Czaria's POV
"Gosh. Where the hell is it!"
I crumbled my fist, feeling annoyed. Isang oras na akong naghahanap ngunit wala pa din.
Once I've been declared, you all needed to pass your formal informations. Is everything clear?
"Nandyan lang yan ate. Mabuti pa at bumaba ka muna, naaaksaya na naman ang ganda mo," pagbibiro ni Zebby, kapatid ko.
Mas lalo pa akong nainis nang marinig ang kanyang mahinang pagtawa. I threw my pillow against him and rolled my eyes.
"Ikaw na bata ka, tigilan mo na yang ganyan. You aren't a high school student anymore, tsk."
He's incoming freshman college this year. Kaya naman kahit na naiinis na ako sa paghahanap ngayon, pinipilit ko pa.
"Don't worry ate, di na ako bata. Teka ano bang hinahanap mo? Makeup?," inosenteng tanong niya, kaya't nasapo ko ang aking noo.
"Aba't minsan ka na nga lang manghula, mali pa. Hindi makeup ang hinahanap ko, bagkus papeles. Lumabas ka na nga, pinupuno mo ako lalo."
"Sungit mo ate. We gotta go later, just forget your work only this time. Look at you, kaya ka siguro iniwan ni kuya Gab"
"Damn you! Get out!," pasigaw na sagot ko sa kanya at sinamaan tingin. Sinara naman niya ng agaran ang pinto kaya't mas lalo akong nainis.
How's he anyway
Sandali akong naupo at napabuntong-hininga. Simula noong araw na iyon, hindi na kami muling nagkita pa. Napailing na lamang ako upang bawiin ang naiisip. I don't wanted to ruin my day, thinking about him again.
"Kung makeup ang hinahanap ko, baka nasa basurahan na. Zebby is such-."
Naputol ang aking sinasabi ng maaninag ang kabinet sa gilid. Kulay kayumanggi iyon na sa palagay ko ay matanda pa sa akin. Agad ako na naghanap-hanap. Worksheet. Printed papers. Index Cards. Journal. Muntik ko ng masabunutan ang sarili ng matagpuan ang hinahanap, ngunit mas naagaw ng atensyon ko ang isang lila na kwaderno.
Pabagsak ko na isinara ang kahera habang bitbit ang mga papeles. Ilang hakbang pa lamang papalayo ay may nagtutulak sa akin na basahin muli ito. Ngunit mas nangingibabaw sa akin ang lahat, na muling nagbabalik sa pangalawang simula.
"Just these time, only," saad ko. Bakas na sa pabalat at pahina nito ang kalumaan. "It's been five years ago. I know that your child resembles you perfectly, hoping that your happy now," mahinang bulong ko.
Naupo ako sa harap ng office table at akma na sanang bubuklatin ngunit may kumakatok.
"Anak?," tawag ni Inay mula sa labas. Agaran kong binuksan ang pinto, napayakap ako noong makita ang damit na binili ko na suot niya.
"Aalis na kami anak, sigurado ka ba na hindi ka sasama?," bakas sa tono ang pag-aalangan. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at ngumiti.
"Yes 'nay, I'll be fine. Later I have a surprise for Zebby," ngiting sagot ko.
"Sige anak, tumawag ka lang kung may kailangan ka."
"Opo."
Iginiya ko sila hanggang gate atsaka pumanhik muli noong sila'y makasakay.
Lumapit akong muli sa office table atsaka naupo."I love you forever, Mrs. Czarina Conde"
Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago binuklat ng tuluyan. Ni walang nabawas sa mga pahina nito.
June 16, 2012
"Sariwang mga gulay, halina't bumili."Masayang sigaw ko sa mga naglalakad sa harapan ng aming pwesto. Kasalukuyan akong nagtitinda ng mga gulay, anihan ng mga ito ngayon kaya't tiyak na kailangang malakas sa bentahan.

YOU ARE READING
Raindrops of Chance
Short StoryDrops of Rain. Shuttered Dreams. Sweetest Love. Do. Last. When the world rotates, there's always a chance. In the concept of love, it requires a real love. Not because he makes you spark your eyes again, you believe. Minsan pagkakataon ang nagpapat...