Sumalubong sa amin ang matataas na pader na napapaligiran ang nasa loob ng Fort Santiago.
"Bawal yata ang parking dito Gab, hanap muna tayo ng parking," saad ko. Nakikita ko kasi na hindi umuusad ang mga sasakyan sa harap.
"Okay then, let's go."
Ilang kurba pa ang ginawa namin hanggang sa may nahanap kami sa isang five star hotel parking dito din malapit.
"Wala ka na bang nakalimutan?," tanong niya. Umiling naman ako bilang tugon, kaya't nagsimula na kaming maglakad.
"Peace be with you, Gab," saad ko.
Katatapos lamang ng misa kaya't ngayon ay palabas na kami. Fort Santiago is that interesting and historical. Mabuti na lamang at naisipan ko siyang dalhin dito.
"Peace be with you too, Cza. Look at them," sabay nguso niya sa couple na dumadaan habang nakaholding-hands. "Can I atleast hold your hand," tanong nito.
"No, you have a fiance already, Gab," sagot ko. Lihim naman akong napangiti ng mapait dahil dito.
"Plea-. Hey, Cza wait for me."
Tinakbuhan ko siya hanggang sa mapadpad kami sa isang museo. Pilit niya pa din akong hinahabol kaya't nagsisitinginan na ang mga tao.
"Ay ang sweet naman."
"Yeah, kailan kaya ako magkakaroon ng ganyang alaala?."
Hindi ko pinansin ang mga bumubulong sa gilid ko kaya't patuloy ako sa pagtakbo.
"I dare you to stopped. Kapag hindi pwes, mananagot ka," pananakot nito sa akin. Kahit papaano ay may naramdaman akong kiliti sa aking sistema.
'Anong klaseng banta yun?'
"Gotcha."
"Ay! Sandali ang daya mo," nakangusong saad ko.
Nakakapit ang mgabraso niya sa aking mga baywang. Nasa likod siya habang nararamdaman ang kanyang paghinga.
"Tara na, let's take a picture. Let go of me."
-------------------------------
I quickly typed my password and suddenly the home screen appeared. Nababasa ko palang na sa kanya galing ay waring may paru-parong lumilipad sa tiyan ko. Sa kabila ng nararamdaman kong iyon ay halos gumuho ang aking mundo ng mabasa ko ang kanyang mga mensahe
From: Babe
I'm breaking up with you, we're done. I'm happy with my fiance' now.
Tanging luha na lamang lumabas sa aking mata habang tiningnan ang sunod-sunod na mga litrato.
'Akala ko ba ako lang?'
Pinipilit ko na limutin siya ngunit mayroon siyang karisma na hindi mapapantayan ng iba. During thst time, there are boys whose trying to court me. Hindi lang ako pumapayag dahil alam ko na hindi totoo iyon.
--------------------------------
Dalawang araw sa isang linggo kami lumalabas ni Gabriel upang puntahan ang nais. Nalalapit na ang Agosto at alam kong aalis na siya sa oras na tumapak iyon.

YOU ARE READING
Raindrops of Chance
Short StoryDrops of Rain. Shuttered Dreams. Sweetest Love. Do. Last. When the world rotates, there's always a chance. In the concept of love, it requires a real love. Not because he makes you spark your eyes again, you believe. Minsan pagkakataon ang nagpapat...