Tatlong araw pa ang nakalipas ay nakalabas na din ako sa ospital. Pagdating sa bahay ay animong nangulila ako sa simoy ng hangin na laging bumabalot sa aming bakuran.
Tanaw mula dito ang papalubog na araw sa may dalampasigan. Kay sarap sigurong panoorin nito na kasama ang mahal mo sa buhay.
"Nasaan na nga ba kasi si Gabriel?," lumabas mula sa aking bibig ang iniisip ko kaya't agad na napatakip sa bibig.
"Hindi ba't nagpaalam siya na may importante siyang gagawin at hindi pwedeng ipagpaliban iyon. H'wag munang magisip-isip Cza, halika na't magpahinga ka."
"Oho inay, akyat na po ako."
Napabuga ako ng hangin ng sumara ang pinto atsaka nahiga. Hindi ko na malayan na nahimbing na pala ako sa pagtulog.
-----------------------------Kinabukasan ay nagising ako sa katok na nagmumula sa pinto kaya't agad akong tumayo upang buksan ito. Sarado pa ang mga mata kong tumayo, ngunit biglang nagising ang diwa ko nang maulinigan ang mga boses.
"Manang, I can wait naman po," he said with his masculine voice. Gustong-gusto ko pa din talagang marinig ito.
"Czarina!," nataranta ako ng may katok ulit na nagmumula dito. Humugot muna ako ng himinga atsaka dahan-dahang pinihit ang door knob.
"Bakit po Inay," silip ko sa pinto. Hindi ko maiikakailang hanggang dito ay humahalimuyak ang kanyang pabango.
"Oh hi Gab, what brings you here?," tanong ko. Ngunit pasimple lamang akong itinulak ni Inay papasok atsaka iginaya si Gab sa sala.
Ako naman agad naghilamos at nag-aayos sa kwarto dahil baka pumunta ito dito. Tiningnan ko muna ang repleksyon sa salamin bago bumaba.
"Heto na pala siya. Kamusta ang pakiramdam mo hija, magaan na ba?."
"Oho-."
"Flowers again for you," pagkatapos ay ibinigay sa akin ang kumpol ng mga rosas.
"Salamat," ngiting sagot ko.
"Nakuu! H'wag mo sanang masasamain hijo, ngunit ano ba ang ibig mong ipahiwatig ng mga bulaklak na yan kay Czarina," pagbibiro ni Inay dito, ngumiti naman siya habang pinagmamasdan si Inay na nagwawalis. "Ikaw ba'y nanliligaw kay Czarina?," tanong niya kaya't bigla akong nahiya.
"Ano ka ba 'Ma, may fiancé na si Gabriel. Nakakahiya po."
"Okay. Magluluto lang ako," huling sabi ni Inay at lumabas na sa kusina.
"Tara sa kwarto ko, naglilinis kasi si Inay dito."
"Sure."
Pagdating namin sa kwarto ko ay namangha siya sa luwag nito. Bawat sulok ay tinitingnan niya, pati ang mga litrato ko na nakalagay sa bedside table. Maya-maya lamang ay may napansin siya na alam kong mapapansin niya talaga.
"We looked cute here, Cza. When these photo being captured?."
Binuksan ko muna ng tuluyan ang bintana, na tanaw ang dalampasigan mula dito, bago siya sinagot.
"Makakalimutin ka na. Hindi mo ba natatandaan noong nagsimba tayo ng sama-sama noon.
"Yeah, I remembered now. Naalala mo ba noong pilit kang nagpapabili ng cotton candy kay Manang. Pagkatapos ay umiyak na ng pagkalakas-lakas," ngiting saad niya. Sa totoo lang ay naalala ko din ito.

YOU ARE READING
Raindrops of Chance
Short StoryDrops of Rain. Shuttered Dreams. Sweetest Love. Do. Last. When the world rotates, there's always a chance. In the concept of love, it requires a real love. Not because he makes you spark your eyes again, you believe. Minsan pagkakataon ang nagpapat...