Dumating ang araw na aming pinakahihintay, ang araw na napakaspecial para sa akin ngayong taon na ito. Inaayusan na nila ako ngayon sa nasabing private resort, sa loob ng isang silid na aking tinulugan. Pagkagising ko pa lamang ay nakakaramdam na ako ng saya at may halong kaba, ngunit unti-unti na itong nawawala habang papalapit sa oras na itinakda. Hindi ko pa nakikita ang labas ngayon, dahil ala-sais palang ng umaga ay kumatok na si Inay sa aking kwarto kasama ang mga stylist.
Mahigit dalawang oras na din itong nagtatagal, ngayon buhok naman ang kanilang inaayos. Gusto ko sanang tanungin si Inay kung nasaan si Gab ngayon ngunit binalewala ko nalamang ito, dahil alam ko na parehas naming gusto ang kasal na magaganap ngayon kaya't walang matatawag na runaway bride o groom.
Dumating na din ang gown ko kahapon ng gabi. Tinignan ko lang ito at hindi na sinukat pa dahil pamahiin daw iyon. Na baka may mangyaring masama sa aming dalawa. Ang style nito ay hapit sa taas at medyo may kahabaan sa baba, ang design naman ay mga silver na kumikinang sa taas habang sa baba naman ay pa-wavy.
Matapos akong ayusan ay humarap ako sa aking hitsura sa salamin na parang hindi ko nakilala pa ang aking sarili. Light lamang ang make-up habang ang sa eye shadow naman ay pinaghalong brown at silver, ayon sa kanila ay bagay ito lalo na't maputi ako. Pinasuot na nila sa aking ang gown, sakto pa din ito sa sukat gaya ng aking inaakala. Hindi lamang pala si Gab ang magaling, pati din pala ang nagtahi.
May kumatok sa pinto pagkatapos kong sinuot ang dress pati ang mga silver na alahas. Tumambad sa amin si Hexilla at si Janella, ang aking bestfriend na kapwa nakasuot na ng kanilang mga nakatakdang damit. Pansin ko lamang na naging malapit na sila, matapos ang tatlong araw na pananatili namin dito sa resort. Wala namang kaso sa akin iyon, dahil mahal ko silang pareho. Pumasok na sila at napahinto pa noong makita ako. Nakakatuwa lamang dahil sabay din silang nagtakip ng bibig sa mangha.
"Omoooo dre! Ang ganda mo naman.... ngayon ka lamg maganda huh! Ay hehe char," pagbibiro pa ng aking bestfriend.
"Ateeeee! Hang ganda mo! I'm sure matutulala si Kuya sa iyo mamaya. Imbes na tumingin sa pari iyon ay sayo na lamang tumingin HAHAHA!," hataw naman ni Hexilla, medyo hindi pa maayos ang kanyang pagkakasabi dahil Englishera ito at hindi masyadong marunong mag-tagalog. Nakuu! Hindi naman ito ganoon dati ah, bad influence Janella.
"Halika nga kayo girls! Hug meeee... Hm!," I spread my arm to welcomed them, humigpit ang yakap nila sa akin at nagkunwari pang naiiyak.
"Halika na ate, hinihintay ka na ni kuya sa altar. Ikaw na lamang ang kulang eh, siya nga pala iwan mo nalang si Zebby sa akin ate aampunin ko lang. Hang cutee kasi eh, gusto ko ganoon din ka-cute ang aking mga magiging pamangkin ate ah," muling hataw pa nito, napailing-iling naman ako at ng may kalakasan dahil dito. Aba't sure pa na marami huh!
"Am I real?
Do the words I speak before you
Make you feel
That the love I have for you
Will see no ending?"
From the beginning, I never expected this to happen. It's like it is literally, imagine your ex-boyfriend really loves you what you are thought, searching for you and having you back? He broke with me, he pushes me away pero siya itong naghangad na bumalik ako at pakasalan siya. Isn't it too ironic?
Speaking of him there is he, standing on the altar waiting for me. God thankyou for bringing us back together, I swear I will be happy with him through the rest of my life. There he is wearing a white tuxedo, like the gods in Olympus.
"Well, if you look into my eyes
Then you should know
That there is nothing here to doubt
Nothing to fear
And you can lay your questions down
'Cause if you'll hold me
So we can fade into the night
And you'll know
Patuloy pa din ako sa aking paglalakad palapit sa kanya, sinulyapan ko lamang sandali ang mga dumalo, siyempre nangunguna diyan ang aming mga magulang pati na din ang aming mga kaibigan. Natatanaw ko pa sa sulok si Janella na kasama ang kanyang asawa sa sulok. Si Hero ang kumakanta para sa aming wedding song, halatang si Hilarus talaga ang nagrequest.
Habang naglalakad ako ay may naghahagis ng mga petals, ang theme kasi ay mala-forest pero sa beach ginanap. Nakakatuwa lamang dahil ang ganda ng set-up at halatang expert ang pagkaka-ayos, deretso lamang ang tingin ko sa lalaking naghihintay sa akin sa altar, samantalang ang mga mata ng bisita ay nakatingin sa akin at may mga ngiti sa kanilang labi. Kahit na ba nakabelo ako ay nginitian ko pa din ang mga ito.
"The world could die
And everything may lie
Still you shan't cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side
Forever by your side
Ngayon ay papalapit na ako sa kanya, hindi ko na mahintay ang sandaling mag-iisang dibdib namin. Na magiging simula ng pagbabago sa aming buhay o personal na bagay. Sa preparasyon palang ay halos maging aggresive siya, paano pa kung magkaroon na kami ng mga supling.
"The world could die
And everything may lie
Still you shan't cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side
Forever by your side
Hinawakan niya ng aking kamay at sabay na naglakad patungo sa kung nasaan nakatayo ang padre na magkukumpisal sa amin. Umupo na kami atsaka pinagtiklop ang aming mga kamay. Inumpisahan na ng padre ang seremonyas.
YOU ARE READING
Raindrops of Chance
Short StoryDrops of Rain. Shuttered Dreams. Sweetest Love. Do. Last. When the world rotates, there's always a chance. In the concept of love, it requires a real love. Not because he makes you spark your eyes again, you believe. Minsan pagkakataon ang nagpapat...