012

9 4 0
                                    

Masarap nga palang bumalik sa pagkabata
Yung tipong paglalaro lang ang malimit ginagawa
Tumatakbo kahit na sobrang lampa,
At bumabangon na masaya, kahit may sugat na.

Bakit ngayon parang ang hirap na?
Dahil ba sa tayoy tumatanda na?
Kahit ibang tao, hirap na tayo'y mapasaya
Na parang laging may kulang sa ating sistema.

Dati tuhod lang ang nasusugatan
Iiyak mo lang, okay na sa pakiramdam
Bakit ngayon, pati puso nasusugatan?
Kahit iiyak mo, parang di pa din nababawasan ang sakit na ating nararamdaman.

Pero wala eh, andito na tayo
Sabayan nalang natin ang daloy ng mundo
Balang araw, masasabi din nating magiging okay din tayo
At syempre, kasama ang taong bubuo sa ating pagkatao.

By: kiraaaayy_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tulang Malaya, KabatangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon