005

12 6 0
                                    

Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito?
Nagpakatotoo lang naman ako, pero bakit ako ginago?
Ganito ba talaga ang role ko sa mundo?
Ang maramdaman ko, na parang pinagkakaisahan ako ng mga tao?

Iniisip siguro nila na matapang ako.
Na kaya kong lampasan ang mga problema kahit nagiisa ako.
Pero, alam mo kung ano ang totoo?
Na konti nalang, ubos na ubos na ko.
At ipinapakita ko lang sa kanila na matatag ako.

Lagi kong tinatanong ang sarili ko,
Deserve ko ba ang mga ito?
Kaya ba ganito niya ko itrato?
Inaabuso ng todo.
Kaya eto, enjoy na enjoy pa ko.

Siguro nga natauhan na ko.
Kaya eto, nagiisa na ko.
Malungkot? Oo.
Pero wag ka magalala magiging okay din ako.
Bubuuin ko ulit ang sarili ko.
Hindi para sa kanila, hindi para sayo.
Kundi para sa sarili ko.

By: kiraaaayy_

Tulang Malaya, KabatangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon