011

10 5 0
                                    

Hindi ko alam kung saan nag umpisa
Basta ang alam ko lang hinahanap hanap na kita
Sa facebook, twitter pati kaklase mo inistalk ko na
Dahil ang isang tulad mo ay nais kong makilala.

Naalala ko pa, sa pagluluto tayoy nagkakasama
Iyon nga lang, hindi tayo magkakilala
Lagi ko pang nakikita ang ngiti mong kay gaganda
Na nakikita kong umaabot sayong mga mata.

Dumating ang araw, sa silid lagi tayong magkasama
Oo tama ka, naging magkaklase nga tayong dalawa.
Doon ko natantong masayahin ka nga pala talaga
Na parang walang iniisip na problema at puro goodvibes lang ang dala dala.

Pinagtagpo pero hindi itinadhana
Siguro nga ganyan tayong dalawa
Pinagtagpo lang para magkakilala
At hindi itinadhana sa isat isa.

Wag ka mag alala,
Alam kong andyan lang ang para sayo sinta
Ang hinihiling ko lang ay maging masaya ka sa kung anong meron ka
Hindi man tayo ang nagkatuluyang dalawa.

By: kiraaaayy_

Tulang Malaya, KabatangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon