002

18 5 0
                                    

Corona Virus

Corona virus di ka nakakatuwa
Mahigit dalawang libong buhay ang iyong kinuha
Mga tao ngayo'y malungkot lumuluha
Dahil sa iyong lubhang pinsala.

2020, akala nami'y masaya
Sinalubong ka pa naman nang sigawang kay sisigla.
Sana nama'y iyong pinaalala
Upang kami'y maging handa sa kalungkutang iyong dala-dala.

Mga plano ng pamilya't barkada
Masaya pa naman kapag nagsama-sama
Ngunit paano magiging masaya,
Kung sa bawat galaw, epidemya ang maaalala.

Ito ba ang gusto mong makita?
Ikaw ang bida sa problemang iyong dala?
Congrats, panalo kana!
Dahil iyong makikita ang paghihirap ng madla.

By: kiraaaayy_

Tulang Malaya, KabatangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon