010

12 6 0
                                    

Hanggang kailan ko ba kailangang itago
Itong nararamdamang sakit sa aking puso
Akala ko natapos na ko sayo
Ngunit niloloko ko lang pala ang sarili ko.

Gumagawa ng paraan para makausap ka
Tapos ikaw walang pakikisama
Reply mo lang naman ang nagpapasaya
Sa tuwing naiisip kong akoy nagiisa.

Pede bang mawala nalang tong sakit?
Hindi ko na kasi kaya ang paulit ulit
Kailan ba ko makakahanap ng kapalit
Yung hindi katulad mong, akoy pinagpalit.

Masakit isiping wala na kong ikaw na magpapasaya
Ngunit mas masakit kung sayoy ipipilit ko pa
Kasi alam naman nating dalawa na ayaw mo na
Ako lang tong tanga na patuloy pa ding umaasa.

By: kiraaaayy_

Tulang Malaya, KabatangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon