesa sa gitna at mga upuan na nasa sampo siguro ang bilang. May white board sa harap na sa tingin ko ay dun isinusulat ang mga bagay bagay na dapat pag usapan kapag may meeting na nagaganap.

"Good morning po. Ahm freshmen po ako at gusto ko pong sumali sa Org. niyo po kung pwede po," napasobra yata yung paggamit ko ng "PO". Nahihiya kasi ako.

"Ah okay, halika maupo ka," Turo niya sa isa sa mga upuan na nasa tabi niya. "Gusto mo ba talagang makapasok sa Org. namin?" pagsisigurado niyang tanong sa akin. Di ko gusto ang ngiti ni ate. Pero dahil gusto ko talagang makapasok ay umuo ako.

"Opo," sagot ko na may pagtango pang kasama.

"Uhm by the way my name is Myrine San Pedro. Senior Student at Educ. ako," pakilala niya sa sarili niya. "But since gusto mo talagang makapasok, may ipapagawa muna ako sayo tapos saka kita ia-accept dito. Ano payag ka ba?" she asked.

Ano bang ipapagawa niya? Pasasayawin niya kaya ako sa harap ng maraming students, pakakantahin? Omg di ako prepared may paganito pala. Sana nagpraktis man lang ako. Marunong naman ako kumanta at mag gitara.

"Ano po ba yun?" tanong ko pero isang nakakalokong ngiti ang isinagot niya.

--------

Lumabas ako sa silid na yun na animo'y batang inagawan ng candy dahil sa pagkakabusangot ng mukha.

Sa lahat naman ng pwedeng ipagawa ay 'yon pa talaga. Nakakainis naman tss. Kung hindi lang talaga ako interesado ay hinding hindi ko to gagawin.

Dumiretso ako ng canteen para bumili ng malamig na tubig para gumaan ang pakiramdam ko. Naiinis kasi ako eh. Tumataas ang dugo ko dahil do'n sa ipinapagawa ni ate.

Mag isa lang akong nakaupo dito sa tambayan namin. Hindi ko kasama ang dalawa dahil busy silang pareho. Si Xenia ay busy na dahil may pinapraktis na daw silang sayaw. Si Tiffany naman ay ganoon din. Busy din sa club na sinalihan niya at sa iba niyang school works. Ako eto,nganga!.

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now