ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 11 - ᴍғᴀʟ
"𝙸 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚢𝚘𝚞, 𝙲𝚊𝚕𝚕𝚒𝚎"
"𝙸 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚢𝚘𝚞, 𝙲𝚊𝚕𝚕𝚒𝚎"
"𝙸 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚢𝚘𝚞, 𝙲𝚊𝚕𝚕𝚒𝚎"
Mga ilang beses nagpaulit ulit sa pandinig ko ang mga salitang iyon. Bago ko nagawang lumingon sa katabi ko na ngiting ngiti ngayon. Umawang ang mga labi ko ngunit walang tinig ang lumabas, hindi agad ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sakanya, sa mismong mga mata niya.
Hindi naman siguro siya lasing no'. usal ko sa isip ko.
"You don't have to answer that now Callie, no pressure okay?! I just .. I just want to tell you how I feel for you Callie." nakangiti siya bagamat mahihimigan mo sa tono ng boses niya na seryoso ito.
Itinuon niya ng muli sa mga kaibigan namin ang kanyang paningin, samantalang ako ay hindi ko na nagawang makapag pokus sa kanila dahil okupado na niya ang isip ko. Sa katunayan ay balak ko na talagang sagutin siya ngayon, ngunit hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin iyon. GRR !
Nadagdagan pa ng ilang bote ng redhorse yung iniinom nila, imbes na tatlo lang ay naging anim kaya naman ang iba mukhang may tama na. Si Nyke na madaldal ay lalong naging madaldal, si Jace naman kung dati ay tahimik ngayon ay nangungulit na at si Deo lalong naging maharot panay pa'cute kay Xenia eh. Jusko !
Si Cyde, hindi siya masyadong umiinom dahil siya daw ang magdadrive pauwi ng sasakyang dala nila. Ngunit panaka naka siyang susulyap sakin at ngingiti.
Alas dyes y'medya na ng gabi nang mapag'pasyahan na nilang umuwi. Nauna na sa sasakyan sila Xenia, Tiff at Cassie dahil inalalayan nila yung tatlong lalaki. Naiwan kaming dalawa ni Cyde dahil tinulungan niya pa akong ligpitin ang mga pinag inuman dito sa labas.
"Okey na to Cyde, bukas ko na lang lilinisin yung iba. Baka hinihintay kana nila." sabi ko kay Cyde dahil abala pa siya sa pagbubuhat ng mga upuan para ilagay sa gilid.
Lumingon siya sa gawi ko. "Are you sure?" seryoso niyang tanong sa akin kaya't tumango na lamang ako.
"Salamat ah, sa pagpunta niyo." nakangiti kong saad sakanya.
"Nah! I should be the one saying thank you ... thank you for inviting us here." bahagya siyang tumawa at lumapit sa akin. "Uhmm .. so uuwi na ako." may pag aalangan sakanyang tono.
"Uh Sige ,, hatid na kita sa may gate." nagpatiuna na ako sa paglalakad patungo sa gate namin, naramdaman ko din ang pagsunod niya sa likuran ko.
Humarap siya sa akin nang makarating kami sa may bukana ng gate namin. Wala ng tao sa labas, marahil ay tulog na din ang mga ito dahil gabi na. "So ., bye for now Callie. See you on monday, I guess."
Bahagya lang akong tumango, hindi ako mapakali. May gusto akong sabihin sakanya pero hindi ko alam kung paano ko ba iyon sasabihin. KINAKABAHAN AKO !!!
"Hey, are you okey ?" may pag aalala sakanyang tono, marahil ay napansin niya ang pagiging uneasy ko.
"A-Ahh kasi .. t-tungkol dun sa ano .. sa s-sinabi mo." nyemas naman bakit diko masabi , ano bang problema ng dila ko.
"About my feelings for you? What about it Callie ? I told you no need to answer that now, If you're not ready yet. I can wait Callie." nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi iyon at bahagyang ngumiti.
"P-Pero ready na ko." halos pabulong sambit ngunit nasisiguro kong narinig niya dahil napakalapit niya sa akin at bukod pa ro'n ay sobrang tahimik na ng paligid.
YOU ARE READING
When I Look At You (BS)- on-going
Teen FictionNicha was a very kind and optimistic kind of a person. She has this soft and warm hearted personality. A very family oriented person, a goal keeper, and a BIG DREAMER. ENJOY READING! Credits to the rightful owners of the photos that I used in this s...